Wednesday, June 25, 2008

Sa ngalan ng bayan



sa ngalan ng huwad na kaunlaran
ang bayan nalubog sa putikan
mga punongkahoy sa kagubatan
kinalbo ng negosyanteng gahaman


sa ngalan ng pekeng progreso
tuloy ang byahe kahit bumabagyo
dahil walang pakialam sa pasahero
tumaob sa gitna ng laot ang barko


sa gitna ng matinding kalamidad
ang pangulo, sa ibayo lumipad
nagpasarap sa bansang maunlad
habang ang bansa'y nagluksa ng sagad


sa pabor ng ganid na kapitalista
ang interes ng bayan ibinenta
mga likas-yaman sa dayuhan pinaubaya
ang bansa walang awang sinisira


sa ngalan daw ng ekonomiya
ang taumbayan binulag sa pera
ipinilit mamuno ang mandaraya
maling pamamahala itinuring na tama

14 comments:

  1. galing mo duni...
    sana ako din mrunong magcompose ng mga gnyan :P

    ReplyDelete
  2. *clap clap clap clap*
    galing talaga ni kuya duni ;)

    sa pagiging reckless ng iilan ang daming buhay ang nawala.

    at si GMA imbes na umuwi na ng bansa nandun pa rin sa US kasma ung 30 nyang alipores, di kaya nya inisip na sa ginastos nila sa pgbyahe na un, ang laking pera na naman ang nawala sa kaban ng bayan na pwedeng magamit sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo tsk tsk tsk ang kakapal talaga ng mukha

    ReplyDelete
  3. hahaha... walang magawa eh... nakakabadtrip ang balita...
    GMA, ABS, ANC pati CNN at BBC... binabalita ung nangyari sa bagyo...
    tapos ung hinayupak na lider natin... andun sa U.S. nagpapasarap...
    kumita na naman kasi may 100M aid na binigay para daw sa nasalanta ng bagyo...

    tapos siya pa tong may ganang sigawan ung coast guard bakit daw pinabayaan magbyahe ung barko eh signal number 1... kung ako yung si Tamayo sasagutin ko yun na...

    "eh mam, bakit ikaw, alam mong may bagyo tumuloy ka pa ng US..."

    ReplyDelete
  4. kaya mo yan artist ka eh...
    madalas matagal kasi mahirap mag compose at kumuha ng ritmo...

    ginawa ko yan habang nagbabantay ng baby hahaha...

    ReplyDelete
  5. Kakamayan kita at malugod na tatawaging tunay na comrade.

    ReplyDelete
  6. ikaw na lang pa burger...
    ikaw tong naka dress!!!

    ReplyDelete
  7. ang galing ng tula!
    magaling hindi lang ang rhyme kundi ang mensahe
    tumatagos talaga sa marami ang katotohanan
    pero ang 7.3% ni Gloria, hindi tumalab-talab
    tumaas daw ang GNP, pero kasabay nito'y pagtaasan ng presyo ng bigas at langis,
    naalala ko tuloy nung panahon makalipas ang World Trade Center attack, ang sabi ng maraming nagpo-protestang Amerikano laban kina Bush: "not in our name!"
    at ganun din ang ginagawa nina Gloria at ilang mga pulitikong kurakot "in our name", sa ngalan ng inang bayan, kahit pawang kasinungalingan
    sabagay anung mapapala natin kay Gloriang promotor ng salot na globalisasyon, na naging dahilan ng kawalan ng trabaho ng maraming manggagawa, imbes na regular ay nauso na ang kontraktwal, retrenchment, union-busting, marami ang tinanggal
    mabuhay ka, kasama, sa iyong tula, sana mai-send mo rin ang iyong tula sa multiply group ng makatang pinoy, http://makatangpinoy.multiply.com

    ReplyDelete
  8. haha cge goryo i-send ko yan...
    kaso medyo subersibo... tatanggapin kaya?

    ReplyDelete