Thursday, May 15, 2008

ang Storyline ng buhay



Pasensya na kung naa-adik ako sa kanila.  Hindi ko rin nga maintindihan eh.  Hindi rin naman sila makatotohanan.  Basta ang alam ko lang nakaka-relate ako sa mga katauhan nila.  Madalas nagsisilbi silang mga inspirasyon sa buhay ko.

 

Lagi akong nagtataka kung anong meron sa kanila.  Dinudumog.  Pinapanood.  Ginagaya.  Parang panta-serye at tele-nobela.  Mula kay Eugene at Dennis, Goku at Vegeta, Sakuragi at Rukawa, sina Takumi, Sena, Naruto at Kira.  Isama mo na rin si Shaider at ang babaeng laging kita ang dilaw na panty.  Sila ang mga tinutukoy ko.  Silang mga likha ng mga taong may malupit na imahinasyon.  Silang mga kathang-isip na pilit nakikialam sa buhay ko.

 

Anime nga ba yan?  Eh bakit nakaka-relate ako sa bawat galaw nila?  Bakit parang pilit kong ipina-pattern ang takbo ng buhay ko sa takbo ng mga frames ng drama nila?  Bakit nalulungkot ako sa bawat pighati?  Sa bawat pagkakatalo sa labanan?  Sa bawat pagkabigo?  Bakit nai-inspire ako sa bawat pagsusumikap nilang maging matagumpay?  Bakit sa kanila ako humuhugot ng pag-asa?  Hindi kaya ang buhay ko ang fiction at sa kanila ang real life?

 

Iba’t iba ang mga characters na makikilala mo sa bawat napapanood na anime.  Pero halos lahat iisa lang ang takbo ng istorya.  Ang marating ang rurok ng tagumpay.  Ang magsumikap, harapin ang lahat, maging matatag sa kabila ng lahat na unos na dumaan.  Pag may tiyaga, may nilaga… o sinigang, ika nga sa kasabihan.  Ang minsang masalimuot na umpisa ng istorya ay nagtatapos sa happy ending.  Ganyang ganyan ang gusto kong marating.

 

Kung iisipin ng mabuti, matanda na ako para mahumaling sa mga ganito.  Pero parang mahirap mawala ang adiksyon.  Hindi ko rin mai-alis sa isipan ang mga naiturong leksyon.  Ang mga plot na minsan ay maihahalitulad sa tunay na sitwasyon.  Kagaya nga ng sinabi ng isang bida sa isang anime na napanood ko…

 

“Life is study…”

 

Nagpapatotoo.

 

Ang buhay ay patuloy na pag-aaral.  Patuloy na pagkakamali.  Patuloy na pighati.  Lahat tayo ay estudyante ng buhay, lahat tayo ay dapat matuto.  Lahat din tayo ay magsusumikap at magpupursigi sa pag-abot ng inaasam na resulta: ang TAGUMPAY!

 

Ang katapusan ng storyline natin?

 

Sana parang sa anime din. Happy Ending.



91 comments:

  1. i go for ghost fighter!!
    yun lang ang anime na nasubaybayan ko.. :D

    ang cute ni Eugene and Jenny! :)

    ReplyDelete
  2. Di ka nag iisa..............mas malala p nga ata ako dahil gurl ako eh wehehehe..
    ghost fighter.(dennis n ung maliit ) naruto,bioman, mask rider black etc....;)

    ReplyDelete
  3. Baka naman, anime ka nung past life mo kaya ka nakakarelate sa kanila? ;)) Am not fund of anime's but I do watch those sometimes, bonding moment with my kids e.. :)

    ReplyDelete
  4. ako na nga taga kwento sa chikiting ko...
    may mga koleksyon din ako pag minsan nagma-marathon...
    :))

    ReplyDelete
  5. Hahaha kewl! Gandang bonding yan with ur family.. ;)

