Friday, May 23, 2008

Tulala





byernes na pala
hindi ko man lang napuna
sa maghapong pagtunganga
marami na sanang nagawa


o kaybilis ng araw
mga ingay na nagpalahaw
nagtatago ang sikat ng araw
habang iniisip ko ay ikaw


titigil din ang ambon
lilipas din ang panahon
at ang malungkot na kahapon
unti-unti sa limot ibabaon


pinapalipas ang oras
ng masakit na pusong wagas
ang pag-ibig na naka alpas
pag tinamaan nga naman ng malas


nakinig ng tugtugin
nagbasa ng mga saloobin
sa kaparangan ay tumingin
may lumbay na gustong paalisin


pinilit na kumanta
at tinipa ang gitara
ngunit sadya yatang malala
ang hinagpis na nadarama


kailan kaya matatapos
ang lungkot na hatid ng unos
ang luhang hindi maubos-ubos
sa paghahangad ng iyong yapos














































20 comments:

  1. hahaha...
    wala yan...
    praktis lang po :-P

    ReplyDelete
  2. anong wala?
    nag nosebleed talaga ako eh
    hehhe

    ReplyDelete
  3. haha bakit naman nosebleed? praktis nga lang yan...
    not applicable on current emotions hehe ;))

    ReplyDelete
  4. nahihilo ako sa tagalog ehhhe

    asous...kunwari pah.
    ako di ko kaya mag sulat if
    di ko nararamdaman ang isinusulat ko
    XD

    my meaning talaga eto , PM mo nalang hehehe

    ReplyDelete
  5. talaga lang PM... you wouldn't even give me your ID...
    wala nga yan eh... subok lang yan... i wanted to try my hands in poetry...
    i wanted to prove that i could do it even with less emotions...

    ReplyDelete
  6. awh, hirap yan ah, tension of opposites,
    extreme talaga.
    siguro i have to be more ambivalent to do that.
    hmmmm, ID? we'll have time for that.
    let's keep the thrill discreet hehhhe

    ReplyDelete
  7. the thrill is slowly killing me... figuratively...
    the heavy excitement pounces on your very overly-discretion ha...
    mahirap nga eh... huhugot ka sa maliit na idea tapos i expand mo...
    natagalan ako dyan kanina ko pa yan umaga niluluto...

    ReplyDelete
  8. like this line ;)
    buti naman at di ka nagka migraine.
    heheh
    poems like this remind me of elementary days.
    our filipino teacher's fond of letting us do a poem for
    the moral of a certain story XD

    lols. ntutuwa po ako a iyo.
    you know your playground too well ;)
    boring naman yung mag waYM eh ;)
    hehehe

    ReplyDelete
  9. well i guess i was reliving those elementary days where we were also asked to create poems... sa totoo lang wala akong matandaan na nagawa ko noon...
    lalo nung high school na mental block ako sa poems... sa dami ng diniskartehan ko... hahaha...

    what playground? lols

    ReplyDelete
  10. kuya duni napapabilib mo na talaga ko ;))

    gifted ka talaga... nice choice of words, simple yet ramdam mo talaga ung emotions

    ReplyDelete
  11. hahaha...
    tenkyu evey at gneth! :-)

    ReplyDelete
  12. :) may emotions eh duni... nd lang basta sinulat.. naramdman talaga.. connect eh! sakto...

    ReplyDelete
  13. konek ka? hahaha... oo may emosyon yan...
    pero siguro sa nakaraan hindi sa pangkasalukuyan...

    ReplyDelete
  14. hahaha... there is no more past, and no present... because it is already permanent ;))

    ReplyDelete
  15. mang-intriga pa talaga?! ;-p

    ReplyDelete