Sikat na sikat na ang bayan ng Tanauan ngayon.
Naalala ko dati, nung maliit pa ako, pamilyar sa akin ang Tanauan dahil ito ang pinakamabilis na daan papunta sa Talisay.
Pagbaba pa lang ng bus na galing sa terminal ng dating BLTB sa
Simula sa babaan sa National Highway ay malapit lang ang nilalakad papuntang palengke ng Tanauan kung saan andun ang mga terminal ng jeep na bumabyahe papunta sa mga kalapit na bayan, kasama na ang tahimik na baryo na malapit sa lawa ng bulkang Taal kung saan nakatira si Lola at kung saan lumaki sila Inay at ang kanyang mga kapatid. Ang mahigit dalawang daang metrong lakaran ay halos sapat lang upang maging saksi at makita ang simpleng kagandahan at masiglang pagsalubong na bihira maramdaman ng mga dayo at bumibisita. Sadyang nakakatuwang makita ang mga taong nakakasalubong na karamihan ay nakangiti kahit na anong estado ng buhay.
Sikat na sikat na ang bayan ng Tanauan ngayon.
Mula sa isang maliit na bayan na sentro ng mga nagmula sa mga karatig-pook, nagkumpulan ang iba’t ibang tao sa Tanauan dahil sa napaka-importante nitong lokasyon. Naging sentro ito ng kalakalan ng mga taga Sto. Tomas, Lipa, Malvar, Talisay, Calamba,
Sikat na uli ang bayan ng Tanauan ngayon.
Nung makalawa lang mayroong dalawang matandang magkapatid na babae ang binaril dahil lumaban sa mga holdaper na pilit kinukuha ang pera nila. Madaling araw, papunta pa sa simbahan upang makinig ng misa ng biglang harangin ng masasamang elemento at nang hindi maibigay ang gusto ng mga holdaper ay bigla na lang binaril ang dalawa. Nakakalungkot, hindi na sila naawa.
Mayroon pang nai-kwento ang aking kaibigan na isang tao na pinatay din sa hindi pa malamang dahilan. Sa Tanauan din nangyari, taga dun ang biktima at dayo naman ang salarin.
Nitong mga huling araw ay matunog na naman ang Tanauan dahil sa mga hinihinalang tao na nasa likod daw ng karumal-dumal na pagpatay sa loob ng RCBC-Cabuyao. Ayon sa mga ulat ng pulisya ay apat daw sa taga Tanauan ang hinihinalang sangkot sa krimen sa RCBC. Itong apat na ito ngayon ang laman ng balita dahil sa sila ay napatay sa engkwentro ng pulis, ngunit lumalabas ang hindi pa kumpirmadong ulat na sinadya raw na pinatay ang apat na suspek.
Sikat na sikat na naman ang bayan ng Tanauan ngayon. Sikat na sikat dahil sa mga balita tungkol sa karahasan. Sikat na sikat dahil sa laganap na paghahasik ng lagim ng mga demonyong walang alam gawin kundi ang manira ng buhay ng may buhay, gumawa ng kasalanan, magnakaw, at pumatay.
Hindi ko inaasahang makikilala at sisikat ang bayan ng Tanauan. Hindi sa ganito.