Thursday, June 26, 2008

Those were the days... Friendster days...


A compilation of meaningful testimonials in Friendster... during the time when people put so much effort and emotions in making an almost very close description about you, from what they have personally perceived... and not just any ordinary comment box just like right now...

isa pa nainggit din ako kay ALEX hahaha



chelle(05/25/2007 11:09 am) -

* dune taberu: mabait sya ndi nangangagat ahahaha =) saya kasama sa GEB, kopi party, at soon sa nature tripping...wag lang call of nature ha... ahahah.... be good always =)

cHa(05/12/2007 1:28 pm) -

* donnie!!!mishu na!!!gaspang eh!!!!

Efren(03/22/2007 8:09 pm) -

* ito nga pala ang Pare kong super kulit mang asar lahat na ata ng pang aasar nasa kanya na eh.. well sya ang pare kong Rakista na hip hop na tribal halo halo na.. basta we have same MUSIC dat we really like.... KAya inom pa tayo pare ala lang babasag ng alak..

Bot(08/2/2006 3:56 pm) -

* Si PlOrWaKs!!!

Well, i just met this guy thru a chatroom.. u'll easily notice him kc cya lang ang mkulet sa room.. from that day on, I added him up on my friends lists for i know, he'll be a gud one.. we still havent met but i know, this guy is nice.. everytime i need some help or MP3"s, super game yan to give in to my requests.. he seems too makulet, but a loyal partner to his wife.. (Thats what i know ha??? ewan ko lang din.. hehehe) but kidding aside, I consider this guy as one of my buddy, for he makes me realize that friendship can still be molded even ur afar and even if u dont have the chance to meet each other in person..thanks for being nice to me..hope to meet u soon.. but still, even though i havent seen u in person, i know ur one of the best buddy ive ever known..

Thanks for all the kulitan tym.. ingat lage and goodluck sa lahat..God bless!!!

Jhenz(12/17/2005 3:36 pm) -

* this guy..........seems so amusing........i know n sa chat k lang sya nakilala... but i know in first time..he's so accommodating and approachable... i know that his kind and friendly.... its just so happen.. na his lola and relatives lives here adjacent to our place.... imagine.. paghanapin ba ako ng long lost family nya d2 sa dagupan ..he he he.... but anyway... i just find it so funny... di sya boring kausap.... idealistic.. realistic... music lover... mahilig sa anime. etc. i just hope, he wants me to be his friend. one time pag pumunta k d2 sa dagupan, drop by k in our place and libre kita sa internet.... he he he.... although i know n u almost spend ur day in front of the computer...

keep it up friend....sana mas marami k pang friend n makilala

Yana(06/30/2005 12:12 pm) -

* Cupcake !!!!!!!!!!!!!!!

Twice pa lang kami nagkikita nito pero masasabi kong isa siya sa pinaka mabait at kwela ng opismeyt. At tsaka nafefeel ko labs na labs ako nito,, kasi napag tiyagaan niyang i-edit un mga larawan ko !! Salamat Ha ! Pakiss nga un malaway !:-P

Uhm pagbalik mo dito sa Cavite, balikan natin yun lugawan ha !? baka nandun si Anthony para mautangan natin !

Nyahaha !

Ingat ka palagi ha !!! Sa muling Pagkikita :-P

SheL(06/7/2005 9:01 pm) -

* Si Donnie bah!.. well what can i say..siya ang aking long lost BOYFRIEND.. hehehe.. diba lovess.. hehehe.. no.. i know donnie since i was a kid.. kasi mag best friend ang mommy ko at mommy niya.. and we grew up together.. pinagkasundo na nga kami eh.. hehehe... kaya lang we parted ways nung mga teenager na kami.. so ngayon nalang kami nagkita dito sa friendster.. (buti nalang diba?) wala akong masabi sa tao na yan kundi super talino.. super bait... so lovess dito lang ako lagi ha.. thru thick and thin i'll stand by you all the way.. BUZZ ka lang...

Shel...

Alisa(12/8/2004 8:31 am) -

* fafa donnie-pot... kamustasa na... isang masayang pag-bate mula sa iyong friendly-neighborhood-alitaptap... bagamat-datapwat-chocnut... ako ay di na masyadong makasilip sa kwarto ng mga malulufet mag-chat sa opisina... lagi kong pinagpapasalamat ang mga maliligayang sandali ng ating pagkukulitan at mga walang katuturan na kwentuhan :) nyahahahaha! ikaw ay isang napaka-baet na nilalang...nawa'y mabiyayaan ka pa ng maraming kaibigan... (bow) maraming salamas at nabilang ako sa mga kaibigan mo dito sa friendster... ang iyong tangahanga... ang alitaptap ng opismeyts :)

