Tuesday, September 2, 2008
Ang lakad...
Habang ang karamihan ay nahumaling sa muling pagsasama-sama ng Eraserheads sa Taguig nung sabado, nag-gayak din ako ng lakad. Hindi upang manood sa konsyerto ng pinakasikat na banda sa buong Pilipinas, kundi upang pumunta sa paborito kong lugar na pinagtataguan. Sa tuwing magba-byahe ako papuntang Batangas, kakaiba lagi ang pakiramdam. Naiiwan ko ang mga problemang lagi na lang pumapalibot. Punyeta... halos buong buhay eh puro problema na lang yata ang sasalubong sa atin. Sa pagpasyal ko ulit sa amin sa Talisay, nag-iiba ang aura ng mukha ko, habang palapit ng palapit ang sinakyan kong pampasaherong dyip sa aming bahay. Ginabi na rin ako, may importante pa kasing nilakad nung sabado ng hapon.
Madilim ang kalsadang tutumbok sa pintuan ng bahay pagbaba ko sa harap ng eskwelahan. Kung sa Maynila ito, malamang matatakot ka sigurong dumaan dun. Iisipin mong may holdaper na nag-aabang at minamatyagan ka sa isang sulok. Pero sa Maynila yun, dito malamang may makasalubong ako na isa sa kapitbahay, kamag-anak, o kakilala ng pamilya na sabik na mangumusta. Ang sarap ng buhay pag ganun ang sumasalubong sayo at hindi patalim o kaya baril.
Wala pa rin naman pagbabago sa bahay, ang tiyo lang ang naabutan na nanonood ng telebisyon. Nagpasabi naman akong darating ako, medyo ginabi na nga lang. Nakaplano na talaga ang pagpasyal ko nung nakaraang linggo pa, kaya lang maraming inasikaso at medyo masama ang pakiramdam kaya hindi ko na rin itinuloy. Kinumusta ko ang tiyo na nung isang buwan lang ay nakagat ng aso ng kapatid ko na iniwan nila dun sa bahay nung bumalik siya sa Doha at ang pamilya niya ang bumalik sa Mandaluyong at doon ulit tumira. Maayos naman ang kalagayan niya, hindi naman napasama ang pagkagat sa kanya. Medyo nangayayat nga lang yung aso. Ang alam ko may anting-anting ang tiyo ko eh, baka niligtas siya nun, hehe.
Kinabukasan, ang aga kong nagising, alas singko, pero hindi mabigat ang pakiramdam. Doon lang ako nakakaranas ng maayos na gising kahit puyat. Nagkape sa terasa, nag-agahan, at pagkatapos naghalungkat ng mga gamit. Kaunting punas at linis, at ayos ng mga gamit. Ang aga pa, wala na akong gagawin. Makatambay nga muna sa mga pinsan ko sa may lawa.
Sinalubong agad ng pinsan at nagkumustahan pagdating ko sa tabi ng lawa. Mahina raw ang kita ngayon, walang gaanong turistang pumapasyal. Pero maswerte nung araw na yun may tatlo silang bisita na ihahatid sa pulo. Isang linggo na ang dumaan nakaka isang kustomer pa lang daw sila. Wala daw gaanong namamasyal ngayon sa bulkan, epekto yata ng giyera sa Mindanao. At umabot ang kwentuhan simula alas dyes hanggang alas tres. Dun na rin ako nagtanghalian, naubos ko pa rin ang inihanda kahit na mabibighani ka sa tanawin habang kumakain.
Sayang at matatapos ang araw na luluwas din ako. Kung pwede lang dun na mamalagi. Kung pwede lang dun na maghanap-buhay. Kung pwede lang dun na manirahan malayo sa mga problema at mga taong nakapalibot sa tinitirahan namin ngayon. Kung pwede lang. Kaso hinde pwede eh. Paggising ko bukas, puro TUPPERWARE na naman kaharap ko. Paggising ko tatambad na naman ang mga pasaway. Paglabas ko ng bahay, puro siraulong traysikel drayber at jeepney drayber na pinagkaitan ng Diyos na ngumiti. Puro reklamo sa lahat ng makasalubong mo. Puro usok na pumapatay sayo.
Di bale, kahit isang araw lang nakatikim din naman ako peace of mind. Yung iba nga dyan sampung taon nang namatay, eh hindi pa nakakatikim.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
korek... peace of mind kailangan... rest in peace ang kailangan... hehehe
ReplyDeletekmusta nmn ang alak hehe
ReplyDeletehahaha... Sakay... ang sarap pag tahimik no?