    ReplyDelete
  6. Ang alam ko lang nung kinder ako huminto ako sa pagsservice kasi gusto ko maabutan ung power ranger! at halos nadadapa pa ako papasok ng bahay dahil naguumpisa na

    ReplyDelete
  7. WEAREANIME.COM---wala n yang site n yan d bah? tinanggal n ata ng gma7..hayuff! dyan ko nakilala ung nagpapahirap sa kin ngayun *sigh* uber sa sob*

    _________________
    isama natin ang bioman!!! ako si fenk five!

    ReplyDelete
  8. im not fund of anime, ewan ko parang nakokornihan ako heheheheh (peace)...
    kaya nung high school ako ung mga classmates ko tuwang tuwang pag wala kaming klase ng last subject kasi nakakapanood sila ng ghost fighter ba yun... and minsan nagcutting class pa sila para makapanood nun.

    ReplyDelete
  9. talagang hayskul ha...
    college na ako nung ipalabas ang Ghostfighter eh...
    kalaban ko lagi ang mga die-hard Marimar (orig - Thalia)...
    buti na lang pang umaga klase... pag uwi sa hapon... walang makaporma sa TV :))

    ReplyDelete
  10. Kinder pa lang ako napapanood ko na ung ghost firghter right after bioman! mga 10:30 in the morning un sa channel 13! naulit na lang ulit and tlgang nakilala nung 2nd year highschool na ako

    ReplyDelete
  11. isa lang ibig sabihin nito! ako kinder ako nung first time ko mapanood ung ghost fighter si DUNI college na. Meaning matanda na xa! hahahahahaha

    ReplyDelete
  12. korek ka jan jacky... matanda na talaga si kuya duni, ikaw elmentary, ako high school sya college na hehehehehe

    ReplyDelete
  13. wala naman akong sinabing bata pa ako ;))

    ReplyDelete
  14. Hahahahaa kinder pa nga lang e! heheheeh peace DUNIPER

    ReplyDelete
  15. the older the better (sa experience) :-P

    ReplyDelete
  16. the younger the hungrier lang :-P

    ReplyDelete
  17. di ko alam kong anime din ba sa tawag dun sa isang favorite ko na cartoon tv show "Mr. Bogus", sa channel 2 yung dati. High School pa lang ata ako nun, tuwing saturday lang sya pinapalabas.

    ReplyDelete
  18. nu ba title nung cartoons na lage nyang sinasave ung princess tapos may magic takore?

    ReplyDelete
  19. Plorwaks.. Si NELO lng yata ng HINDI HAPPY ENDING kasi namatay sila sa ending naiyak nga ako noon ehdahil naawa ako kay NELO nwalan ako ng ganang kumain nun dahil naiisip ko si NELO..

    ReplyDelete
  20. Time Quest... lilipad lilipad takureeeee...

    ReplyDelete
  21. Time Quest yung magic takure?
    tsaka yung Super Boink ung magandang babe pag nagta transform na superhero nagiging baboy... ang saya!

    ReplyDelete
  22. I Love Annie!! :) cutie pretty nya...

    Pano mo alam lagi yellow panty nya? lagi mo cgro sinisilip nu? ;-p

    Duni sana nga happy ending lahat... pero hindi ganun ang buhay eh... sabi mo nga patuloy na pag aaral.... matutunan.. marami pa....

    ReplyDelete
  23. lagi kong inaabangan ang pagtalon niya sa ibabaw ng kamera...
    highlight ng panonood yun eh...
    pero minsan nagiging light brown sya...
    pag ganun mukhang kelangan nang labhan...

    ReplyDelete
  24. hala! naging yuckkkkisss anime na! hehehe! classic ka talaga plorwaks

    ReplyDelete
  25. huy anong yuckkkkisss bujon...
    artistic ang kuha lagi ni annie...

