Friday, May 23, 2008

Sa Hirap...


Ang pangalan niya ay Dessa.  Bente anyos.  Nagmakaawa lang siya na tanggapin sa pag-apply nya sa dito sa aming pinapasukang kumpanya.  Mabuti nga mabait ang nasa HRD.  Pumayag naman kahit na tanggapin siyang trainee lang.  Under-qualified siya talaga, at dahil hindi rin naman siya pasado sa qualifications, pumayag na kunin siyang trainee.  Allowance lang ang maibibigay, mababa sa inaasahang sahod, pero sa isip nya pwede na kaysa naman wala.

 

Masipag si Dessa.  Kahit hindi niya alam, pinipilit niyang matuto.  Maganda ang pangarap niya sa buhay.  Maiahon ang pamilya nya sa hirap.  Ang pamilya niyang iniwanan sa bayan ng San Felipe para makipagsapalaran sa siyudad.  Titiisin ang lahat para lang sa kakarampot na pera.

 

Nung una, ang akala ko ay nag-u-uwian siya sa kanilang baryo.  Aba, ang layo ng San Felipe kahit na isang byahe lang sa bus.  Aabot rin ng mahigit isang oras ang lalakbayin para makauwi at makita at maasikaso ang mga kaanak.

 

Malayo rin ang aming lugar kung saan kami nagtatrabaho.  Sa loob ng Economic Zone.  Nakakasabay ko siya lagi pag naghihitay kami ng company service sa labas ng gate ng Eco-Zone.  Nakakasabay ko siya sa byahe papunta sa aming trabaho.  Kahit papano naibsan ang gastusin naming mga empleyado dahil wala naman bayad ang service.  Tahimik din siya sa trabaho, napapansin ko.  Minsan nakikihalubilo, pero kadalasan sa mga gawain ang tuon. 

 

Isang gabing napaaga ako ng uwi at namamasyal sa labas ng Eco-Zone, napansin ko siya.  Naglalakad papalayo sa gate, marahil papunta sa sakayan ng jeep.  Isang bati lang, sabay paalam at tuluyang pumasok sa mall at ibinaling ang aking atensyon sa pamimili, may kailangan pang bilhin at kukulangin sa oras.  At pagkatapos magbayad sa pinamili ay sumakay na pauwi ng bahay, dahil nakuntento na at nabili na ang sariling pangangailangan.

 

Habang mabagal na binabaybay ng jeep ang daan pauwi ay nakita ko ulit siya.  Naglalakad.  Teka kanina pa siya naglalakad?

 

Ngayon ko lang napag isip.  Simula mall hanggang sa purok San Guillermo ang nilakad nya?  Mahigit na anim na kilometro din yun!  Bakit hindi siya sumakay? Kaya pala pilit niyang nilalakad ang kahabaan ng Magsaysay, hindi pala dahil umiikot ang jeep sa gilid ng Eco-Zone at mas maigsi ang paghihintay kung hindi iikot, kundi tuloy-tuloy ang lakad hanggang sa maka-uwi!  Hindi ko naisip na pati pala yung 7.50 na pamasahe ay tinitipid nya!

 

At ngayon ko rin napag-isip isip kung bakit ang mga meryendang ibinibigay sa kanya sa opisina ay itinatabi pa niya!  Pilit isinisilid ang mumunting siopao na bigay ni Emma sa bag nya kanina nung nasa opisina kami.  Pasalubong?  Naisip pa niyang pasalubungan ang mga kaanak at tiniis ang gutom.  Hawak na niya ang siopao na galing sa mumurahing bag na bitbit habang papasok sa isang maliit na barong-barong.  Teka, barong-barong?  At habang nag-iisip ako sabay sinalubong siya ng mga inaakala kong kamag-anak.  At nabigla ako ng marinig ko ang mga salitang ate, kapatid, anak, at inay...

 

Hindi ko mapigilan na mapaluha sa nakita ko.  Magkakasama pala sila sa maliit na barung-barong.  Sumunod ang pamilya niya at nagsumiksik sa maliit na lugar sa tabi ng ibang kamag-anak para hindi na siya mahirapan umuwi at mag-asikaso.  Ang nanay at ang kaniyang pito pang kapatid na musmos.  Panganay pala siya, kaya pala matindi ang pangangailangan ng trabaho.  Pero hindi inalintana ang layo ng lalakarin, at palaging titiisin ang hindi kumain, ang matulog sa pira-pirasong karton na nakalatag sa sahig ng maliit na itinuturing nilang tahanan.  Ako ang naluluha habang sila naman ay nagsasaya sa pagdating ng nag-iisang tao na pilit tumutulong upang makaahon sila sa kahirapan…

 

Naluluha ako… Habang nasusunod ang kung anu-anong luho ng katawan ko pero pagkatapos ng lahat, nababalot pa rin ng lungkot na matagal nawawala.  Mahal ang nabili kong pampaganda sa sarili ko, samantalang si Dessa ay pinipilit inuuwi ang lahat ng perang natatanggap na allowance linggo-linggo.  Pambili ng pagkain, damit, gamot, at ang natitirang pera ay itatabi upang may mahugot kung sakaling may problemang makasalubong sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay…

 

Naluluha ako…  Dahil alam kong mas masaya siya sa akin sa kabila ng lahat…



39 comments:

  1. nice...follow up namin ni Bujon application mo..para next opis outing kasama ka na yeyyyyy....intay pa kasi words sa bossing sa ibang bansa kng kelan ulet mg hire...

