Thursday, May 1, 2008

Mayo Uno... Naaalala ko siya



Karamay ko ang ulan sa magdamag.  Tila ayaw akong dalawin ng antok.  Maya maya lang ay titilaok na ang mga manok, hudyat ng pagsibol ni haring araw.  Pero andito pa rin ako, sa harap ng kompyuter, pinipilit gumawa ng kahit anong magagawa.



Nag e-edit din pala ako ng resume.  Kelangan ko raw kasi ipadala, mahigpit na utos lang.  Eh kaso may kelangan pa pala akong ayusin.  Hirap yatang mag ayos.  Maarte kasi ako.  Gusto ko kasi maayos na maayos.  Hindi yung basta nakapagpasa lang.



Kanina ang dami ko pang kausap.  Atat pa nga yata akong magkwento.  Pero habang lumalalim ang gabi eh unti unting nauubos silang mga ka-kwentuhan ko, hanggang sa walang natira maski isa.  Magsosolo na naman ako.



Nakatulog na rin sa wakas si Eddon.  Kung hindi ko pa nilambing aba eh makikipagsabayan sa puyatan.  Sabi ko tuloy sa wikang ingles, "anak pag 25 ka na tsaka ka na magpuyat… tatangkad ka pa eh… wag mo kong gayahin.  Mas matangkad sana ako ngayon kung natutulog lang ako ng maaga noon."



Ang tasang regalo pa sakin na naglalaman kanina ng mainit na tsokolate ang tangi ko na lang karamay sa ngayon.  Nilamig na rin ang aking inumin, gaya ng relasyon namin ng aking ama sa loob ng mahigit sampung taon.  Mayo Uno ngayon, naalala ko siya.  Lagi siya kasing wala pag ganitong araw.  Kasama sya madalas ng mga taong walang humpay na nakikipaglaban para sa karapatan ng kapwa nya manggagawa.  Hindi ko man siya naiintindihan noon, hindi ko rin naman siya sinisisi sa paninindigan nya.  Pero tila ang dating pakikitungo ay unti-unting nalalayo dahil sa mga panahong dapat sa amin ay inalay.



Hanggang sa isang araw na nanindigan rin ako.  Ngunit hindi sa mga manggagawa na tulad niya.  Sa isang babaeng nagpasaya sa tahimik kong mundo, nagbigay ng ibang kahulugan kung papano mabuhay ng nagmamahal. Personal.  Nanindigan ako para sa minamahal, na naging sanhi ng pagkakabaklas ng tanikalang nag-u-ugnay sa aming dalawa bilang mag-ama.  Dumating ang pagtatalo ng mga sariling prinsipyo.  Talo.  Talo kaming parehas.  Dahil walang kasunduang naganap.  At iyon na rin ang araw na huli akong tumuntong sa bahay na aking kinalakihan.  Tuluyang tumalikod upang ipaglaban ang paninindigan…



Mahigit sampung taon na rin ang nakakaraan.  Hanggang ngayon.  Oo, hanggang ngayon, walang pa ring usapang nagaganap.  Tiniis dahil sa prinsipyo, tiniis dahil sa pagmamahal.  Ngayon hindi alam kung papano ulit magsisimula ang lahat.  Paano mo babasagin ang sampung taong katahimikan?  Katahimikang dulot ng pagiging makasarili.  Paano nga ba mag-usap ulit ang mga taong hindi na nag-uusap?



Naalala ko lang naman siya.  Tatay ko pa rin siya kahit anong mangyari.  Sa kanya ako malamang nagmana ng pagiging maalab, lalo sa usaping pulitikal na nung una ay inosente kong pinalagpas, yun pala ay magiging daan rin upang madiskubre ko ang isa sa layunin ko sa mundo.  Ang  malayang paghahayag ng paninindigan, ang bukas na pakikipaglaban, ang kaunting malasakit sa bayan, ang prinsipyong tungo sa magandang kinabukasan.



Naaalala ko siya.  Naiintindihan ko na kasi ang mga ipinaglalaban nya.


68 comments:

  1. it's not that hard as it seems. a simple hello, how are you will do. =)

    ang ganda ng blog na to! =)

    ReplyDelete
  2. hahaha tenkyu nagandahan ka...
    kasi account ko yan kaya nilalagay ko sa mga tags :D

    ReplyDelete
  3. i am proud to have a friend na meron din paninidigan..
    ..malamang tlg... sa knya ka nagmana..

    ReplyDelete
  4. mukha nga... parehas kaming mataas ang pride :))

    ReplyDelete
  5. duni ako din ndi ko kinakausap tatay ko
    parehas pla tau.. =]
    nbsa mo namn sa blog ko kung bakit dba?

