Wednesday, June 18, 2008
Wag Kang Aalon
Nang mamatay si Jose ay dumiretso ang kanyang kaluluwa sa impyerno. Dahil na rin sa sobrang kasamaan na ipinaghasik nito sa mundong ibabaw nung siya’y nabubuhay pa kaya sinalubong siya ng galak doon sa may papasok ng impyerno, kung saan hinihintay siya ng kanyang usher na demonyong aalalay para sa mga bagong salta na katulad niya…
Demonyo: Welcome sa impyerno… Pasok! Pasok ka Jose! Ikinagagalak ka namin dito hehehe… At dahil espesyal ka… ikaw ay papipiliin naming ng isa sa tatlong pinto at kung saan mo magustuhan ay doon ka na tatambay sa panghabang panahon mong itatagal dito sa jurisdiction ni Boss Taning…
Jose: hmmm… ano kaya yan? Matinding apoy?
Demonyo: Hindi naman… tatlong lugar dito sa impyerno para sa ubod ng sama na katulad mo. Tandaan mo lang pag nakapili ka na ng lugar ay hindi na maaaring magpalit… Intiendes?
Jose: Ok.
Lumapit ang demonyo at ang akay na si Jose sa unang pinto. Habang papalapit sila ay naririnig ni Jose ang mga palahaw ng iyak na nasa loob nito…
Jose: Naku, mukhang matinding torture ang nasa loob nitong pinto…
Pagbukas ng unang pinto ay tumambad kay Jose ang mga taong nagpapadulas sa isang giant slide na may mga nakadikit na blade na matalas doon mismo sa kahabaan ng padulassan, pagkatapos ang babagsakan ay isang malaking swimming pool na puno ng katas ng kalamansi…
Jose: Aray! Sa tingin ko pa lang mahapdi na… Teka yung pangalawang pinto naman…
Habang papalapit sila sa ikalawang pinto ay may naririnig silang mga nilalang na nagkakantahan at nagkakasiyahan sa loob…
“Wag kang aalon, wag kang aalon…”
Jose: Uy mukhang masaya dito. Parang mas magugustuhan ko yata dito sa pangalawang pinto…
Pagbukas ng ikalawang pinto ay tumambad sa kanila ang mga tao na tumatawid sa isang malawak na ilog ng tae na hanggang leeg ng mga taong nagsisitawid sa ilog.
Jose: Yuck! Kadiri! Kaya pala ung kanta eh wag kang aalon! Ayoko dito! Lipat tayo dun sa pangatlo…
Pagbukas nila ng ikatlong pinto ay nakita nila ang mga andun sa loob. Hanggang tuhod lang ang tae at mukhang abala sa kanilang mga ginagawa ang mga andun. Mayroong nagyoyosi, umiinom ng alak, nagkakape, kumakain, nakaupo, nag-uusap at kung anu-ano pa.
Demonyo: Oh ano Jose, nakapili ka na ba kung saan kang pinto tatambay?
Jose: Oo! Dito na lang ako sa ikatlong pinto… mukhang mas OK dito!
Sabay pasok na si Jose sa kwarto at nanghingi ng kung anu-anong ginusto nito. Nagyosi, nagkape, at nakipag-kwentuhan at nakisalamuha sa halos lahat ng andun. Pagkaraan ng mahigit 20 minuto ay lumabas ang isang malaking demonyo na may hawak na isang bell at megaphone, pinatunog ang bell ng malakas at sabay sigaw sa kanyang megaphone:
“OKAY! TAPOS NA ANG BREAKTIME… SISID NA!”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
HAHAHAHAHAHAHA!
ReplyDeleteSisid na ampft.
nyahahahhahahahahah!!
ReplyDeleteanu beh, kadiri, hihihi!!
nyahaha ampness ka :D
ReplyDeleteahahahahahaha!!! yan ang napapala ng mga maling akala!!!
ReplyDeleteBREAKTIME NA!!!!
hekehkehekhekhehehe! yo sisid na!
ReplyDeleteawww.. kala ko naman..
ReplyDeleteGood Morning!! Magandang Alon!! ;p
wala na ko gana magbreakfast! hmmp.
pasaway! whehe :D
ReplyDeletedonna... bakit sila dun nakakapag kape pa :-P
ReplyDeletehmmm.. matibay ang sikmura?
ReplyDeletenyahaha!!
Hahahahahahahahaha! Kamusta naman yun diba.
ReplyDeletehay college pa lang meh, lam ko na yang wag kang aalon- more nga...
ReplyDeletehaha!
ano ba yan kanina na iiyak ako.. ngayon naman naiiyak ako sa kakatawa.. hahahahaah
ReplyDeleteilabas mo yang tawa mo... at baka ibang hangin ang lumabas sige ka...
ReplyDelete