Tuesday, September 23, 2008

Bangsamoro nga kaya?


Iniisip ko na masyadong nahuhuli na yata upang maglabas pa ng sariling kuro-kuro tungkol sa isyu ng Bangsamoro Juridical Entity.  Pero sa isang usaping tumatalakay, nagbibigay ng kakaibang reaksyon, kaguluhan, at matinding interes para sa kapakanang pambansa, walang masasabing huli o maagang pagbabalangkas.  Ang anumang kuro-kuro ay mapapakinabangan, lalo na isang napaka-sensitibong isyu na bumabalot ngayon at maaaring magdulot ng masamang epekto sa kapalaran ng ating bansa.

Nasabi na rin lahat ng mga taong may kinalaman o kahit ng mga nababahalang Pilipino ang kani-kanilang saloobin tungkol sa usaping Bangsamoro, pero habang hindi malinaw ang isyu tungkol dito, patuloy itong sisitahin at uusisain ng madlang bayan, sa ayaw man at sa gusto natin.

Hindi ko rin siguro kailangan pang ipaliwanag kung ano ang BJE at kung ano ang magiging epekto nito.  Kung kayo ay wala pang ideya tungkol dito, bilang isang responsableng mamamayan ng Pilipinas, ikaw ay may obligasyon na alamin ang mga detalye nito, lalo na kung ang mga magiging desisyon tungkol dito ay magpapabago sa kasaysayan ng ating bansa.

Tutol ba ako sa BJE?

HINDI ako tutol, pero hindi yun ang katapusan ng saloobin ko. 

Hindi ako tutol sa pagbabalak ng mga Moro na itaguyod ang pansariling pamamahala.  Sa halos limandaang taon na pagpapabaya ng lahat ng nanakop at nanungkulan sa pamahalaang itinaguyod dito sa Pilipinas, walang tunay na nagmalasakit para sa kapakanan ng mga Moro. Kastila, Amerikano, Hapon, at kahit mismong mga Pilipinong namuno ay hindi binigyan ng importansya ang mga kababayan natin sa Mindanao.  Ito sa tingin ko ay isang sapat na rason upang bigyang laya ang sarili sa pagkaka-api.  Halos katulad din ito sa sitwasyon sa isang pamilyang nagsisimulang magkawatak-watak.  Kung ikaw mismo ay ayaw kupkupin ng mga taong dapat na pangangalagaan ka, hindi  mo na sigurong kailangan pang ipagsiksikan ang sarili mo sa kanila.  Sa ganitong punto ako sumasang-ayon kung sakaling payagan ang mga Moro na magsarili.

Sa punto rin ng kasaysayan ng Pilipinas, sinasabi nila na kailanman ay hindi sila nasupil noong panahon ng pananakop ng Kastila.  Naitaguyod nila ang ipinagmamalaki nilang kaharian ng Sultan ng Sulu bago pa man dumating ang mga Kastila.  NGUNIT dito ako magkakaroon ng kaunting di pagkaka-ayon.  Usisain din natin ang kasaysayan.  Bago pa naitaguyod ang kaharian ng Sultan sa Sulu, ang mga LUMAD ang unang naninirahan sa isla ng Mindanao.  Kung usapang "Ancestral Domain" lang naman, di hamak na mas may karapatan ang mga lumad kaysa sa mga Moro na umangkin sa kaninu-ninuang lupain.  Tandaan natin na ang mga lumad ang naninirahan sa kabuuan ng Mindanao, bago pa man dumating at magkaroon ng kaharian at itaguyod ang Islam dito.  At tandaan din natin na napilitang lisanin ang naitaguyod na komunidad at manirahan sa mga bulubundukin ang mga lumad upang maiwasan ang pagkaubos ng kanilang lahi.  Ang mga lumad ay hindi mga orihinal na Muslim, kung susundin natin ang kahulugan ng salitang Moro na nangangahulugang Muslim.  Ang mga lumad ay hindi mga Moro, ngunit halos parehas din ang kapalaran nila.  Pinilit na sakupin ngunit hindi nagtagumpay, at hanggang sa huli ay patuloy na ipinapagsa-walang bahala ng sinumang namumuno sa lipunan, sa ngalan ng kaunlaran.  Samakatuwid, hindi dapat isinama sa usapin ng Bangsamoro ang magiging kahihinatnan ng mga lumad.  Kung gagamitin ulit ang isyu ng “Indigenous People” sa usapang Bangsamoro, malinaw sa kahulugan ng salitang “Indigenous” na ito ay nagpapatungkol sa mga sinauna, aboriginal, at katutubo.  Hindi dito kailanman nabanggit ang mga taong nanggaling sa ibang lugar kahit na ito pa ay nagtaguyod at napanatili ang kanilang kultura sa lugar na napuntahan nila.

