Thursday, May 29, 2008

Sikat na ang bayan ng Tanauan


Sikat na sikat na ang bayan ng Tanauan ngayon.

 

Naalala ko dati, nung maliit pa ako, pamilyar sa akin ang Tanauan dahil ito ang pinakamabilis na daan papunta sa Talisay.  Doon kami madalas magpunta, nandun lahat ng karamihan ng pinsan at kamag-anak na laging nakakasama tuwing magbabakasyon.

 

Pagbaba pa lang ng bus na galing sa terminal ng dating BLTB sa Pasay ay puno na ng galak at kasiyahan.  Andun ang mga nagdadamihang tindahan ng mga pasalubong na kalamay, panutsa, shing-a-ling, makapuno, bukayo at mga biskwit na masarap isawsaw sa mainit na kapeng barako. 

 

Simula sa babaan sa National Highway ay malapit lang ang nilalakad papuntang palengke ng Tanauan kung saan andun ang mga terminal ng jeep na bumabyahe papunta sa mga kalapit na bayan, kasama na ang tahimik na baryo na malapit sa lawa ng bulkang Taal kung saan nakatira si Lola at kung saan lumaki sila Inay at ang kanyang mga kapatid.  Ang mahigit dalawang daang metrong lakaran ay halos sapat lang upang maging saksi at makita ang simpleng kagandahan at masiglang pagsalubong na bihira maramdaman ng mga dayo at bumibisita.  Sadyang nakakatuwang makita ang mga taong nakakasalubong na karamihan ay nakangiti kahit na anong estado ng buhay.

 

Sikat na sikat na ang bayan ng Tanauan ngayon.

 

Mula sa isang maliit na bayan na sentro ng mga nagmula sa mga karatig-pook, nagkumpulan ang iba’t ibang tao sa Tanauan dahil sa napaka-importante nitong lokasyon.  Naging sentro ito ng kalakalan ng mga taga Sto. Tomas, Lipa, Malvar, Talisay, Calamba, San Pablo at iba pang kalapit na lugar.  Dito rin matatagpuan ang mga byaheng kadalasan ay hindi na dinadaan ng mga pampasaherong bus.  Andito ang isa sa malaking palengke na naglalaman ng halos lahat ng produktong kadalasan ay sa Maynila lang nahahanap, bukod sa mga sariwang prutas, gulay, isda, at karne.  Naging isang ganap na siyudad ang Tanauan dahil sa pagsisikap at sa umuunlad na ekonomiyang pangsaka, indutriyal, pati na rin ang turismo at komersiyal.  Malaki na ang pinagbago ng Tanauan. 

 

Sikat na uli ang bayan ng Tanauan ngayon.

 

Nung makalawa lang mayroong dalawang matandang magkapatid na babae ang binaril dahil lumaban sa mga holdaper na pilit kinukuha ang pera nila.  Madaling araw, papunta pa sa simbahan upang makinig ng misa ng biglang harangin ng masasamang elemento at nang hindi maibigay ang gusto ng mga holdaper ay bigla na lang binaril ang dalawa.  Nakakalungkot, hindi na sila naawa.

 

Mayroon pang nai-kwento ang aking kaibigan na isang tao na pinatay din sa hindi pa malamang dahilan.  Sa Tanauan din nangyari, taga dun ang biktima at dayo naman ang salarin.

 

Nitong mga huling araw ay matunog na naman ang Tanauan dahil sa mga hinihinalang tao na nasa likod daw ng karumal-dumal na pagpatay sa loob ng RCBC-Cabuyao.  Ayon sa mga ulat ng pulisya ay apat daw sa taga Tanauan ang hinihinalang sangkot sa krimen sa RCBC.  Itong apat na ito ngayon ang laman ng balita dahil sa sila ay napatay sa engkwentro ng pulis, ngunit lumalabas ang hindi pa kumpirmadong ulat na sinadya raw na pinatay ang apat na suspek. 

 

Sikat na sikat na naman ang bayan ng Tanauan ngayon.  Sikat na sikat dahil sa mga balita tungkol sa karahasan.  Sikat na sikat dahil sa laganap na paghahasik ng lagim ng mga demonyong walang alam gawin kundi ang manira ng buhay ng may buhay, gumawa ng kasalanan, magnakaw, at pumatay. 

