Tuesday, May 20, 2008

Paalam... Ka Bel...









Hindi ko sinasabing kilala ko siya.  Pero hindi ko makakalimutan ang araw na nakaharap ko siya ng personal.  Mga bandang hapon yun, sa isang gusali sa may kanto ng abenida ng Timog at Quezon.  Isinama lang ako dahil wala siguro paglagyan sa akin sa bahay.  Hindi ko matandaan kung saan din kami galing nun.  Basta ang natatandaan ko lang ay yung madilim na hagdanan na tinatahak namin paakyat.  Maya-maya inabot namin ang isang silid at kinatok, sabay bukas ng pinto at lumabas ang taong hinahanap. 

 

Si ginoong Crispin Beltran.  Gulat na gulat ako.  Kilala na si ginoong Beltran noon.  Mai-u-ugnay ang kanyang pangalan sa bawat manggagawang inapi.  Siya ang namumuno ng Kilusang Mayo Uno noon.  Aktibo sa pagsusulong ng bawat karapatan ng manggagawang Pilipino.  Kahit ang utak ko ay lumilipad sa mga maka-mundong hangarin - tulad ng kung anong isusuot bukas, sino kaya pwedeng ligawan, saan kaya makagala - napatigil ako.  Si Ka Bel nga!  Sa isip ko lang, mas may tsansang makasalubong pa ako ng artistang sikat kaysa makaharap si Ka Bel, kaya talagang nagulantang ako.  Anong layunin namin at makikipagkita kay Ka Bel?

 

Gulat pa rin ako.  Kahit na alam kong kahalo sa pakikibaka ng mga manggagawa ang kasama kong pumunta dun.  Hindi ko inaasahan na makakasalimuha ko ang isa sa mga prominenteng taong nagsusulong upang umunlad ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino na habambuhay na yatang inaapi.  At hindi rin mai-alis ang tingin ko sa braso nyang nakabalot ng benda.  Siguro napansin niya rin yun at bigla na lang napasabing, “Ah yan ba… wala yan… nahampas na lang yan sa isang rally”.  Tila yata nadagdagan na naman ang pagkagulat ko.  Bakit may mga taong tinitiis ang mga pahirap para lang sa kakarampot na prebilihiyong pilit pang ipinagkakait ng mga ganid na kapitalista?

 

Noon, hindi ko pa naiintindihan.  Basta ang alam ko lang binubuhos ng mga katulad ni Ka Bel ang kanilang lahat ng makakaya para lang sa kakarampot na perang maaaring makuha, pandagdag sa maiu-uwi nilang sahod buwan-buwan.  Pandagdag sa gastusin sa bahay.  Pandagdag sa pambili ng ulam, baon ng mga bata, pambayad sa kuryente at kung anu-ano pang babayarin.  Pandagdag sa budget upang kahit minsan sa isang buwan ay makagala at makapasyal kasama ang buong pamilya.  Hindi ko pa naiintindihan noon ang mga katulad nilang patuloy na kinukutya ng lipunan.  Ang mga katulad nilang palaging binabatikos ng mga naiirita, lalo na ang mga ibang nasa alta-sosyedad natin dahil wala na raw ginawa kundi ang madalas na pagwe-welga.  Silang binabatikos ng mga hindi nakakaintindi kung papano mamuhay ng kakaunting sinasahod na kulang pa para magkaroon ng disenteng libing sa oras na dumating ang araw ng kanilang paghihimlay.

 

Ngayon ay patay na si Ka Bel, na isa sa mga kinikilala sa larangan ng pagsusulong ng karapatan ng manggagawang Pilipino.  Hindi ko talaga siya kilala pero isa siya sa mga hinahangaan ko.  Isa siya sa nagmulat sa akin sa mga bulok na isyu ng lipunan, lalo na sa mga problemang kinahaharap ng bawat inaaping manggagawa dito sa ating bansa.  Sa paglipas ng taon ay patuloy niyang pinaglaban, simula sa pag-o-organisa sa kalsada hanggang sa masalimuot na mundo ng pulitika.  Marahil hanggang sa huling hininga, inisip pa rin niya ang kalagayan ng mga kapwa nyang naghirap para may mai-uwing disenteng kita.





Mabuhay ka, Ka Bel!





Mananatiling buhay ang mga ipaglalaban mo sa aming alaala.

 

Hindi ko pa rin makalimutan ang pagtatagpo doon sa gusali kung saan nakita ko si Ka Bel.  Madilim ang pasilyo na kinatatayuan namin ngunit nagsisilbing liwanag ang isang katulad niya...





34 comments:

  1. magbati na kayo ng tatay mo duni,
    hindi natin alam ang oras ng pagdalaw ng bisitang nakahood at may karit...
    abangan mo din ang iuutot kong blog...

    ReplyDelete
  2. hindi ko nga binabanggit for security purposes eh ikaw talaga hahaha...

    ReplyDelete
  3. ano bang binanggit ko?
    wala akong binanggit basahin mo kaya???
    hehehe sabi ko lang tungkol sa "kamatayan"
    kaya dapat mahalin na ang magulang hehehehe

    peace men ;-p

    ReplyDelete
  4. Maraming pagkakataon ko na rin na nakita si Ka Bel sa ibat ibang mga forum at events..ilan beses ko na rin syang nakita at nakimartsa sa mga rally sa lansangan.

    Bagama't magkaiba ang ideolohiya na aming pinaniniwalaan ni Ka Bel. Masasabi ko rin na nagtutugma naman ang aming mga pangarap para sa Bansa.