Sa usaping kaharian ng Sultan ng Sulu, ito ay isang bahagi na lamang ng nakalipas.  Wala nang nakakaalam at nakakadama ng kahariang ito kundi sa mga libro na lamang ng kasaysayan.  Ang paggigiit ng kaharian ng Sultan ng Sulu sa kasalukuyan ay maihahalintulad ng patuloy na panghihimasok at pagpupumilit na pag-a-angkin ng Tsina sa bansang Tibet.  Ang nakaraan ay lipas na, hindi na kailanman pa maibabalik.

Ang isang hindi ko pa nagugustuhan ay kung bakit pilit na nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front.  At kung bakit din tinatangkilik ang mungkahi ng MILF para sa paghiwalay ng Bangsamoro sa Pilipinas.  Tandaan natin na ang MILF ay itinaguyod lamang upang maghasik ng lagim sa bansang Pilipinas.  Ang hangaring pagpapalaya ay isang pagbabalat-kayo lamang ng samahang itinatag ni Hashim Salamat, sa hindi natin malaman na dahilan.  Si Hashim ay humiwalay sa grupong Moro National Liberation Front(MNLF) na nagsusulong ng pansariling pagpapalaya sa ngalan ng kapayapaan at matiwasay na pag-uusap.  Ang MNLF ang tanging samahan na tanging kinikilala ng OIC(Organization of Islamic Conference) upang makipagkasunduan sa pamahalaan tungkol sa kapakanan ng mga Muslim sa Mindanao, samantalang ang MILF ay nagsisilbing terorista sa mata ng buong mundo hindi lamang ng Pilipino.  Ang MILF, kasama ng AL QAEDA at ng ABU SAYYAF, ang patuloy na nagpapatunay na walang ibang hangarin ang mga nasa likuran ng samahang ito kundi ipalaganap ang Islam sa pamamagitan ng karahasan.  Heto at may nagsusulong ng mga kapakanan ng mga tumatangkilik ng Islam sa mapayapang paraan tulad ng MNLF ngunit patuloy pa rin nakikisawsaw sa isyu ang ibang samahang halang ang kaluluwa at walang habas na naghahasik ng lagim hindi lang sa mga Kristiyano pati na rin sa kapatid nilang Muslim.

Ano nga ba ang tunay na isinusulong ng MILF?   At sino ang tunay na makikinabang?  Bangsamoro nga kaya?  Ang relihiyong Islam?  Ang kaharian ng Saudi?  O pati kaya ang Malaysia?

Kung ninanais ng mga Muslim ng otonomiya o ang pansariling pamamahala, hindi ko ito tututulan.  Marahil ito ang magiging ugat ng kapayapaan sa buong bansa, at pag-unlad ng mga bayan at mga lugar na pinabayaan ng pamahalaan sa loob ng maraming taon.  Maaari ding kabaligtaran ang mangyari.

Kung anu pa man ang magiging kahihinatnan ng isyu ng bangsamoro, mananatili pa ring basag ang relasyon ng mga Kristiyano at Muslim dito sa Pilipinas.  Mananaig pa rin ang dikta ng relihiyon para sa kapakanan ng kanya-kanyang grupo.  Pagbubuklurin pa rin ng pulitika at kultura ang bansa.  Pag-aalipusta pa rin ang pangunahing tingin sa isa't-isa.  Parang tubig at langis, mahirap paghaluin.