    ReplyDelete
  6. nakalimutan ko na eh... alin ba dun? :-P

    ReplyDelete
  7. tsk! hanapin mo nalang... tutal sabi mo ndi kapa inaantok hehe

    ReplyDelete
  8. :( hay duni, lungkooooooooooot.
    sana makapagusap na kayo...

    ReplyDelete
  9. Mag usap na kayo...ako nga kahit gusto ko kausapin ko di ko na makausap.
    nakalibing na kasi sya sa Libingan ng mga bayani!
    minsan naiiyak na nga lang ako pag naa alala ko ang Tatay ko eh
    kasi bago sya namatay di ko masyadong(o di ko talaga) napakita ang pagmamahal ko sa kanya.Pero di ko alam ang sitwasyon nyo ha.
    bahala ka na alam mo na diskarte dyan..matanda ka na!


    Mabuhay nga pala ang manggagawang Pilipino!!!
    sila ang nagpapayaman sa mga magnanakaw
    na pulitiko sa Gobyerno! sana mamatay na
    lahat ng Kurakot sa PILIPINAS!! **==




    ReplyDelete
  10. hahaha...

    nadale mo Badong!!! =))

    ReplyDelete
  11. aww.. kakalungkot naman..
    ikaw na mg-give up kuya.. kausapin mo na.

    ReplyDelete
  12. latest update:
    baka uuwi siya dito sa Pinas this year...
    let's see...

    ReplyDelete
  13. kung tititsin mo sya ng ganyan kabayan cguraduhin mo lang d ka iiyak pag tuluyan n syang nwala sa mundo... yun n cguro pnkamapait n luha ng tao ang umiyak dahil sa pagsisisi at panghihinayang...lalo na kung hindi nsabi ang dapat sbihin sa isang mahalagang tao...

    ReplyDelete
  14. Walang kinalaman toh duni sa blog post mo.. Gusto ko lang malaman bakit ang cute ng pwet mo? Ayun oh sa headshot mo jijijiji

    ReplyDelete
  15. hahaha...
    pwet pa yung napansin eh...
    makapal kasi ung t shirt akala mo lang matambok :-P

    ReplyDelete
  16. kung ganun pa chizburger ka naman!
    burger!
    burger!
    burger!

    ReplyDelete
  17. kaw dapat kasi kaw may malaking pwet

    ReplyDelete
  18. ikaw ang mangungurot... luge...

    ReplyDelete
  19. mali! xempre kaw may cute ass kaya kaw ang magpaburger! pero yoko ng burger e! pwede bang fruit shake na lang..hihihihih

    ReplyDelete
  20. hahahaha talagang may hirit eh...
    fruit shake... :-P

    ReplyDelete
  21. Xempre! And oh watermelon shake without sugar! LOL

    ReplyDelete
  22. bahala na...

    we'll see if i got the shake that will make you quake =))

    ReplyDelete
  23. Naloka ako dun ha! grrrrrrr nakakagigil ka ha

    ReplyDelete
  24. Chose a job you love, and you will never have to work a day in your life.

    ReplyDelete
  25. talagang pag interesan eh =))
    hindi yan libre :-P

    ReplyDelete
  26. Yun naman pala e so ok lang un!

    ReplyDelete
  27. Tatay ka n..Ama mo p rin sya!
    walang silbi ang sampung taon n hindi nyo pag uusap,kung nawala ang isa s inyo,at hindi man lng kayo nagkikiboan? pano n?
    ibaba ang pride..mataas n ang tide!,jokies!

    basta un lng masasabi ko..saka salamat sa txt at greetings,mwuah!

    *HAPPY BIRTHDAY TO ME!*

    ReplyDelete
  28. birthday mo...
    pa chizburger ka naman!
    burger!
    burger!
    burger!

    ReplyDelete
  29. brb,lagot ako kay bu nito,hahahaha=))
    ei miss u!

    ReplyDelete
  30. "Nag e-edit din pala ako ng resume. Kelangan ko raw kasi ipadala, mahigpit na utos lang. "- sino nag utos duni?? kilala ko ba?? hahaha... napadala mo na ba? =)

    kaw kasi grabe ang arte sa resume as in todo career. eh skills and experience mo impressive naman! hehe..

    ReplyDelete
  31. nateary eyed na naman ako sa blog mo duni ha... lage na lang ako napapaiyak ng mga blogs mo, last time ung sa THANKS na blog. very touching kasi mga ginagawa mo, really comes from the heart... Im glad ive known someone like u , a man of principle u really are..

    hmmm sana magkaayos na kayo ng dad mo.. lets make the world a better place to live in.. kahit in our own lil' ways man lang .. hugs friends .