Peds(12/7/2004 1:42 pm) -

* mmmm.. wut can i say bout this guy... sya ang ang unang bumati sakin sa rum ng "opismeyt" hehehehe at sya ang lagi kong hanap sa rum kapag nag pepeep ako.. kasi isa sya sa pinaka madaldal sa rum.. gud host ika nga.. nakakatuwa sya tulad ng mga kasama nya kaya nga binabalik balikan ang rum nila hehehehehe kasi ika nga at home ka rito.. :d sya ang taong kala mo puro kakulitan ang alam at karir ever..yun pla isa syang volunteer ever.. see hindi ko akalain yun :d may ginintuang puso pla ang lolo mo.. lalo na sa kalikasan.. thats what i really like about him..hehehehehe bukod sa pareho kaming galing sa ward ng mandaluyong.. dba lolo? :d ** wink**

maricar(12/4/2004 7:38 pm) -

* c duni....nakakausap ko lang yan sa rum..ang lalaking palibre..... kala ko b lilibre mo kami.... kulit po nyan..... sarap nyan kausap sa rum... san po makasama ko n kau gumimik...... at kababayan ko pla.. ang mokong n to... hehehe....... god bless....... libre namin... :P

Maureen(10/12/2004 5:35 pm) -

* Masarap, masayang kasama at kakwentuhan. Sya ang laging kasama ni Abby pag susunduin ako d2 sa bataan? hehehe Partner ni Vash. Puro kalokohan din yan. hehehe Isa pa laging bokang bibig nyan libre. "LIBRE BOY" hehehe

Liz(05/28/2004 5:23 pm) -

* si donnie...? ang masasabi ko lang po... mahal ko din si donnie....! nyahahaha! he is a good friend once you got the chance to know him :-) seriously... mabait kase... di lang halata... :) ingat ka lagi donnie...!

Godbless...

Jill(05/22/2004 3:20 pm) -

_______________________________________
___________________0___________________
__________________0_0__________________
_________________0___0_________________
________________0000000________________
________________00___00________________
_______________________________________
_______________________________________
_____00000__000000____0____00__________
_____00___0_00_______0_0___00__________
_____00000__00000___0___0__00__________
_____00_00__00_____0000000_00__________
_____00__00_000000_00___00_000000______
_______________________________________
_______________________________________
000000_00000__00_000000_00___00_000000_
00_____00___0_00_00_____000__00_00___00
00000__00000__00_00000__00_0_00_00___00
00_____00_00__00_00_____00__000_00___00
00_____00__00_00_000000_00___00_000000_
_______________________________________
_______________________________________
sobrang maasahan! thanks sa lahat ng
audio cd's & mp3s ha.. mishu

eMiLy(04/19/2004 7:37 am) -

* si donnie ay napakacute.... yan ang line ko sa room pag nagkukulitan kame... masarap ka-chat, masarap kasama, sa ibang bagay kaya masarap ka din?? nyahahaha..... looking forward to be with you guys agen..... tc olweiz donnieng cute....

Vic(03/6/2004 10:28 am) -

* si nyakerz dunnuie, one of the first opismeyts na naging chokaran ko sa chatrum. prehas kami na gabi na, naka on line pa rin. although d pa kami meet personally, am sure oks na oks naman sya. dami ka nga ba alaga pagong pre, yung galing ba yan kay Haring Solomon????? nyahahahahaha.....

ExMaldita(03/3/2004 6:14 am) -

* LOVE ko si Donnie. PERIOD! **ExMaldita

Chai(02/21/2004 5:46 pm) -

* c donnie??? hmmmmm...first ko xa nakita sa rum nung time n nde pako marunong mag-chat.. (take note:ako eh mangmang pa s larangan ng pagchachat.. dat time kung saan saan rum p ako pumapasok.. taz everytime makakakita me ng mejo maganda baro, karir ko agad.hes using xylocarpuzz which is quite kaiba so i immediately sent him a message.. eh karir king pala sha so ryt away he replied.. there's a lot of terms n sa chatlife ko lang na-encounter and glad coz i have donnie who served as my tutor.. tas naging mejo civilize n ako (hmmm, natuto n ang mangmang), one day sabi ko makapasok kaya s NHNO tas der nga i met taga_plorwaks_ng_runway, i dont have any idea na xa din pala si donnie. since i saw him in NHNO parati n me pumapsok don but it doesnt mean n may HD ako s kanya noh?? its just because somehow eh kilala ko n sha,still s kanya me nagtatanong kung anu ba yun anu ba yan through PM kase yako malaman s room n tanga pa ako... hehe!!! to sum it up, kaya marunonga ko mag-chat eh dahil kay duni.. i owe it to you kabayan!!! kaya naman i kissed u wen we met kaya bayad n ako di ba??? baka may mag-react, sa cheek lang naman. and wen we met i realized n HINDI PALA KITA TYPE!!! bwahaha... basta for me YOU'RE D BEST.. gudlak n lang on ur career and god bless!!!! mwahugs :-)