Hindi ako tutol sa pagsasarili ng mga Moro.  Pero dapat malinaw kung tunay na kalayaan ang isusulong nito, kung sino ang tamang magsusulong nito, at ang mga tunay na makikinabang nito.


65 comments:

  1. uu hehehe
    nasa internet shop lang ako paout na din mga 15 mins pa
    naman yung laptop ko tol ayaw na ma-on haha nagsurrender

    ReplyDelete
  2. haha naku lagot. wala na tayong paglalaruan ulit hahaha

    ReplyDelete
  3. i have no idea whats going on out there about this issue.
    naririrnig ko na eto noon pa...katulad ng sabi mo hindi rin ako tutol
    sa pagsasarili nila kung maganda at maayos ang patutunguhan.

    ReplyDelete
  4. Ed... mabigat ang isyu ng bangsamoro... ito ay concern hindi lang ng gobyerno natin kundi pati ang mga bansang nakapaligid sa atin at pati na rin tayong mga simpleng mamamayan... ang hinihingi ng mga Moro na "right of self-determination" ay hindi ganun kadaling pag-usapan... ang bansa ang nakataya dito... kung matutuloy ito mabubura sa mapa ng Pilipinas ang Mindanao... kung hindi naman, patuloy pa rin magiging palalo ang kalagayan ng mga nasa Mindanao... may mga puntos at kontra-puntos ang bawat panig(ang nagsusulong at tumututol)...

    ReplyDelete
  5. i think this more on political issue, right?
    ano ba ang maitutulong ng mga simpleng mamayan?

    ReplyDelete
  6. nung kameeting namin ang mga obispo ng mga naapektuhang lugar,
    naitanong yan ng isa sa amin... haruuu ang sagot ano???

    relief good hehe... disaster management... tsk...

    hays sobrang masalimuot ang pangyayari sana may political will ang ating pamahalaan. na kahit maglakad pa ang sumilao farmers mula bukidnon to manila, eh napatunayang wala talagang pag-asa na magkabuto ang mga pulitikong ito, lahat sila me kanya kanyang interes.

    ReplyDelete
  7. this is a political issue on sovereignty...
    whatever decisions made on this Peace Talks will have enormous effect on territorial, economical, and even political aspects within the country. this is an issue wherein there is a need for the people to be very vocal on their stand. this is an issue that we should carefully watch so that no loathsome politician will pursue HER self-interest using the Bangsamoro issue.

    ReplyDelete
  8. i say on this way...th thing is
    makikinig sila pero hanggang doon lang yon sa palagay ko.
    marami dyan mag kakainteres sa pang sariling kapakanan.
    i feel sorry for them sa mga nakatira sa mindanao.

    ReplyDelete
  9. kaya importanteng mag-usisa ang bawat Pilipino sa isyung ito, Ed...
    lalo na sa gobierno natin ngaun... baka bukas paggising natin naibenta na pala ang buong Pilipinas sa mga dayuhan... katulad ng pagbenta ng Spratlys sa Tsina at parte ng Mindanao sa mga Amerikano...

    ReplyDelete
  10. Mabigat ang iyong isinatitik na damdamin comrade...

    ReplyDelete
  11. sa may isang banda tama ka.. pero halos lahat ng sinabi mo.. medyo mali..

    una.. ang MILF nagrebelde sa ARMM.. na pinamumunuan ni nur misuari.. kay misuari lang sya nagrebelde talaga.. kung nangkaroon man ng malaking kaguluhan.. un ay dahil sa kurapsyon. na sila sila lang din ang gumawa.

    pangalawa. Kung BJE lang ang issue dito.. hindi yan masyadong problema.. ang problema talaga ay ung mga tao.. kung balak nilang palakihin ang sinasakupan nilang ARMM.. sana naitataguyod nilang mabuti ang ARMM ngayon.. hindi maganda ang nangyayari sa ARMM ngayon. kaya ang mga tao sa ARMM umaalis na dun.. ung teacher nga nila hindi pinapasahod.