    ReplyDelete
  32. bakit naman kasi kayo nag-iiiyak?
    wala naman akong balak mag Maala-ala Mo Kaya :-P

    pati ba ung sa PARI at HARDINERO nakakaiyak?

    ReplyDelete
  33. galing mg blog ahh ...makata, makabayan ;)

    ReplyDelete
  34. hehe... salamat...
    may pinaghuhugutang emosyon at karanasan kaya ganyan...

    ReplyDelete
  35. ni-text nga ako eh... sabi ko na nga ba Web Developer ang kelangan... with background on PHP... nangangapa pa ako sa PHP eh...

    ReplyDelete
  36. ;) galing ako rally.

    andami kong ama na nakasalubong.
    naalala ko din tuloy ang ama mo.
    ganito din siya nuon,

    magbati na kayo, paguwi niya.
    hindi madali, pero masarap yun.

    heaven.

    (pagdadasal ko yan)

    ReplyDelete
  37. hehehe... nagkita kami.
    PERO. di nakaporma eh...
    may 2 asungot na asikaso ng asikaso sa akin.

    grrrrr.

    ReplyDelete
  38. aww.. sino, si spicy or si *tooot*?
    musta naman yang mga asungot na yan?? ano beh..

    ReplyDelete
  39. honga musta ang rally?
    nakita mo ba si ka Bel? :-P

    ReplyDelete
  40. hindi ko nakita si ka Bel sa kabilang pila ako duni... :(

    ReplyDelete
  41. hehehe lolo ng aktibista.
    pero mejo hindi ako nakalinya sa linya nila..
    (actually wala akong pila)

    ReplyDelete
  42. si spicy may ubo lagnat :( text lang niya
    si tooot... may mga comrade na
    nakaaligid din sa akin eh. o talagang
    sadyang, nagkakailangan na kami.

    hay... uuwi na siya bukas.

    ReplyDelete
  43. si Ka Bel ay isa nang haligi sa pakikipag-laban ng karapatan ng manggagawang Pilipino... na meet ko na yun, bagong semento ang braso... nahampas daw kasi ng batuta ng pulis =))

    ReplyDelete
  44. tuloy na?
    sana man lang magkausap kayo bagO siya umalis.

    **hala ngkwentuhan tayo dito..
    hindi pala natin to teritoryo..
    tabi-tabi po.. ;D

    ReplyDelete
  45. mare sa linya kasi ng anti-gov forces,
    madaming pagpipiliang brand hehehe.
    parang ketchup, may kfc, may delmonte, may heineken.
    pag naisip mong maging pula---
    ayun, madami din yung shades.

    kaibigan ko ang madaming pula, pero iba iba ang pagkapula nila...
    siguro kaya ayoko muna pumila kasi madami akong kaibigan sa ibat ibang pila na ito, kaya ang tanong saang pula ako aanib? approaching fork road kumbaga...

    ReplyDelete
  46. aww.. kawawa naman. matanda na yata yun!
    grabe naman ang mamang pulis! grrrr..

    ReplyDelete
  47. si ka satur nakita ko sa misa para kay jonas...
    matanda na sila, pero matikas pa din...

    ReplyDelete
  48. kasali yan sa pwedeng mangyari.
    pero e ano ang isang palo
    o isang baling braso kung
    nakatindig ka naman sa tama?

    ReplyDelete
  49. si ka satur nagpasemento ng isang kalsada dito malapit samin...
    hindi ako makalapit kasi napapalibutan ng mga hunyango...

    ReplyDelete
  50. ay iba-iba rin pala sila!
    sabagay iba't ibang level nga ng pagkapula.

    ReplyDelete
  51. ay naku sinabi mo pa...
    these are the people in the neighborhood...
    in the neighborhood...
    in the neighborhood...

    ReplyDelete
  52. sabi ng kaibigan ko may puntong necessary
    at may puntong unnecessary
    kaya nangyayari ang mga ganito...

    malungkot. kasi isang malaking bloke
    na makagagawa sana ng pagbabago sa bayan PERO
    ayun, watak at lusaw... uhm, pero goodthing naman
    may mga puntong nabubuo pa din ang alyansa.
    at nagagawa nilang magkaisa pag kailangang kailangan ng bayan
    hindi naman sila immature, disagreements are part of being
    articulate sa mga ideolohiyang nais nila.

    pero.

    ayun, basta, para walang tampuhan hindi muna ako pipila.
    unless i find it very necessary na talaga...

    ReplyDelete
  53. hehe ingat sa hunyango
    kelangan kang buhay ng bayan
    hehehe

    ReplyDelete
  54. kaya nga tahimik lang ako dito...
    sa labas ako ng baryo nakikihalubilo...
    medyo bukas na ang pag-iisip dun...

    ReplyDelete