    ReplyDelete
  2. hehe Marky...
    naiyak ako... sa kulay! bwahaha...

    ReplyDelete
  3. ay nkow duni, naiiyak ako sa lagay ni Dessa habang naasar ng husto kay Aroyo dahil sa pagpabaya sa mga naghihirap at lalong nahihirapan- pati Social Welfare Department natin walang laman ang kaban dahil sa korapsyon ng mga nakaupo dun-

    Nung mag duty nga kami nun sa Mental Hospital yung mga padalang tulong pagkain, nangawala ang keso huh!!!, aba kasya ba naman sa 4 malalaking lalaking pasyente ang tig dalawang pandesal at malabnaw na kape? grrrr!

    ReplyDelete
  4. kelan kayo nagpunta ng mental? hindi ko kayo naabutan dun ;))

    ReplyDelete

  5. nyhaha! kaw ha- curadong hindi kakasali sa 4 na lalakeng sinabi ko, kc ang lalaki ng katawan nila- ikaw sexy look at your avatar hahha!

    talaga naman, bakit kaya di ituro sa mga naghihirap na gaya ko yang pumunta sa SWD, at humingi ng tulong---suppose to be merong maibibigay ang social welfare-kahit paano di ba? or merong programa para sa tulad ni Dessa di ba?

    ReplyDelete
  6. meron yatang programa ngayon ang Department of Labor and Employment...
    20 pesos wage increase... 15 pesos sa sweldo at 5 pesos sa COLA - Cost Of Libing Allowance... (este Living dapat yun pero parang mas bagay yung libing, mala burial ang dating)

    Ang DSWD? kikilos lang pag may International Conference para lipulin ang mga mahihirap at ipakita na may ginagawa sila para sa kapakanan ng mga ito...

    ReplyDelete
  7. yup...
    pinalitan lang ang pangalan at mga lugar...

    bakit kung hindi?

    ReplyDelete
  8. wala naman! nakakaiyak lang! ito na naman ako

    ReplyDelete
  9. iyakin ka ba? akala ko matapang ka...

    ReplyDelete
  10. sa mga ganitong bagay! not totally na umiiyak pero im sad! Alam mo un? Ung siopao na nilbre sa kanya inuwi nya pa tapos ako ung mcdo na kinatamaran kainin nung gabi tinapon ko na nung umaga kahit di naman nabuksan kasi lumamig na! maawain ako sa ganyan hindi lang sa mga street children! Base narin sa napanood ko sa Reporters Notebook! Ganon rin sa matanda. Kahit ung iba alam kong nagpapanggap lang na pilay, bulag etc... Di ko matiis na di magbigay

    ReplyDelete
  11. this one's touching. it made me contemplate on how superficial I am in terms of spending my bucks. raar. masakit din sa mata ung background mo step brader.

    ReplyDelete
  12. sensya na... feeling red ako ngayon eh...
    tinamaan din ako nung kinu-kwento sakin yan...
    napag-isip na mali ang konklusyon na sa pera lumiligaya ang tao...

    ReplyDelete
  13. lagi kong remember tatay ko, kaya always talaga, yung mga natitirang pagkain sa lamesang hindi nagalaw or naubos, iniimis ko yun sa mga malinis na lalagyan kaya meron meng lahat yata ng sizes ng tupper ware tapos lagay lahat sa fridge- kc madalas katamad lumabas or minsan budgetted, you can heat these up or lutuin ulet dagdagan ng
    gulay or seasonings, yun namang mga tinapay na sobrang nilagay ko sa fridge-
    re-heat sa oven sus kahit sa fring pan dagdagan ng butter, o na save mo na ang suppose to be one snack di ba? dami kayang nagugutom ngayon- isa pa yang mga resto- lalo dito daming tinatapon pagdating ng 5 pm kahit freshly baked bread- sayang talaga-

    ReplyDelete
  14. ginagawa yan ng mga hotel dito sa Pilipinas... yung mga hindi naubos sa buffet...
    itatapon lang sa basura... kahit hindi pa panis...
    imbes na ibigay na lang sana sa mga walang makain...