ReplyDeletearay! pinupulikat ako!!! hahaha...
Jean... ung Fundador dyan, nasa akin ngayon... yung iba hanggang tingin lang... :))
sayang wala ka kahapon, may nagsuntukan sa harap namin sa Wendy's...
kras yata si Bhennie...
ang diktador!!!!! bwahahaha!!!! may shield ka naman na eh!
ReplyDeletesiguro nga kuya baka natanggal yung nagsuntukan! kamusta naman yun! kakagulat!
WOW !!!.. daming hard...
ReplyDeleteparang narinig ko kahapon "kras ko yung kasama nung naka spike na buhok wag kang magulo..." ayun tapos nag suntukan na!
ReplyDeletehilutin ko gusto mo?
ReplyDeletetama masarap pag rest in peace hahahhaha
sayang sana d2 nlng kayo sa mcdo kumain
ReplyDeletemay Mcdo ba dyan Jean? dun sa may Union Bank nga ba yun??? oo nga ano?
ReplyDeletetupperware? diktador? kumusta naman yan!?
ReplyDeleteok naman sila... maganda yata ang gising ngayon... hahaha
ReplyDeleteaba! e d mabuti;))
ReplyDeletemagpaka high class ka n rin kasi,at least mega bonding kayo:P
hahahahahaha!!!
ang hirap pantayan ang pagka high class nila...
ReplyDeletekaya nga tupperware eh... ang hirap yata peke-in...
hahahaha!!!
ReplyDeleteuu baka mahalata,ma-custom ka pa:P
*pa-kiss kay amara my love ko,mwauh!*
bawal ang kiss kay amay...
ReplyDeleteinspection muna sa tatay =))
baka mamaya may virus
:)) gawan ng kwento! alam ko nagpustahan sila kung yung prada yung suot mo na polo :D
ReplyDeletehaha... hindi prada yun eh...
ReplyDeletemas mura ng konti yung suot ko =))
so sa iyo muna ganun b un*sipol*
ReplyDeleteayoko sa ama,baka kung ano mangyari,di na umabot halik kay amara my love ko:P
kelangan may Quality Control...
ReplyDeletepag below quality... reject...
*gumugulong sa tawa*
ReplyDeletemalamang bagsak ito,hahahahaha!!!!
hindi n b pweding i-quality control:P
depende... kung isang check lang kulang sa checklist pwede na siguro...
ReplyDeletehahahaha!
ReplyDeletewala,talo talo na to!
naku... mahina ang QA department ninyo!
ReplyDeletepag-igihin mabuti ang production...
wala,wala na kasing nagche-check nito e....
ReplyDeletewala na kung QA dept:P
naghahanap nga e:P
kaya nawalan din produksyon:P
pati sa gatas nawalan ng produkto,kaya mahina kita:P
baka may kakilala kang magaling sa quality control:P
ako nga... dating Head ng QC!
ReplyDeleteQC=Quezon City? hehehe... papam lang...
ReplyDeletehahaha ate ems! Quezon, Calauag yan...
ReplyDeleteate ems? aba at kailan pa yan ha? toinks ka donnieng cute...
ReplyDeletehahaha sabi ko na magre react eh... :))
ReplyDeletekelan ka pa natutong gumalang sa mas bata sayo? lolz
ReplyDelete:) pag ganyan ang lakad.. ok nga!!
ReplyDeletesalamat sa bitbit mo.. kaso hindi pa binibigay sa akin!
naku, baka kalahati na lang yun pagdating sa akin.. hehe
buo pa yun... nagpabili si gneth kaya di nya babawasan yun...
ReplyDeletehahahahaha... adik at di ko naman talaga babawasan pag hindi naman bigay sakin noh
ReplyDeleteandami na nung sayo noh gneth...
ReplyDeletejoke lang!! wahahaha!! :)
ReplyDeleteNice blog, parang gusto ko tuloy umuwi ng province. Sobrang stress sa manila!
ReplyDeletemasarap nga ung paminsan-minsan naghahanap ka ng tahimik na lugar...
