Tuesday, May 13, 2008

Muling Pagkikita



bumabalik ang alaala ng nakaraan
nung panahon na karamihan satin ay mangmang
ang mga araw na halos hindi mapantayan
mga pagtitipon na hatid ay kaligayahan


sa mga karanasang nagpa-alala ng lahat
mula sa pagkabata hanggang magka-edad
di mapigil maluha sa sobrang galak
sa mga pinagsamahang walang ibang katapat


nangingiti lagi pag naaalala ang mga laro
ang mga pagkakataon na inabot ng hapo
ang madilim na ulap na minsang sinuyo
nagdasal ng taimtim para ulan ay lumayo


ang samahan ng lima sa paglipas nadagdagan pa
magpipinsan sa dugo sa laro ay nagkaisa
mga problema sa paligid ay hindi inalintana
basta't magkakasama at parating masaya


ngunit kadalasan ang panahon ay malupit
pinaghiwalay ng tadhana ang magkakasanggang-dikit
ang larong masaya ngayon ay kay pait
sa desisyon ng iba na lumayo nang pilit


umaasa madalas sa sulat at pangungumusta
mga kwento, larawan, at hatid na balita
sa munting pasabi ibinabalik ang ligaya
lungkot ay nawawala, pinapalitan ng tuwa


kung maaari lang sanang ibalik ang nakaraan
sa mga panahong sagana sa laruan
sa masasayang araw kahit na tag-ulan
sa mga oras na nagsalo sa hapag-kainan


umaasa ako na lahat tayo'y magkikita pa
ibabalik ang panahon ng matatamis na alaala
ang pagiging malapit bubuuin muli ng isa't isa
sa gitna ng pagkain, pulutan at serbesa




36 comments:

  1. galeng galeng galeng
    pinahahanga mo ako kasama!

    apir!

    ReplyDelete
  2. kyut namen sa pic no...
    akala mo hindi lumaking siraulo... hahaha...

    ReplyDelete
  3. naalala ko..napalo ako ng mom ko kc gusto ko maglaro sa ulan..kabataan days :P ngayon di na ko sa ulan naglalaro..sa apoy na lng haha! JOKE :P

    ReplyDelete
  4. nyahaha!! ganda ng pix.. nasan ka jan kuya Duni?

    ReplyDelete
  5. du ikaw b ung nasa dulo,kanan?
    tama b ko or tama b ko=D

    ReplyDelete
  6. lintek pano mo nahulaan?
    nakita mo na ba ako? :))

    ReplyDelete
  7. hahahaha! ako pa!
    mata pa lng at sa ngiti,alam ko n=D

    ReplyDelete
  8. <--- cute eyebrows... [vain... hahaha...]

    ReplyDelete
  9. manay...may tinatago ka palang pagka puwet...i mean poet, ang ganda at matalinhaga naka relate ako. teka, ano ba yang dala mo sa pic komiks na liwayway? hehehe

    ReplyDelete
  10. hahahaha=))
    infairness,yes to the max level yan!

    bahay bahayan n!

    ReplyDelete
  11. manay... Funny Komiks yata yang hawak ng pinsan ko...

    ReplyDelete
  12. wag mo nang i-wrap ;))
    korni...

    ReplyDelete
  13. ang samahan ng lima sa paglipas nadagdagan pa
    magpipinsan sa dugo sa laro ay nagkaisa
    mga problema sa paligid ay hindi inalintana
    basta't magkakasama at parating masaya......

    ayos k tlg tsong....galing!!!....makata ....

    ReplyDelete
  14. salamat... pag sabog lang... ;))

    ReplyDelete
  15. dahil jan pacheese burjer ka naman ;-p

    ReplyDelete
  16. papa chizburger si badong...
    kaya lang hindi ako natuloy ngayon eh...
    baka friday...

    ReplyDelete
  17. ganun ba?! pero sabi ni badong di daw nya nabasa ung status message mo, kaya di nya alam na papacheese burger sya hehehehe

    ReplyDelete
  18. salamat bro! pag sinisipag lang... :D

    ReplyDelete
  19. taberu ang cute mo pla nun bagets ka pa... =))))
    yun lng...=)))))

    ReplyDelete
  20. baket Tsang, ngayon ba endi na cute si Donnietut? =))

    ReplyDelete
  21. hmmm... no comment...
    baka magalit si Dondon bwahahaha... :))

    ReplyDelete
  22. hmmm....parang nabawasan ang cutieness =)))) bwahahahha
    at bkit nman magagalit si kuya wolvy ha taberu? =P

    ReplyDelete
  23. oo nga at baket naman magagalit? hmmmmnnnn...
    wag natin isama si Papa dito...
    si Baldo nalang pagtsismisan natin =))

    ReplyDelete
  24. kayo ha wala na kayong ginawa kundi mag multiply :))
    sumbong ko kayo sa mga boss nyo

    ReplyDelete
  25. manay...halatadong..di ka pa tuli dyan sa pic mo ah...wehehehe

    ReplyDelete
  26. hindi pa nga... 5 to 6 y/o lang yata kami nyan...

    ReplyDelete
  27. kuya !!!!tayo pala yung magkatabi sa pic... di ko akalain na poet ka pala galing galing naman tulo sipon ko hahhaa.laki ng problema ko hanap mo naman ako ng bf pinag aasawa na ko ng nanay ko e. hehehhe

    ReplyDelete
  28. dun ko ninakaw yan sa friendster mo eh... ni-edit ko lang...
    kulitin mo rin si lenlen mag multiply ;))
    wag ka munang mag-asawa sakit lang yan ng ulo hahaha joke...

    ReplyDelete
  29. nakikilala ko nga kung san nang galing picture na yan. kinukulit na ako ng nanay ko e nakakapressure kaya hahha

    ReplyDelete
  30. ako na lang kayo single sa tin hehhehe

    ReplyDelete