    Pangatlo.. hindi mo alam kung paano nabuo ang ARMM.. kung ano ang mga bilaws nito. Kung ang mga muslim nga dito sa zamboanga ayaw nila sa BJE. kasi alam nila mismo kung ano ang mga ugali meron ang namumuno sa BJE

    pangapat.. gusto ni gloria yan.. kasi pagnayari ang inclusion.. mapipilitan ang bansa na magbago ng constitution.. bonding ata ang tawag dun. so malamang ma eextend ang termino ni gloria

    yan ang hindi mo alam.. baka alam mo nakalimutan mo lang sabihin

    ReplyDelete
  12. ang MILF ay kumalas sa MNLF,
    gusto kasi nilang puliduhin ang linya bilang Islamic
    at hindi basta Nationalist stand
    na para sa EXTREMIST na muslim,
    ay baog na ideolohiya.

    ang ARMM ay nabuo in consequence sa mga paguusap na naganap
    sa pagitan ng pamahalaan, ng MNLF, at internasyunal na mga grupo.

    ang kurapsyon sa ARMM hindi ko alam,
    pero ang kurapsyon na nagaganap sa pangkalahatan
    kahit nasa ARMM pa ang mga lugar na ito
    o nasa ilalim ng pambansang pangangalaga,
    yan ang tiyak ko hehehe

    ReplyDelete
  13. ang nagsulong ng BJE eh TAO din naman hehehe,
    kaya problema ang BJE dahil sa mga taong nagsulong nito,
    sinama nila ang mga bayang hindi naman kasama sa nais pasakop sa ARMM,
    na napatunayan na ng dalawang plebisitong naganap.

    hindi ko din masabing ganun ang ARMM,
    may mga kaibigan akong Moro na tiyak naman akong hindi nagsisinungaling,
    may ilan talaga sa kanila na tunay ang adhikang humiwalay na,
    mapapunta man sila sa ARMM o sa pambansang pamamahala nga,
    makakaranas at makakaranas sila ng exploitation.

    siguro maghintay muna sila hanggat isilang ang mga tunay na rebolusyonaryong
    magsusulong ng mga karapatan nila imbes na gamitin lamang sila ng paulit ulit,

    ang masama ngayon, hindi lang dayuhan ang nanggagamit sa kapwa Pilipino.
    pilipino laban sa pilipino na rin ang gaguhan ngayon. tsk tsk.

    di bale pag lumawak ang P, hehehe :D (haruuuuuuuuuu)

    ReplyDelete
  14. teka nag iigib ako ng tubig... sira ang jetmatic namin...
    maaring hindi tama ang ibang sinabi ko pero hindi ako mali...

    ReplyDelete
  15. mali ang pananaw mo na hindi alam ni kasamang plorwaks ang pagkakabuo ng ARMM, hehe, malamang hindi lang siguro namin hinimay ang bylaws nito pero i assure you kasama bago kami magutot ng mga opinyon namin, sandamakmak na babasahin at opinyon mula sa kapatid na muslim at kristiyano, at mismong MI pa hehe at mga obispong naruon ang aming napakinggan.

    ayaw nila sa BJE o mapasakop sa ARMM, dahil minority naman talaga ang muslim sa zamboanga. naruon ang katedral, naruon din ang ateneo hehe. di na yun bansangmoro kung titignan sa kasalukuyang kondisyon. ang mga muslim na naruon ay yung tinatawag nang assimilated na muslim.

    hindi sapat na tirahin ang ugali ng mga namumuno sa BJE para ipawalang bisa din ang istorikal na kasaysayang kanilang kiniclaim, yet still in recognizing their claim, hindi ko din sinasabing tama ang BJE, dahil dapat ngang makibagay na sila kung ano na ang kasalukuyang kondisyon meron sa mindanao.

    art of meeting halfway.

    ang patuloy na paninira sa kung ano mang panig gaya ng ginagawa mo ay makakasira sa usapin ng paghahanap ng mapayapang kasunduan. nakakadagdag ito ng sugat.