    Simula ng rehimen ni Marcos hanggang sa kasalukuyan, hindi natinag si Ka Bel ng ibat ibang mga karahasan at panggigipit sa kanilang hanay. Hindi umatras sa hamon ng pagkakakulong o maski ng kamatayan..

    Pero hiram lang ang buhay na ito. Sa huli yuyukod ang lahat sa harapan ng Maykapal.

    Paalam ka Bel, salamat sa makabuluhan mong buhay na inalay sa ating mahal na Bayan!

    ReplyDelete
  5. paalam ren Crispin Beltran...na aksidente sa kotse, na batuta sa rally, nabaril minsan...sadyang di maiiwasan pag panahon mona...tutal nagawa na nya ang mga dapat nyang gawin, ipagpapatuloy yan ng ating mga makabagong rebolusyonaryo tulad ni Duni at Bujs...

    ReplyDelete
  6. otsopya wrote:

    "ano bang binanggit ko?
    wala akong binanggit basahin mo kaya???
    hehehe sabi ko lang tungkol sa "kamatayan"
    kaya dapat mahalin na ang magulang hehehehe

    peace men ;-p"


    haha ako tuloy nahuli sa sariling bibig ko... hahaha...
    ang alam ko nag send ako ng greeting sa email nung birthday nya...
    kaso wala pang reply... nag grit na ako... maituturing na first step ko... :D

    ReplyDelete
  7. Passing of the torch. Kailangan tayo lahat diyan sa puwedeng magpagpasahan.

    ReplyDelete
  8. nice, elchancho...

    sana marami sa atin ang magpatuloy ng mga nasimulan ni Ka Bel...
    para sa kapakanan hindi lang ng manggagawang Pilipino kundi para na rin sa lahat!

    ReplyDelete
  9. buhay nga naman... mabuti na lang at hindi niya sinayang... pagpapala siya sa maraming manggagawang kanyang natulungan... hindi man nai-angat ang buhay pero naturuan namang ipaglaban ang kanilang karapatan... iyan ang empowerment...

    ReplyDelete
  10. We campaigned once for Anakpawis in college. It was the first time that the party joined elections and Ka Beltran won a seat. RIP, man of labor.

    ReplyDelete
  11. malamang nasa wake ang uncle ko,
    natext ko na siya kaso umuwi ng leyte,
    dahil nga patay din isang aunt ko di ba...

    sasama siguro ako ke uncle..

    ReplyDelete
  12. aba patskieeeeeeee hehehe isa ka ding... wala hehe. fenk?
    uy pala si aaron ng sanlakas ng cebu, kilala niya daw si dharms,
    sabi ko kilala ko kayong dalawa (as if nagkita na tayo ano)... ;-)
    small world ;-)

    ReplyDelete
  13. Nahulog pala siya sa bubong at nauntog ang ulo sa semento. Ang saklap sa isang rebolusyonaryo. Pero kumpleto naman ang buhay niya.

    ReplyDelete
  14. yes, i think he was from UP too... yung sa Anakpawis namin... OJT kasi un and we believed in their cause.. naks!
    di ba hindi magka-friends ang Sanlakas at hardcore Left like Anakpawis and Bayanmuna? showbis , ito.. hehe

    ReplyDelete
  15. isang malaking check ;-)
    nabanggit ko lang naalala ko kasi conversation namin ni Aaron.

    madaming anakpawis sa community namin, kaibigan ko sila,
    pero kaibigan ko din ang ilang mga sanlakas... ;-)

    malabo?
    kung may klaro man---
    kadre ako ni Kristo (oa naman)

    ReplyDelete
  16. <--- amoypawis hindi anakpawis...

    ReplyDelete
  17. grabe naman, sa dami dami na pagkakamatay yun pa.

    nalaglag lang.

    kung titignan napakababaw na dahilan ng pagkamatay.

    ReplyDelete
  18. wala tayong magagawa... ganyan talaga ang buhay...
    hindi natin aakalain na sa bubong sya mamamatay at hindi sa rally...

    ReplyDelete
  19. Di bale mas mahalaga ang naging buhay niya.

    ReplyDelete
  20. hehe salamat...
    medyo wala pa akong pakialam sa mga isyu noon nung na meet ko siya...

    ReplyDelete
  21. punta tayo sa lamay nya!

    ano?

    set set

    ReplyDelete
  22. saan? ung sa UP?
    hanggang kelan yun?
    hindi pa naman ako makakaluwas pa ulit :((

    ReplyDelete
  23. yup sa up..

    hndi ko alam kung hangang kailan eh.

    paging bu, paging bu...

    ReplyDelete
  24. AY THIS IS TRAGIC! kalungkot naman ito-
    hope marami sa ating young generations ang
    sumunod sa yapak ni Crispin Beltran-

    ReplyDelete

  25. ha???? duni di mo binabati tatay mo? hmmmm.... hala ano yan,,,

    ReplyDelete
  26. hahaha...
    scars from the past... linsea... :))

    ReplyDelete
  27. oo nga tol

    magbati na kayo ng erpat mo.

    AMA mo parin sya kahit anong gawin mo, kung wala sya wala ka ngayun dito sa multiply ;-D

    ReplyDelete
  28. binati ko na sya...
    eh wala pang reply...

    ReplyDelete
  29. sayang ang isang tulad nya... malaking kawalan sa ating lipunan

    ReplyDelete