ReplyDeletenakakagaan ng pakiramdam... sa province din naman ako nakatira kaya lang parang siyudad na rin ang itsura... mas gusto ko yung probinsiya talaga ang dating... yung tipong pagdating ng alas nwebe ng gabi ikaw na lang ang gising tapos nagpupuyat ka na ng lagay na yun... tsaka yung tahimik... pag maingay, mas lalo lang nakaka stress...
ako rin gusto kong umuwi sa probinsya kaya lang PAMPANGA ang probinsya ko nakakadagdag lng ng stress ang sigalot ngayong sa larangan ng PULITIKA... lahat gustong maghari.. lahat gustong umiksena.. lahat gustong maging bida na wari mo ay gustong maging bayani sa lalawigan.. nyeta!!!
ReplyDeletesarap buhay! papasyal pasyal na lang. hahahah...
ReplyDeleteAgree with you. tapos no TV as in muni-muni lang...
ReplyDeletenyeta talaga! andito ako sa Pampanga... =))
ReplyDeleteoy sarap buhay din dyan sa Subic...
ReplyDeletei-try nyo mag Pundakit kahit overnyt lang... dun kayo sa kabila ng ilog...
walang masyadong kuryente... sarap dun...
ui tlga? san un at pano pumunta dun? baka mahal naman ang bayad dun...
ReplyDeletesakay kayo ng mini bus yung dadaan ng san antonio... tapos 40 pesos yata ang tryk papuntang pundakit... tapos cottage cottage na lang kayo...
ReplyDeletemay falls dun pwedeng lakarin...
oic. thanks ah! mwahhzz! ^_^
ReplyDeletenakapunta nako jan pero d ako nag-beach kasi sinundo ko lng ung gelpren ko na nagka-allergy jan kasi nakagat daw ng insekto kaya nagpantal mga binti nya, sguro d lng sanay paa nya sa ganong kagat.. naka-pantalon pako nung magpunta dun dko alam tatawin pa pala ng maliit na ilog na magbabayad ka ng 5-10piso sa bangka.. pero ok jan... madaming surfer... Plorwaks, punta tayo jan nila Badong...
ReplyDeletehahaha si badong busy sa karir... dyan nga sa cubao hidni ako pinapansin nyan...
ReplyDeletepag may kasama ka sa trabaho na taga zambales, itanong mo sa kanila yung pundakit maganda dun... o kaya yung potipot island... yun ang pasyalan dun na medyo mura kesa sa loob ng Subic...
ReplyDeletehahahaha kaya nga bkit ko pa babawasan yung para kay donna? hanu ko timawa? ;D
ReplyDeletebaka kasi related ka kay GMA pati yung hindi kanya pilit inaangkin :))
ReplyDeletenice! thanks for the advise koyah! heheheh...
ReplyDeletenice blog kuya duni...
ReplyDeletesalamats @ suyin... :-)
ReplyDeletemadamdamin ang naisulat...
ReplyDeletenakakaaliw basahin kahit na may kaunting pagkalalim...
masarap umuwi sa probinsya lalo pa't katulad ng batangas na amoy kapeng barako.. yung ang masarap.
ReplyDeleteubos na ang kapeng barako...
ReplyDeletedapat nagpabili ka... yung iba nagpabili eh...
mahal pala yun... akala ko mura lang =))
200 2kgs?
ReplyDeletenakabili ako dati jan pinagiling ko.. masarap pag di lagyan ng asukal.
2 kilo? ikaw na lang bumili :-P
ReplyDeletepero kung wala akong masyadong bitbit pwede...
tanong mo kay Gneth kung gaano kadami ang bitbit ko =))
binigyan ka niya ng kape?
ReplyDeletepenge ako ha?!! magdala ka sa bahay.. :)
bilin po eh... matagal na... nakalimutan lang nung huling uwi... ;))
ReplyDeleteduni natouched ako dito, many times ko din kase nararamdaman yan eh pag umuuwi ako ng batangas. haaaaay sana dun na lang din ako pero nde pede.. pero sa case mu duni ikaw naman ang lalaki so bakit di pede?
ReplyDeletehay naku... mahirap magsalita... my lips are sealed sometimes :))
ReplyDeletepero nag-iisip ako ng paraan para makaalis dito... magtatayo daw ng BPO sa Batangas... nilalakad ni Gov Vi... or naghahanap ako ng pagkakataon pa...
ayaw mu na jan sa place mu?? bat naman kuya duni?? why naman?? :)
ReplyDeleteayoko dito... kahit kelan hindi pa ako tumatama sa jueteng eh!
ReplyDeletetaena! un un eh! :)) pag nanalo ka kuya duni pa cheese burger ka naman jan! wahahahahahahaha
ReplyDeletenaku hindi mangyayari yang chizburger na yan...
ReplyDeletehindi pa nga ako tumatama eh...