Saturday, June 7, 2008

Pilipinas kong mahal


mahal ang kotse at gas
mahal ang kilo ng bigas
mahal ang bayad sa katulong
mahal ang presyo ng talong


mahal ang pasahe sa dyip
mahal sa SOGO umidlip
mahal ang magpa-ospital
mahal ang gastos sa burial


mahal gamot ng maysakit
mahal ang bayad sa internet
mahal ang tuition sa iskul
mahal maligo sa swimming pool


mahal manood ng sine
mahal sa Starbucks mag-kape
mahal ang entrance sa Embassy
mahal ang sustento sa kulasisi


mahal ang beach sa Boracay
mahal ang pamasahe sa Paoay
mahal umorder ng tokwa at lugaw
mahal mag beerhouse sa Cubao


mahal orig na DVD
mahal ang plasma na TV
mahal ang unlimitext
mahal ang toll sa NLEX


mahal ang singil sa kuryente
mahal ang broadband ng ZTE
mahal mangampanya sa eleksyon
mahal ang gagastusin sa automation



sa Araw ng Kalayaan
na ipagdiriwang ng karamihan
sabi ng gobyernong hangal
motto: Pilipinas kong mahal


makikipagdiwang ka pa ba?
kung puro korupsyon ang nakikita
siguro dapat itanong sa bawat tao
ang Pilipinas kaya, mahal mo?


37 comments:

  1. yun...

    sabi nga Gloria punong-puno daw sya ng pagMAMAHAL sa taumbayan.

    ReplyDelete
  2. mahal ku pa ren ang PILIPINAS kahit maraming corrupt d2 sa ating pinakamamahal na bansa....

    ReplyDelete
  3. mahal nga ang pilipinas.Harhar

    ReplyDelete
  4. mahal ko pa rin ang pinas, kahit naman ung ibang kababayan natin sa ibang bansa mas gusto pa rin nilang manirahan sa pinas.

    pero kung minsan, ang kawalan ng contentment ng pinoy ang nagpapahirap sa tin.

    bakit mo pa kailangan sa starbucks magkape, eh may kapeng barako naman ?! ;-p

    at bakit kailangang sa SOGO pa umidlip kung may kwarto ka naman?! ;-p

    ReplyDelete
  5. itutulog ko na lang ...

    haayyy hirap ng buhay ngyon! wala nag bumababa...

    lahat tumataas...

    ReplyDelete
  6. Pilipinas ay aking MAHAL
    Kahit bilihin ay MAHAL
    Gobyerno man ay HANGAL
    Sa pannndaraya ay nai-HALAL

    ReplyDelete
  7. hahahaha, nga pala.. nakalimutan ko!

    ReplyDelete
  8. hmm,

    flexible naman sya dba. hndi lang up or down, pwde rin left and right. lol.. hahaha

    ReplyDelete
  9. Kaya ganito ang sitwasyon natin, dahil hindi naman seryosong mahal ng mga Filipino ang Pilipinas.

    Lip service lang ang pagmamahal ng karamihan.

    Parang mag-asawa, na sinasabihan nya araw araw ang asawa nya na mahal na mahal nya ito. Pero ginugutom naman nya yung asawa nya, pinapayagan nyang gahasain yung asawa nya ng iba, binabastos na yung asawa nya, pero ok lang sa kanya...PERO ARAW ARAW LAGI NYANG SINASABI MAHAL KITA ASAWA KO...lagi rin sinasabi ng mga pinoy MAHAL KITA BANSANG PILIPINAS...pero wala akong panahon para ipaglaban ka!!!

    ReplyDelete
  10. that is exactly the point Mr. Birthday Boy last June 1!

    sabi nila mahal nila ang Pilipinas pero hindi nila kayang ipaglaban sa MANDARAYA at MAGNANAKAW... pagdating sa panawagan sa kalye nauuna pang kokontra... kaya wala nang punto para mag celebrate ng Independence sa June 12 kasi nakakadena naman tayo... mas malala pa sitwasyon natin ngayon kaysa nung sakop tayo ng mga banyaga... at least ang mga banyaga maiintindihan mo kung bakit sila hayup... kasi nga banyaga sila... eh yung kapwa mo Pilipinong nasa MalacaƱang na gumagago sa yo, maiiintindihan mo kaya?

    ReplyDelete
  11. kaya alam mo naman kung ano ang stand ng Punyal dyan.

    Hangga't di natuto ang mga Filipino na patunayan ang sinasabi nilang pagmamahal sa bansa. Patuloy at paulit ulit lang ang mga masamang mangyayari sa bansa.

    ReplyDelete
  12. tama ka... at karamihan sa ating mga Pilipino ay nagbubulag-bulagan at nagwawalang-bahala pagdating sa isyung politikal... walang pakialam dahil wala daw kinalaman sa pamilya... ang hindi natin alam ang mga magiging pamilya sa susunod na henerasyon ng ating pamilya ang maapektuhan ng pagtalikod natin sa ating responsibilidad bilang mabuting mamamayan... ang labanan ang sinumang nagwawasak ating bansa, pulitikal man o usapang ekonomiya... kahit na kababayan pa natin ito...

    ReplyDelete
  13. this is some explosive poem you posted. even the love of country nowadays is "mahal" because for one to love his country in a true sense, he must be financially able. otherwise, he will just devote himself to earning money and forget about the Philippines.

    ReplyDelete
  14. this one? i think this is a little bit restrained...
    well... i could make something with more expletives but it is doubtful if i can post that hehe...

    ReplyDelete
  15. kung pwede lang di bumoto di ba.

    ReplyDelete
  16. palakpak :D
    sensya late ang reply sa comment
    kararating ko lang galing sa lakwatsa sa bundok :D

    ReplyDelete
  17. mahal na rin ang clusivol noh???!! LABS KO PINAS! PROUDLY PINAS MADE 100%!

    ReplyDelete
  18. what is this punyal by the way? just curious because this name has been mentioned in several comments to other posts i've read.

    ReplyDelete
  19. please visit our site www.punyal1896.org

    ReplyDelete
  20. ok. i will, but expect more questions from me. i hope i wouldn't bother you too much.

    ReplyDelete
  21. ask polatenna. he is the spokesperson for punyal :-P

    ReplyDelete
  22. i don't know man. i guess i said something not right. i'll let things cool for a while.

    ReplyDelete
  23. Mahal nga... anakanangteteng talaga...

    ReplyDelete
  24. sino andyan sa episode na yan???

    grabe makoy ang laki... 51 gig... 40 gig lang Harddisk ko...
    tsaka hindi lahat gusto ko dun... meron dun duling... pumipili ako...

    ReplyDelete
  25. kahit ano mangyari...mahal ko pa din ang PINAS kahit mahal ang gastusin

    ReplyDelete
  26. ipakita natin ang ating pagmamahal sa patuloy na pagtuligsa sa katiwalian ng mga personalidad na humahamak sa ating pinakamamahal ng bansa... ;))

    ReplyDelete
  27. haluan daw ba ng bangbus, gang dito meron nyan?! makoy talaga ;-p

    ReplyDelete
  28. honga basta Bangbus nangunguna si makoy...
    eh mas magaganda yata ang mga chikas sa Mike's Apartment!!!

    ReplyDelete
  29. punta sa GOOGLE then type "mike's apartment"

    ReplyDelete
  30. Badong ayusin mo ung link mo...

    ReplyDelete
  31. mahal ko parin ang Pilipinas, kahit mahal maging turista sa sariling bayan..

    hahaha! ano ba tinignan ko talaga yung "mike's apartment" haha!

    ReplyDelete