MaRkUz(02/16/2004 5:35 pm) -

* Hey yo Fafa Donnie!! "TAGAPLORWAKS" one of my friend sa chatroom, well he's so nice and a funny kind of guy that will make you laugh, he makes me laugh sa room pa lang eh lalo na sa personal, talagang matatawa sa kanya, i like this guy very much.. Im wondering this guy always in the room everytime i log in, parang siya may ari ng room hek hek hek.... rgds.. ANAHEIM, CUBAO :))

Abby-(02/12/2004 12:23 am) -

* what can i say about lolo? hmmm...NYAHAHAHA!whenever banggitin nila name ni donnie,natatawa na ako kaagad,sobrang comedian kasi yan,super bait pa.ano pa ba masasabi ko sayo lolo? hmmm...puro kalokohan nasa ulo,bwhahaha! pero kahit loko si lolo smart yan,daming alam,di lang kalokohan,pati matitinong bagay alam nya.i met him in person sa mimosa, may mini eb kami dun ng opismeyts, nakipag sabayan sa puyatan si lolo... akala ko talagang matibay,di pala,nakatulog sa sasakyan, nauntog pa sa sobrang antok, hahaha!lolo,everytime na maalala ko yung eb sa clark, naaalala ko yung serious face mo nung tulog ka... di mo talaga bagay! anyways,lolo sana wagka magbago.stay as cool as you are and stay friendly as you are.ingat ka loloooooo kowwww>:D<

Irene(01/27/2004 7:44 pm) -

* si dunnie isa sa pinakamamahal ko na opismeyt.. even before i met him tuwa nako jan, me sense kausap and me sense of humor.. donnie and jhade are the ones responsible for my first eb.. sobrang memorable, sinundo nila ko dito sa subic just to make sure na aattend ako, sobrang na touch talaga ko.. and i love them both for that.. i still remember ang saya namin sa bus, usually kasi tulog ako sa byahe, first time yata yun nde ako nakatulog because of them. tapos sinamahan pa nila ko till the wee hours of the night, feeling ko pasan ni donnie ang mundo nun kasi bitbit nya yun super bigat kong bagahe, wala man lang akong narinig na reklamo sa kanya, ewan kolang kung bumubulong sha.. hehe.. anyway, i wanted him and jhade to know na nasa puso ko sila palagi even if we don't see each other, miss ko na sila sobra, and i pray na maulit yun pagkikita namin.. i had so much fun.. donnie if you need anything, dito lang ako, basta kaya ko.. kung hinde moral support na lang chaka kiss sa noo ha.. hehe

Eugene(12/4/2003 12:32 am) -

* si donnie? i met him in the chatroom. when we got together for an EB, it became a more hilarious night for us with his patok punchlines. sinungaling yung anak niya. di naman payat si donnie. kasama ko ito sa gym dati. yun nga lang, sinipon kaya biglang pumayat nang ganyan. donnie is sure to make everyone's party a happy one. he's a real jester.

Wednesday, June 25, 2008

The greatest show on Earth

Wimbledon has just started.  I was never into tennis before.  I prefer fast-paced racing like Formula 1 even if it takes almost two hours to finish one Sunday race.  But lately there is a personal increase in my curiosity for tennis…

Blame it on these five (5) reasons:
No, they're not beauty pageant contestants... they are all tennis players...

Sa ngalan ng bayan



sa ngalan ng huwad na kaunlaran
ang bayan nalubog sa putikan
mga punongkahoy sa kagubatan
kinalbo ng negosyanteng gahaman


sa ngalan ng pekeng progreso
tuloy ang byahe kahit bumabagyo
dahil walang pakialam sa pasahero
tumaob sa gitna ng laot ang barko


sa gitna ng matinding kalamidad
ang pangulo, sa ibayo lumipad
nagpasarap sa bansang maunlad
habang ang bansa'y nagluksa ng sagad


sa pabor ng ganid na kapitalista
ang interes ng bayan ibinenta
mga likas-yaman sa dayuhan pinaubaya
ang bansa walang awang sinisira


sa ngalan daw ng ekonomiya
ang taumbayan binulag sa pera
ipinilit mamuno ang mandaraya
maling pamamahala itinuring na tama

Wednesday, June 18, 2008

Wag Kang Aalon


Nang mamatay si Jose ay dumiretso ang kanyang kaluluwa sa impyerno.  Dahil na rin sa sobrang kasamaan na ipinaghasik nito sa mundong ibabaw nung siya’y nabubuhay pa kaya sinalubong siya ng galak doon sa may papasok ng impyerno, kung saan hinihintay siya ng kanyang usher na demonyong aalalay para sa mga bagong salta na katulad niya…

Demonyo:  Welcome sa impyerno… Pasok! Pasok ka Jose! Ikinagagalak ka namin dito hehehe… At dahil espesyal ka… ikaw ay papipiliin naming ng isa sa tatlong pinto at kung saan mo magustuhan ay doon ka na tatambay sa panghabang panahon mong itatagal dito sa jurisdiction ni Boss Taning…

Jose:  hmmm… ano kaya yan?  Matinding apoy?