    ReplyDelete
  26. yung panty kasi ni Annie..di sya nagpapalit o labhan man lang regularly..hinihintay pang maging color brown..nakakahiya tuloy sa mga batang audience.. hehheehe

    ReplyDelete
  27. pinapalitan naman... siguro every 7th episode yata nagiging brown...
    after nun dilaw na ulit... kaya alam mong bagong laba... :D

    ReplyDelete
  28. ah ok..ganun naman pala! talagang very observant ka pag dating sa mga panty ah! you're a panty expert!

    ReplyDelete
  29. hahaha makikigulo na ako duni ;-)
    alam ko dati trip kong maging yellow 4
    hehee anong palabas yun?

    nakakapanuod ako dati pero wala ata akong naging sobrang paborito...
    oh well maliban sa batang may chupon... haha si master jericho ba yun?
    may classmate ako nun na iguhit niya portrait ni master jericho na nakaakbay sa akin hahaha... ;-)

    ReplyDelete
  30. hindi naman... may DVD dito ng Shaider... 50 episodes...
    kaso mas gusto ko ung tagalog dubbed... alexis, annie, dr. ang, ida, drigo, fuma at ang mga amazona...

    ReplyDelete
  31. Bioman... ;-)
    tama si master jericho nga...

    ReplyDelete
  32. ako Green 2...
    bata pa lang green na!

    ReplyDelete
  33. hehehe yun pala yun,
    weirdo ko nuon favorite ko kasi blue,
    nagtataka ako bakit lalaki lang ang blue...

    pero sige yellow por na nga lang...
    cute ni fenk 5 bagay sa iyo ;-))

    ReplyDelete
  34. hehehe ghost fighter
    si master jericho,
    ang batang may chupon... ;-))

    ReplyDelete
  35. hahahahaha=))
    buti n lng ako fenk,d halata:P

    ReplyDelete
  36. awwwwww,sweet naman nito:">
    sino n ung nanliligaw kay fenk 5;))

    BIOMAN!

    ReplyDelete
  37. namatay si Yellow 4... napalitan ng babaeng may pana! :((

    ReplyDelete
  38. exactly the point haha
    sabi na bata pa may premonition na ako. ;-))

    sino nga daw yung nanliligaw kay fenk 5?

    ReplyDelete
  39. wala akong alam eh...
    wala kasing re runs ng Bioman...
    tsaka sana ung Ultraman Tiga...
    kras ko ung babae dun...

    ReplyDelete
  40. maraming DVD dito s bahay nyan du...suyang suya n ko,dahil ung mga bata fanatics ni Ultraman..hayyyyy:-

    ReplyDelete
  41. dalhin mo dito...
    Ultraman Tiga at Dyna ha...

    ReplyDelete
  42. cge pag uwi ko,hiramin ko...cdr mo n lng:D

    *tiga! yunashimo,tiga! arina ti! tiga!*

    ReplyDelete
  43. haha,
    sagot mo pamasahe niya haha...

    ReplyDelete
  44. uuwi naman yan...
    di na kelangan dagutin ang pamasahe...

    ReplyDelete
  45. no piatots,binabalak ko n naman kasing umuwi dis december;)
    pa-burger kayo ha!!!!

    ReplyDelete
  46. wow hehee
    excite tuloy ako
    magpakita ka ;-))

    ReplyDelete
  47. december tagal pa yan... marami pang mangyayari...

    ReplyDelete
  48. sure! basta wla lng kokontra s mga balakin ko sa buhay!
    hahahaha

    ReplyDelete
  49. naku balita nga daw yan sa pinas...kaya react to the max ang philvocs
    totoo b ung sabi-sabi?

    ReplyDelete
  50. hmmmm:-? d kaya ibang lindol ang sinasabi niyo:-?

    ReplyDelete
  51. marami tau ganyan ang feeling kuya ^^ wahahahaha

    ReplyDelete
  52. oo ng-start ako manood ng anime kinder pa ako! wahahaha ninku pa yung uso nun!