    ReplyDelete
  16. unang punto... ang MILF ang nagrebelde sa ARMM... tama ka dito...

    unahin natin ang ikatlong punto... hindi ko alam kung bakit nabuo ang ARMM? 1997 peace agreement sa pagitan ng GRP at MNLF at nagkaroon ng plebisito, kaya may ARMM... ang unang gobernador ay si Nur Misuari...

    magkadugtong ang una at ikatlong isyu... kung may peace agreement na at may nagrebeldeng MILF, sino ngayon ang hindi sumunod sa napagkasunduan? ang punto ko ay ganito... hindi naman ikaw ang kausap ng gobyerno sa negosasyon, bakit gagamitin mo ang kaguluhan para maipakita mo ang punto mo? papasok na ngayon tayo sa BJE ulit... sasakupin nito ang ARMM ngayon... eh di magiging null and void ang peace agreement noong 1997?

    kung may isyu ng korapsyon sa ARMM, secession na lang ba ang tanging paraan? so kung may korapsyon sa Metro Manila, pwede rin pala naming sabihin sa Batangas na hihiwalay na rin kami...

    pangalawang punto... ang BJE... historical facts ang pinagbasehan ng territorial claims para sa Ancestral Domain... sinasabi nito na ang Sultanate of Sulu ang magiging basehan ng Bangsamoro... inuulit ko lang, wala pang Sultanate of Sulu may mga Lumad na sa Mindanao... ang punto ko ulit, bakit isinama ang claim ng mga TUNAY na indigenous people ng Mindanao? dapat ihiwalay ang Ancestral Domain ng mga IP sa Bangsamoro... na gets mo na ako?

    pang-apat... ang isyu ni gloria ay hiwalay para sa akin... survival instinct na ni gloria yan na ituloy ang BJE para sa charter change... hindi ko na tinalakay ang isyu ng charter change dahil mas hahaba lang ang magiging saloobin ko... baka sabihin mo hindi ko pa rin alam... eh ikaw alam mo ba na tatakbong congresswoman si gloria sa pampanga pag hindi natuloy ang charter change? gusto mo sabihin ko pa sayo ang distrito kung saan nagpapatayo siya ng mansyon...

    ang punto ko lang sa BJE, walang masama sa binabalak na "right of self-determination" ng mga Moro... 500 taon na pagpapabaya hindi pa ba sapat yan para bigyan ng sariling laya ang mga taong ito?

    pero syempre ang kailangan ay yung mga TAMANG probisyon at yung nasasaad na aayon sa pangkasalukuyang konstitusyon...

    ang MOA AD ba ay sumusunod sa alituntunin at mga probisyon ng ginagamit nating konstitusyon ngayon?

    pasensya na yan lang ang alam ko...

    ReplyDelete
  17. Siguro paggamit lang ng mga salita ang problema sa usapan ninyo... paalala lamang sa lahat na dito sa internet walang EMOSYON ang ating mga post kaya mag-ingat sa mga salitang gagamitin... hindi ko maramdaman kung totoong nagagalit o nang-iinsulto ang isang post... hindi tulad ng kaharap ko ang aking kausap...

    Ngunit dahil "open minded" kayong lahat alam ko na hindi mauuwi sa kung sino ang tama o sino ang mali sa usapang ito...

    Simpleng maglahad ng inyong Pananaw at hayaang ang mga taga-basa ang humusga sa inyong mga sinasabi... sa talakayang ito isang kalabisan na sabihing ako o ikaw ay mali o tama... lahat tayo ay nagpapahayag at walang may monopolya ng Tama at Mali...

    Game... tuloy ang palitan ng kuro-kuro... magandang topic ito... huwag sanang mauwi sa "pagalingan"

    ReplyDelete
  18. hahaha game na ako... lintek na poso yan...
    kanina pa ako pagod sa mga pumping scenes ko!