Demonyo:  Hindi naman… tatlong lugar dito sa impyerno para sa ubod ng sama na katulad mo.  Tandaan mo lang pag nakapili ka na ng lugar ay hindi na maaaring magpalit… Intiendes?

Jose: Ok.

Lumapit ang demonyo at ang akay na si Jose sa unang pinto.  Habang papalapit sila ay naririnig ni Jose ang mga palahaw ng iyak na nasa loob nito…

Jose:  Naku, mukhang matinding torture ang nasa loob nitong pinto…

Pagbukas ng unang pinto ay tumambad kay Jose ang mga taong nagpapadulas sa isang giant slide na may mga nakadikit na blade na matalas doon mismo sa kahabaan ng padulassan, pagkatapos ang babagsakan ay isang malaking swimming pool na puno ng katas ng kalamansi…

Jose: Aray! Sa tingin ko pa lang mahapdi na… Teka yung pangalawang pinto naman…

Habang papalapit sila sa ikalawang pinto ay may naririnig silang mga nilalang na nagkakantahan at nagkakasiyahan sa loob…

“Wag kang aalon, wag kang aalon…”

Jose: Uy mukhang masaya dito.  Parang mas magugustuhan ko yata dito sa pangalawang pinto…

Pagbukas ng ikalawang pinto ay tumambad sa kanila ang mga tao na tumatawid sa isang malawak na ilog ng tae na hanggang leeg ng mga taong nagsisitawid sa ilog.

Jose:  Yuck! Kadiri! Kaya pala ung kanta eh wag kang aalon! Ayoko dito!  Lipat tayo dun sa pangatlo…

Pagbukas nila ng ikatlong pinto ay nakita nila ang mga andun sa loob.  Hanggang tuhod lang ang tae at mukhang abala sa kanilang mga ginagawa ang mga andun.  Mayroong nagyoyosi, umiinom ng alak, nagkakape, kumakain, nakaupo, nag-uusap at kung anu-ano pa.

Demonyo: Oh ano Jose, nakapili ka na ba kung saan kang pinto tatambay?

Jose: Oo!  Dito na lang ako sa ikatlong pinto… mukhang mas OK dito!

Sabay pasok na si Jose sa kwarto at nanghingi ng kung anu-anong ginusto nito. Nagyosi, nagkape, at nakipag-kwentuhan at nakisalamuha sa halos lahat ng andun.  Pagkaraan ng mahigit 20 minuto ay lumabas ang isang malaking demonyo na may hawak na isang bell at megaphone, pinatunog ang bell ng malakas at sabay sigaw sa kanyang megaphone:

“OKAY! TAPOS NA ANG BREAKTIME… SISID NA!”

Saturday, June 7, 2008

Pilipinas kong mahal


mahal ang kotse at gas
mahal ang kilo ng bigas
mahal ang bayad sa katulong
mahal ang presyo ng talong


mahal ang pasahe sa dyip
mahal sa SOGO umidlip
mahal ang magpa-ospital
mahal ang gastos sa burial


mahal gamot ng maysakit
mahal ang bayad sa internet
mahal ang tuition sa iskul
mahal maligo sa swimming pool


mahal manood ng sine
mahal sa Starbucks mag-kape
mahal ang entrance sa Embassy
mahal ang sustento sa kulasisi


mahal ang beach sa Boracay
mahal ang pamasahe sa Paoay
mahal umorder ng tokwa at lugaw
mahal mag beerhouse sa Cubao


mahal orig na DVD
mahal ang plasma na TV
mahal ang unlimitext
mahal ang toll sa NLEX


mahal ang singil sa kuryente
mahal ang broadband ng ZTE
mahal mangampanya sa eleksyon
mahal ang gagastusin sa automation



sa Araw ng Kalayaan
na ipagdiriwang ng karamihan
sabi ng gobyernong hangal
motto: Pilipinas kong mahal


makikipagdiwang ka pa ba?
kung puro korupsyon ang nakikita
siguro dapat itanong sa bawat tao
ang Pilipinas kaya, mahal mo?