Thursday, May 8, 2008

Patintero



hindi kita pakakawalan
lagi kang babantayan
subukan mo man lumusot
sa guhit na gawa ng imahinasyon
at tumakbo papalayo sa piling ko


haharangan kita
sa abot ng makakaya
pilit kang ikukulong
sa apat na sulok ng mundo
na iniikutan ko


kung magpumilit ka
sisiguraduhin ko
magbabanggaan ang ating mga sulyap
kahit na ikaw ay makiusap
pagmamatigas ang aking ihaharap


ang sarili ko
sayo lang nakalaan
kung nakatingin ka man sa hinaharap
maging balakid man ang aking katauhan
at pilit na binabalewala


kung maka alpas ka man
sa harang na likha ng katha
susunod ako
sa guhit na ginagalawan ko
masiguro lang ang paghabol sayo


at kung sakaling bumalik ka
haharangin ka pa kaya?
kung ang puntirya mo
ang dumaan lang muli sa harap ko
at tuluyan nang lalayo...


paano ba ito?
hindi naman ako pwedeng magpatalo
kaya hindi kita pakakawalan
hindi ko na hahayaan
puso ko'y muling masaktan


75 comments:

  1. hahaha!! madami dapat para masaya!!

    ReplyDelete
  2. nung bata ako guhit namin sa patintero...tubig
    kasi lupa pa yung kalsada namin noon eh.

    nasa lata yun tapos parang halaman
    na dini diligan yung kalsada.


    ngayon wala ng naglalaro nyan sa min
    puro POGS na yung iba or text na anime

    ReplyDelete
  3. ako sa probins lang nakaranas ng patintero...
    tapos pag inulan tambay kami lahat sa balkonahe...

    tama ka badong...
    sa lupa tapos ung guhit gawa sa tubig na galing sa kanal...

    ReplyDelete
  4. pasali! gusto ko batutot o patutot ano ba yun hehehe...
    pero out muna ako taympers. hindi muna ako magoonline.

    galing pala duni. makata ka ah!
    dami ko pa kasi gagawin kaya saka na muna multi,

    ReplyDelete
  5. patotot ang alam ko...
    depende yata sa nagsasalita eh...

    ReplyDelete
  6. alam ko patotot... ung taya sa gitna...

    ReplyDelete
  7. oo patotot ang alam kong tawag dun kasi lage akong patotot nung bata pa kami.. lage kasi ako huling sumasali kaya sakin pinapasa ang role na ayaw ng lahat! haha

    ReplyDelete
  8. masarap ang patotot diba sila lang ang pwede mang tag ng patalikod...

    ReplyDelete
  9. i remember my hey days and my kababata and moonlit nights (full moon) and brownouts
    hahayst

    ReplyDelete
  10. Janis, baka sa inyo tawag Patoto...sa min din kasi Pototoy eh este Patotot.


    gusto kong laro TSATO..tama ba o syato?

    ReplyDelete
  11. is that still patintero?
    'coz i did other things during those full moons and brownouts hahaha...

    ReplyDelete
  12. kahit na.. mahirap eh! gusto ko ung hindi taya para lusot lang ng lusot haha..

    ReplyDelete
  13. syato!! lol


    OO... patoto tawag dun sa Siquijor eh... (para tuloy akong nabubulol)

    ReplyDelete
  14. now, i wonder! ahhahah,
    hide and seek din pow! ;)

    ReplyDelete
  15. pero pinakamasarap pag taya ka ung patotot... ang laki ng sakop

    ReplyDelete
  16. yes you got it!
    better play hide n seek during brownouts...
    then go home straight and come back the following day :))

    ReplyDelete
  17. nyahaha...
    yung patotot comment ko pinagkaguluhan...

    true yung putotoy, parang iba yun hehehe =)) pang hideseek ata yun?

    ReplyDelete
  18. hahahahha, sarap maging bata ulet!
    tinatakot nga kami every time we play hide and seek ;)
    my momo daw , ;) kidnapped with ransom pa! hahahah

    ReplyDelete
  19. samin may aswang naman daw... as if...
    haller! Mandaluyong sa gitna ng nag u umpugang kalsada na may maliwanag na ilaw sa poste...

    ReplyDelete
  20. hahahha, samin kc nun, newly opened pa subdivison ,
    tas creepy talaga, few people pa;)

    ReplyDelete
  21. sa probins hindi pwedeng mag taguan...
    hindi pa uso kuryente nun... may multo daw talaga...
    hapunan alas sais pagkatapos ng Angelus na latin...
    tapos nun tutulog na... wala nang lalabas ng bahay...

    ReplyDelete
  22. Agawang Base ang dapat na laruin ngayon...

    ReplyDelete
  23. pde bang makisali.. =]
    ndi pa namn ako late eh /=[

    ReplyDelete
  24. badong,nagllaro din kmi nian nung bata pako.....lagi ako taya....heheheh...ang saya!!! d2 samen PSP na uso badong,sosyal noh!!!lolz

    ReplyDelete
  25. ako rin pasali gusto ko chinese garter tsaka jolens hahahahahah....

    memorable sakin ung syato, nasapak ko ung kalaro ko nun eh.. epal kasi ;D

    ReplyDelete
  26. hay nakakamiss ang kabataan natin nun, wala dyan ang mga PSP at mga gameboy. di nila kayang tumbasan yung saya :D

    ReplyDelete
  27. i agree sis, kasi nun talagang ung bonding ng mga kabataan sobra... eh ngayon ung mga kabataan walang ginawa kundi rumampa at magpacute sa kalsada

    ReplyDelete
  28. kung uso pa ang patintero...
    wala sanang akrho at tau gamma na nagra rambulan sa kalye :((

    ReplyDelete
  29. aling base, sakay?
    Clark o Subic?