    ReplyDelete
  19. hmm.. nagmamasid.. nagbabasa.. at nagmamasid pa rin..

    ReplyDelete
  20. sana kanina ka nagmasid... andami kong pumping scenes...

    ReplyDelete
  21. hahaha...! pawisan ka na malamang.. anu ba.?! kulet.. hehehe...!

    ReplyDelete
  22. siguro comrade magandang maimbita ang nagcomment sa itaas na makipag-kape sa atin nang malaman niyang alam ng ating comrade ang kanyang sinasabi. muntik ako mahayblad buti na lang nagpaalala ka.

    ReplyDelete
  23. Subukan ko Comrade... ngunit wala ata siya dito sa Manila eh...

    Alam mo Comrade ganito talaga kasalimuot ang isyu na ito... at ang mga taga-Mindanao ay sobrang apektado talaga... nauunawaan ko ang kanilang mga damdamin...

    ReplyDelete
  24. FYI alam mo ba kung paano na buo ang ARMM

    ReplyDelete
  25. oo nga eh... busy pa naman ako kanina sa pag-iigib...

    hindi ko naman sinabing tama ako sa opinyon... ang sinasabi ko lang eh may punto ang BJE, pero may mali pa rin sa pagsusulong nito...

    hindi siguro naintindihan ang last 3 paragraphs ko... simpleng tagalog lang naman yun eh...

    ReplyDelete
  26. may mali ako inaamin ko...
    mali ang date na nailagay ko!
    dapat pala 1989, 1997 pala ay birthday ng aking anak hahaha...

    ReplyDelete
  27. dito kasi sa zamboanga ganyan ang talagang lumalabas... ayaw nila sa inclusion. gusto ng peace wag lang inclusion kasi alam ng mga taga zamboanga ang mga pakay ng mga yan. I highly respect muslim.. karamihan sa kanila ayaw pa tawag na moro.. iba kasi ang pagkakaintindi nila sa salitang moro.. nakaka bastos un.. ako kasi personal kong kilala ang bumuo ng bylaws ng ARMM.. kaya may idea ako.. half muslim ako.. kaya alam ko ang saloobin ng mga taga rito tungkol sa BJE.. May mga personal agenda yang mga yan

    ReplyDelete
  28. hindi naman pala nalalayo sa kaisipan ng ilang Punyal member ang inyong pinaninindigan diyan...

    Sa magandang usapan malalaman natin na hindi tayo magkakalaban... magkakatulungan pa nga...

    ReplyDelete
  29. ayaw pala nilang tawagin silang Moro eh bakit ang konsepto ng BJE ay nagsa summarize sa Bangsamoro People at Bangsamoro Territory?

    hindi ko sinabing gusto ko ang BJE para sa lahat... ang sinasabi ko lang ay kung ito nasa tamang probisyon... pilit kong ipinaliwanag ng maigsi dahil mahaba talaga itong isyu na toh...

    hindi ko sinabi na suporta ako sa BJE mismo kundi ang konsepto ng "right of self-determination" na pangunahing adhikain ng nagsusulong nito. Ayaw ko lang sa iba pang probisyon ng MOA, ang paraan ng pagsulong nito at ang mga tao na nasa likod ng pagsusulong nito...

    ReplyDelete
  30. sana naintindihan na ako... kung hindi pa:

    please read the last three paragraphs again and again ;))

    ReplyDelete
  31. natutuwa ako sa palitan... pareho ng gustong sabihin ngunit hindi magtagpo ang mga binibitiwang mga pangungusap...

    Nagkaka-isa kayo... pareho kayong naniniwala na ginagamit ng Malakanyang ang MOA para sa pagpapalawig ng termino ni Gloria...