 

Hindi ko inaasahang makikilala at sisikat ang bayan ng Tanauan.  Hindi sa ganito.

 

20 comments:

  1. nakakalungkot naman na may mga ganyan nangyayari pero hindi lang naman sa Tanuan, kahit saan. kaya nga dapat, dobleng ingat tayong lahat!

    anyway, batanguenyo ka rin pala?

    ReplyDelete
  2. rub out pala yon...ung totoong suspects sa RCBC massacre nasa laya pa...

    pero improving daw talaga ang buong Batanggas...Vilma for President hehehe...pero tingin ko hindi magiging corrupt si Vilma...ewan ko na lng sa asawa nyang si Ralph hehe

    ReplyDelete
  3. marami akong memories ng tanauan, nung bata pa ako at wala pa ang SM Lipa, Robinson's Lipa at Fiesta Mall, sa Tanauan kame bumibili ng damit pang pasko, instead na lumuwas pa ng manila. kakalungkot nga dahil sikat na sikat now ang tanauan at sa ganang paraan.

    haaaaay!!!

    kamusta na kaya mga ex ko dun wahahahaha

    ReplyDelete
  4. KISSIX... taga Talisay ang Mom ko... laking Maynila na kmi pero nung maliit pa kami dun kami lagi nagbabakasyon...

    MARKY... lagi naman ganun... nakakatakot tuloy lumaban sa pulis... biro mo isang putok lang andaming gaganti sayo tapos sisiguraduhin na patay ka na...

    CHAI... sarap mamili sa Tanauan diba... may ex ba ako dun? hindi ko alam...

    JEAN... gud morning wag ka na sad :-P

    ReplyDelete
  5. nakakalungkot na un pa ung naging dahilan para sumikat ang tanauan...

    grabe na talaga ang mga nangyayari ngayon sunod sunod na patayan and mostly pulis ang involve tsk tsk tsk

    ReplyDelete
  6. mga pulis talaga uu,basta may maipakitang napatay,feeling astig at sikat..putik n malagkit!

    ei ano ung shing-aling=D parang ang bangong pakinggan:D

    ReplyDelete
  7. duni kagabi napanood ko sa BANDILA (kapamilya ako eh), pinapakita yung follow up report sa Tanauan rub out chorva, kilala ko yung isang gurl na nahagip ng camera, schoolmate ko sya nung h-skul ako sa malvar. wala lang, share ko lang.

    ReplyDelete
  8. pero naiyak ako sa libing ni KA BEL kagabi, pati si Sen. Jamby ngumunguynguy ahehehehe

    ReplyDelete
  9. parang bituka na parang chicharon...
    hindi ko rin alam kung saan gawa yun...
    basta malutong... masarap ipatong...

    ReplyDelete
  10. baka nga chicharon
    masarap ipatong? saan?

    ReplyDelete
  11. nakaklungkot ang mga nangyayari ngayon sa Batangas pati narin sa Laguna.. kanina napanood ko sa blita na may pinatay sa Calamba... ;-(

    ReplyDelete
  12. duni gawa yun sa MIKI, yung pansit na ginagamit sa LOMI tas prito sya sa mantikang pitong beses ng napag prituhan hahahaha

    ReplyDelete
  13. kaya pala ang sarap-sarap niya!!!

    ReplyDelete
  14. Aha! malapit lang kami sa talisay! Sarap dyan ng Tilapia at Tawilis =) Masarap sa lake, dun sa tabi ng malaking puno...

    ReplyDelete
  15. yung sa me pagliko sa tabing daan lang papuntang talisay, nakalimutan ko na exact na place e, me picture ako dun nung nagfishing kami! wait san ko padala?

    ReplyDelete
  16. saan kaya yun?
    naku andami nang nagbago sa Talisay pati sa Tanauan...
    10 taon ako hindi nakauwi...
    muntik akong maligaw...

    ReplyDelete
  17. hehe.. sto tomas lang ako, pero weekends lang ako dun. maganda na nga tanauan e. mukang kahit padala ko pic dun di mo rin maaalala,, hehe

    ReplyDelete
  18. mukha nga... kasi iisa lang tambayan ko sa Talisay eh... sa mga pinsan ko...

    sa may trapiche ba yun?

    ReplyDelete