    ReplyDelete
  30. hahaha...
    ikaw bahala sa imahimasyon mo :-P

    ReplyDelete
  31. gusto ko rin manood ng chinese garter noon...
    lalo yung nakakalimutan mag shorts sa ilalim ng palda!

    ReplyDelete
  32. ay mahina ako sa dukutan ng shells!

    ReplyDelete
  33. ehem!
    excuse po!
    walang kinalaman dyan ang fraternity:P

    ReplyDelete
  34. basta ako adik sa "jackstone"
    tara, laro tayo\:D/

    ReplyDelete
  35. meron... kung nagpa patintero sila eh di sana hindi sila nagra rambulan...

    ReplyDelete
  36. jackstone... ang laro sa Dagupan bwahaha...
    laro din namin yan... kaming magpi pinsan na puro lalaki bwahaha...

    ReplyDelete
  37. nyhahahaha!!
    sa min pag ang lalaki naglaro ng jackstone,,jokla!

    kasi d b may stage un n ilalagay mo ung kamay mo sa may dibdib mo.para ilagay ung mga ekis ekis...awwwwwww:)):))

    ReplyDelete
  38. ang cute siguro nilang tignan ano?
    ano kaya itsura ng mga emo habang naglalaro sila ng patintero..
    hihihi...

    *tabi-tabi po sa mga emo kung meron man..
    hahaha...!

    ReplyDelete
  39. wala kami nyan...
    improvised ang exhibition namen... puro hagis at salo...
    may isa dun yung kukuha ka ng isang stone tapos hagis mo tapos kuha ulit...
    parang juggling... continuous... tapos bato talaga ang gamit para medyo masakit...

    tsaka karamihan samin lalaki... pwede nga kaming bumuo ng isang team sa basketbol eh... puro pangalan lang ilalagay kasi kung apelyido pare-parehas

    ReplyDelete
  40. yea may stage ngang ganun,oh d ba panalo ang jackstone kesa sa gameboy,reality ang laro! ramdam mo sakit!

    ARENASSSSSSSSSSSSSS!!! 3 points! hahahaha=))
    miss ko tuloy basketbol sa tin.
    tara, basketbol tayo=D

    ReplyDelete
  41. may mga emo p b?
    ops tabi tabi po s mga nuno=D

    ReplyDelete
  42. may pinsan ako dun... Gilbert din ang pangalan...
    pero hindi sya yung nasa Washington Wizards ha....
    sya yung nagda drive ng tricycle na Arenas Express... :D

    ReplyDelete
  43. hahanapin ko yang pinsan mong yan.san ang route nya,malued to perez ba? or malued to lucao:)):))

    ReplyDelete
  44. alam ko Malued to Perez... sabit ako dati dun eh...
    ewan ko lang kung buhay pa ang tryk nya...

    ReplyDelete
  45. bat ako naging emo? :-P
    ang saya saya ko kaya...

    ReplyDelete
  46. e d lagi k ring tambay sa may Luzon Colleges:P

    ReplyDelete
  47. yup Luzon College...
    kaso HS pa lang ako nun kaya target ko ung taga Dominican bwahaha...

    ReplyDelete
  48. wow! astig mga sosyalerang dominican<3

    ReplyDelete
  49. agawang base... yung base nila sa malakanyang... aagawin natin...

    ReplyDelete
  50. sali na... amuyin lang mga pagpupulong tungkol dito... hehehe

    ReplyDelete
  51. hay lakas ng ulan... ang sarap magpulong... hindi lang maka alis :((

    ReplyDelete
  52. sali ako dyan, magaling akong patotot! :-)

    ReplyDelete
  53. sira ka talaga tru! gawin daw bang putotoy ang patotot! ha! ha! salbahe!

    ReplyDelete
  54. dyan ako napingot ng nanay ko. maghapon kami sa kalye ng mga kalaro ko kase pagalingan sa chinese garter. may kasama pang cartwheel. paguwi ko, ang dumi ko na, punit pa palda ko, may sugat pa sa siko. ha! ha!

    di ako makalabas the next day, grounded. so tinali ko yung garter sa electric fan at sa handle ng tv. pag cartwheel ko, tumama paa ko sa gilid ng table. ayun hiwa, natahi tuloy.

    ReplyDelete
  55. uy kami din. sa manila pa kami nakatira nun. yung late nasa dulo ng kahoy na parang dustpan. yung mga kalaro ko sa kanal kumukuha ng tubig pang guhit. ang baho! ha! ha!

    ReplyDelete
  56. baho kanal sa maynila eh...
    sa probinsya walang amoy ang tubig kanal...
    tapos lupa ung guguhitan...
    kaya madali maglaro...

    ReplyDelete
  57. luksong tinik maganda rin laruin nun. kahit na sumasabit sabit na pepe mo sa daliri ng mga taya cge pa din wala pa nmn malisya nun eh :))

    ReplyDelete
  58. ma'am echo di ba pag sumabit na sa daliri eh sya na ang papalit na taya? :))

    ReplyDelete