    ReplyDelete
  15. ay, merong amount talagang allotted para sa mga nag a-apply for financial help ata- i learned mga at least 500 php monthly? yun sa probinsya namin ata- that is may requirements din- yan ang importance ng taxation-eto na naman e kung ang taxation sa atin ay hindi effective lalong walang magiging pondo ang DSWD- daming problema oo! kc kasali yan sa goal ng taxes- haaay

    ReplyDelete
  16. totoo yan, dito sus kung mag scrape off ng mga cheese tapon- nakaka kilabot talaga in the sense na bakit di ipamigay sa mga mahihirap e malinis naman di ba?- grabe!!!! kaya ang gutom, food shortage at poverty- man-made talaga yan ng mga mayayaman at nasa pwesto-mabalik nga kay Dessa- ahehe

    ReplyDelete
  17. honga bat kasi nawala kay Dessa :-P

    ReplyDelete
  18. hayz!!!...naiYak nMan aq d2 sa kwenTo mo poh!!!..paRang aq paLa c dessa..maLayo rin kc aq sa family dagat aNg pagiTan q sa kaniLa..ganun aq kaLayo...nakipaGsapalaRan po aq d2 sa manila paRa maiaHon q rin cLa sa kahiraPan...mahiRap man po maBuhay d2 sa eaRth..pinipiliT q paRin itOng labanan maiaHon lang sa kaHiraPan ang mGa maHaL q sa buHay..laKing pasasaLamaT q sa tita q kc pinag-aRal nya aq haNgGang kolehiyo..aUn merOn aKong traBaho ngaUn pero po d saPat ung sinasaHod q...naiiYak nMan aq dun...hayz!!!!,,,perO thnx po kc i read diz..aNd i learned sOmeThing kUng paNU magtipid...ty po

    ReplyDelete
  19. Ang lungkot naman.
    Di na nga ko magpapabili ng laptop. T_T

    ReplyDelete
  20. @ dada29:... salamat at namulat...

    @ blouise: pa-chizburger ka na lang... lolz...

    ReplyDelete
  21. yung kalahati ng pambili ng laptop ;))

    ReplyDelete
  22. sori, bawal ibigay... ako na lang magdadala...

    ReplyDelete
  23. duni pag ikaw nagdala baka nakain mo na
    hahaha lol

    ReplyDelete
  24. hahaha huy hindi... pag hindi sa akin hindi ko pinapakialaman... :-P

    ReplyDelete
  25. hmmm anong financial help po ito?
    kasi sa pagkakaalam ko walang ganitong monthly help,
    sa europe pa malamang o sa US may ganito,
    sa france meron silang 800 euro monthly assistance sa mga unemployed nila,
    provided maprove na active naman maghanap ng gainful employment
    through letters from companies na inaaplayan nila na nagaapply nga sila
    and their government takes charge to find employment for them...

    sa pinas, nada, nothing, wala. niresearch ko eh.
    yung DOLE natin alang kwenta kumpara sa ministry of labor ng ibang bayan...
    ang alam lang ata ng DOLE maglicense sa mga businesses...
    sori sa mga taga DOLE...

    abuloy ata ang 500 monthly
    kamaganak ng COLA = cost of libing allowance lol...

    ReplyDelete
  26. ALAM KO NA KUNG SAN YANG 500 NA YAN!

    yan yung laging sinasabi ng mga TUTA d2 sa Pampanga...
    500 daw ung ibabayad sa kanila sumama lang sa raly ng pro-glo...
    tapos pag bayaran na 50 na lang ibibigay...
    wala naman daw binawas kasi ZERO lang naman ung tinanggal... lols...

    ReplyDelete
  27. mahalaga ang taxation, oo.
    PERO kung ang perang ito ay ibubulsa lang ng IILAN.
    ay gudLACK talaga sa mamamayang Pilipino...

    at ang ginigipit sa kasalukuyan ngayon ng taxation
    ay ang mismong ordinaryong mamamayan lang din, bakit?

    ang mga negosyante, may means ng pagtakas sa tax,
    kung may tax ka na 1M at kaharap mo ay ang santo ng BIR,
    makakatipid ka ng kalahati kung magbabayad ka ng 500T sa bulsa ng mga ito.

    kay Pilipinas at kay Juan dela Cruz? zero money.

    eh ang mahihirap?

    kada bili ng noodles, tax. de latang ulam, tax.
    minsang masuwerteng makapagJollibee, tax.

    eh yung mga malalaking kumpanyang ito?
    tapat ba sila sa pagbayad ng tax nila?
    o sa bulsa lang ng iilan ito mapupunta...

    tama ka linsea na IMPORTANTE ang taxation...
    pero sa sistemang mayruon tayo,
    dagdag pahirap ang buwis na binabayaran ng publiko...

    (mabuti pang magbuwis ng dugo,
    kesa magbuwis sa gobyerno!
    kaya donate blood to the nearest hospital na hehehe)

    ReplyDelete
  28. isama si KUHOL pag na deport!
    sabi ng titser ko sa math nung High School
    kamukha ko daw yun :((

    ReplyDelete
  29. hahaha sino yung teacher mo sa math
    papaabangan ko na!

    ReplyDelete
  30. sakit sa mata!! orange na orange! dinaig pa ang ponkan hehehe...

    ReplyDelete
  31. hmm... ung story..
    ung kulay.. sa sobrang tingkad.. pongkan na pongkan..!

    ReplyDelete