    ReplyDelete
  53. ganyan ako ka adik haha o(^0^)o

    ReplyDelete
  54. kunsabagay kasi nauso lang anime nung 90's...
    nung 80's english pa lahat pati dragonball...
    tinagalog na lang nung huli...

    ReplyDelete
  55. napaka-inspiring kasi ng anime wahahahaha nuong gradeshooler pa ako, ayokong umuwi ng maaga kasi maingay sa bahay, ayun lagi akung pinapagalitan. pero nung pinalabas yung ghost fighter umiiyak talaga ako pag di ako maka-uwi b4 5pm!!! wahahahahaha

    ReplyDelete
  56. kitam may naidulot din na maganda diba?
    kahit ako nun maagang umuwi...
    kasi pag na late Marimar ang palabas :((

    ReplyDelete
  57. haha talagang swayed with emotions tlga tau mga nanonood ng ganyan~ when they fall down tapos tatau at lalaban ulit naks! parang feel rin natin lalaban din tau para sa ating kapakanan at sa loved ones din natin! Charing diba?! ^0^

    ReplyDelete
  58. may tanong ako... naiyak ka na sa anime?

    ReplyDelete
  59. ay oo.. and d ako nahihiyang i-admit yan. haha kaw kuya? naiyak ka na?

    ReplyDelete
  60. naiyak sa katatawa...
    Goldenboy... kaso Rated R... :))

    ReplyDelete
  61. eeep!!! pinsan ko ang ng-story sakin tungkol jan. wahahahahaha EEEEEWWW naman! hahaha

    ReplyDelete
  62. hahaha maganda ang Goldenboy...
    nawawala ang kopya ko...
    maigsi lang 6 episodes lang...
    pero nakakatuwa...
    episode 4 yata yun... ung sa may racetrack =))

    ReplyDelete
  63. eh yung pinaka-dark, dramatic, gore-y, henta-ish (pero wla naman tlgang U KNOW) na anime na nakita ko... Elfen Lied. From plot to soundtrack maganda tlga kuya. pag may time ka hanapin mu yun! 13 episodes lang ata yun o(^0^)o

    ReplyDelete
  64. sige hanapin ko...
    in the meantime... magtatyaga lang muna ako sa eyeshield 21...
    malapit na 15 minutes na lang!
    ganda din nun... lalo sa japanese dub/english subtitle...

    ReplyDelete
  65. haha fan kya ako ng eyeshield! tignan mo nga ang username ko! wahahaha go hiruma! i lab yoo!!

    ReplyDelete
  66. naka license na sya :((
    hindi na mag a upload ng future episodes...

    akala ko hiruma pangalan ng BF mo eh :-P

    ReplyDelete
  67. eh? talaga? e bakit nkaka-download pa ako ng latest dubbed episode hanggang ngayon? wahahaha

    EEEEEEE!!!! sana hiruma pangalan ng bf ko! (kung meron man gustong maging bf ko!!!! nyahahahahaha! YA HA!)

    ReplyDelete
  68. anong episode na DL mo ngayon? malinaw?

    Eyeshield na... YA-HA!!!

    ReplyDelete
  69. episode 128 oo malinaw. teka san mo ba dinadownload noon yung episodes???

    ReplyDelete
  70. hindi ako nagda download... nanghihingi lang ako ng kopya :D
    pero sa crunchyroll ako nanonood...

    ReplyDelete
  71. wahahahahahahaha yan pala! eh sabihan mo yung hinihingan mo ng kopya dito xa mag-download! galanime.com maraming free anime downloads sa site na yan pati manga! ^0^ *certified adik*

    ReplyDelete
  72. mag u umpisa akong mag dowload pag napalitan na koneksyon ko...
    broadband lang kasi... mabagal...

    ReplyDelete
  73. wahahaha Cge GO! Ya Ha! Gutom! kain muna ako kuya! o(^0^)o

    ReplyDelete
  74. hahahahahahaha panalo ka duni! napatwa mo ako dun....

    ReplyDelete