    ReplyDelete
  32. ang punta talaga ng MOA ay charter change... pero bakit in-entertain ang demands ng MILF? inuulit ko DEMANDS ito dahil hindi ito request... kung REQUEST ito wala sanang gulo sa Mindanao kung sakaling hindi maibigay ang request... kung ikaw ay humingi ng REQUEST magwawala ka ba kapag hindi iyon ibinigay? kung ikaw ay nagde DEMAND mananahimik ka na lang ba kung hindi ito payagan?

    oo, ibinasura na po ang MOA at may nagsasabing hindi na ito isyu ginagawa pa ulit na isyu... ang masasabi ko lang:

    MAY GINTO SA BASURA...

    darating ang araw may makakapulot ng ginto sa basura, lilinisin ito hanggang bumalik ulit ang dating kinang nito, at ito ulit ay idi-display...

    ReplyDelete
  33. hanggang ngayon.. naghahanap pa rin ako..

    ReplyDelete
  34. depende kasi yan kung anong tingin mo sa basura...
    baka basura pa rin ang tingin mo sa kanila pero sa iba ginto na yan...

    ReplyDelete
  35. The Moro Islamic Liberation Front was first centred around the Moro National Liberation Front (MNLF, formed in the late 1960s following the violent Jabidah Massacre). The group demanded the formation of an independent Moro Islamic state and took part in terrorist attacks and assassinations to promote their ideas. The central government rejected this demand and sent troops into Moroland to maintain order. The MILF was formed in 1981 when Salamat Hashem and his followers split from the MNLF, due to the MNLF's reluctance to launch an insurgency against the Philippine government forces and movements towards a peace agreement.

    The MILF is, foremost, a separatist group. It's aim is terroristic in the sense that it's primary option after a failed negotiation is to instill fear to all with the use of arms and violence. It's fanatic virtues of spreading islam with the use of force is barbaric and inhumane. MILF was created in the 80's and the ARMM in the 90's, so it is not with the ARMM that they were in conflict. They have been in conflict with the entire Philippine archipelago way before there was ARMM.

    ReplyDelete
  36. The Lumad is a term being used to denote a group of indigenous peoples of the southern Philippines. It is a Cebuano term meaning "native" or "indigenous". The term is short for katawhang lumad (literally "indigenous peoples"), the autonym officially adopted by the delegates of the Lumad Mindanaw Peoples Federation (LMPF) founding assembly in June 26, 1986 at the Guadalupe Formation Center, Balindog, Kidapawan, Cotabato, Philippines. It is the self-ascription and collective identity of the non-Islamized indigenous peoples of Mindanao.

    ReplyDelete
  37. The Lumads or the Indigenous People of Mindanao have existed before Islam came to convert them... so like the Christians of the later centuries... the Muslim also came and took control some part of Mindanao via Religious Conversion... and if we will read history we will discover that Religious Conversion of those times are not peaceful as how it is done in the present... it is barbaric... even the Christian Crusades is not very Christian... it is BARBARIC...

    This is also one of my arguments when it comes to the "historic" claim of the Muslims over their "supposed" ancestral lands... History did not stay stagnant... conquerors and oppressors have come and go... leaving a very different Mindanao to what it is in the 11th or 12th or 13th century... and if they claim that "settlers came and steal their lands from them then they must go back to history before Islam came to Mindanao... they did not came just to convert... they came to expand their territory via conversion and or through the might of their swords...

    I hope they would agree to go back to the peace negotiation... but this time let those who are the TRUE representatives of the LUMADS... the MUSLIMS... and Christians TALK... enough of the fake negotiation being held by a fake President and an armed group claiming to represent the Muslim people of Mindanao...

    ReplyDelete
  38. opo alam ko naman po, di nga lang gaya mo na may personal na kakilala.

    ReplyDelete
  39. bro sa blog ko na may link sa ibaba, ganun ang ibig ko sabihin,
    talaga namang may personal agenda ang lahat. kahit nga siguro kaming
    nasa manila kaya ayaw humiwalay dahil may naiisip na agenda hehe.

    ang oil ng cotabato, maaring pambayad utang ng pilipinas.

    bawat tao may paghuhugutan ng agenda, di pwedeng wala,
    depende lang sa level... how greedy some are and how fair others are.

    ReplyDelete
  40. hehe tinawag na lang na Bangsamoro for historical cohesiveness

    ayaw nila patawag na Moro kasi ito ang tinawag ng mga Espanyol
    sa mga Muslim, bansag lang ito ng banyaga, kaya nakakahiya.

    Moors ang tawag sa mga Turks na nakalaban ng mga Espanyol,
    bago makasalubong ang mga Muslim ng Mindanao, tinawag na din nila itong
    Moro... (bansa is malasian term for nation)

    ReplyDelete
  41. pero thanks pala sa invite darren ngayon lang ako nagbukas eh,
    at naisip mo akong iinvite hehe, salamats at sibilisadong palitan lang tayo ah
    ng mga kuro kuro at opinyon, gaya ng sinabi ni kasamang sakay hindi naman
    nagkakalayo ang ating opinyon, nasa paraan lamang ng paglalahad.

    ReplyDelete
  42. may bagong labas na video si umbra kato, tapos magulo pa rin sa central Mindanao... masasabi bang patay na ang isyu?

    ReplyDelete
  43. pa byu naman ng video...baka may site ka dyan?

    ReplyDelete
  44. wala eh... hanapin mo sa news... sa gmanews.tv yata meron... napanood ko lang sa balita kagabi eh...

    ReplyDelete
  45. ok....thx sa info:)
    may nasagap din akong news,tungkol dyan sa lay out mo:P

    ReplyDelete
  46. Off Topic ako... Lex ang Pumatay kay Che Guevara ay si Felix Rodriguez isang CIA agent... considered na si Felix (hindi Fidel) ang pumatay kay Che kasi siya ang nag-utos kay Mario Teran (Bolivian) na barilin si Che Guevara...

    ReplyDelete
  47. Off topic pa rin.

    ayun sa mga cuban communities..ang duda nilang lahat ay utos ni castro ang pagpatay kay fidel..

    ReplyDelete
  48. Off Topic ulit ito... pero dadalahin ko sa PM ang usapan namin na ito... yung mga gustong sumali magpadala na lang ng PM sa akin...

    May mga ganyang usapan na nuon pa Lex... dahil ipinalalabas nuon na ang leadership "RAW" ni Fidel ay "threatened by the charismatic figure of Che"... pero malabo ito kung ang pagbabasihan ay ang mga palitan ng liham nilang dalawa (Che at Fidel)...

    ReplyDelete
  49. mali pala hindi pala utos...sya ang dahilan ng pagkamatay:)

    ReplyDelete
  50. hehehehe
    si fidel at si castro ay iisa,
    typo error. :D

    ReplyDelete
  51. uu nga noh..dala ata ng soi mai to..o gutom,hahahaha!!!

    ReplyDelete
  52. si Lexie may short "Che Guevara Seminar" na nakukuha sa PM... hahahaha...

    ano ba yan... Off Topic na talaga...

    Sino man ang makakuha nung Video footage nung kay Umbra Kata magandang lagyan ng link dito...

    ReplyDelete
  53. sabi ni plorwaks sa gmanews daw..di ko naman mahanap=(

    ReplyDelete
  54. sori... baka hindi nila inilabas sa website...
    pero napanood ko yung video ni umbra kato... dated september 23 pa nga eh...

    ReplyDelete
  55. anong sabi niya? tama ba yung narinig ko na gyera na lang daw ang solusyon?

    ReplyDelete
  56. extremist kasi talaga siya
    sabi ng isang obispo dun
    wala pa ang balita tungkol sa BJE
    months ago pa nakacircle na sila ready to pounce

    gusto kong unawain na daang taon naman kasi silang naghintay
    tapos biglang naudlot lang
    pero hindi ko maunawaan ang pagkauhaw sa dugo...

    kahit ng mga nilalang na wala namang direktang utang sa kanila...

    si gloring na lang ang gerahin nila, tutulong pa ako sa kanila heheh

    ReplyDelete