Saturday, September 6, 2008

Pagbabalik-tanaw...[kasalanan ni Badong]


Bukas, nakaka-dalawang taon na pala ako kung tutuusin. Pagtingin ko kanina sa site ko, September 7 nung 2006 pala ako nakagawa ng account dito. Ang bilis pala talaga ng panahon, akala ko kahapon lang yun. Matagal-tagal na rin pala akong namemerwisyo at nakikipagkulitan. At dahil wala rin lang naman akong magawa dahil hindi maayos na gumagana ang utak ko ngayon, pagbigyan nyo muna akong magbalik-tanaw at alalahanin ang dalawang taong makulay(o magulo) na buhay ko sa Multiply...

ANG MAY PAKANA

Si Badong! Si Badong na may malay! Si TRUEASIATIK na halos apat na taon ko na rin kakilala nung panahon na yun. Siya ang nagpumilit na gumawa kami ng multiply account, at alam nyo kung bakit? Para lang magpalitan ng MP3. Dahil noon kahit wala kang account basta naka for everyone ang music list mo eh pwedeng i-download. Palibhasa eh mga adik sa musika, lalo na yung pang hiphop at RNB na kabisadong-kabisado ni Badong, ayun, at dun na lang naghingian ng mga kanta. Lagi akong nanghihingi ng remix na CD kay Badong, ayaw naman mamigay. May nakuha ako sa kanya, kaso nga lang isang taon nang laos yung kanta nung nakuha ko ang CD.

BAKIT PLORWAKS?

Hehehe... eto na naman tayo. Ewan ko ba kasi, yun na ang tawag nila sa akin simula't sapul pa sa Opismeyts. Kesa naman gumawa ako ng ibang pangalan na account(gusto ko sana ladiesman217, kaso ang layo ng itsura ko kay Shia LaBeouf), eh di dun na lang sa alam kong madali nilang makikilala at matatandaan. Tutal ginawa na rin naman first name ni Badong sakin yun eh.

ANG SIMULA

Nung una, mas marami pa ang MP3 kesa sa blogs, videos, pictures, reviews, links, at wala pang guest book. Nagbubukas lang talaga dahil sa MP3. Naging kaugalian na sa multiply mag download kapag hindi umubra ang unang paraan, ang file transfer sa Yahoo Messenger. Hala, sige, upload. Download. Upload ulit. Download. Instant, may MP3 ka kaagad, isang mensahe lang sa messenger, at pwede mo pang iwanan sa account mo na kahit mag log-out ka eh mada-download din naman ng nanghihingi. Palagay ko yan din ang pangunahing dahilan kung bakit pinagbawalan na ang pagda-download ngayon ng music sa multiply. Kasalanan din kaya ni Badong?

Unti-unti, nagkalaman ang multiply. Nakakabagot din naman yung puro MP3 lang. Nag-umpisa sa kaunting blog, review, links, upload ng pictures, at tumambay sa multiply ni Badong na puro sexcapades ang nakalagay sa blog. Lintek, binitin lang ako sa istorya ni Tita Malou, natapos ba yun? Tsaka yung babae sa dorm, kumusta na kaya siya? Nagre-review pa kaya siya?

ANG KINALAUNAN

Kwela ang dating karamihan ng mga post ko. Puro kalokohan daw sabi ni Badong. Ayaw niya kasi mag-share ng mga document files nya ng mga sexcapades, ipo-post ko sana eh. So, kelangan mag-improvise. Mula sa mga nakakalap na balita, mga larawan, at kung ano pang nauuso, pinilit ginawan ng kwento upang malibang(o magoyo) ang mga mahilig mamasyal. Nakakatuwa na naging turning point yata ng multiply site ko eh doon sa DELETE issue ni Badong. Si Badong talaga ang may pakana nun, ginawan lang namin ng kaukulang pagpuna. Nakakabwisit nga naman eh, buti sana kung kami may kasalanan, dinamay lang kami, tapos kami pa ang lumabas na masama. Inang ko! ENGLISH yun! Pers taym ko yatang mag-sulat ng ganun. Kadalasan ang ingles lang sa mga nisusulat ko eh Hi! Hello! How are you tsaka Sincerely Yours. Nosebleed din ako ng halos kalahating araw dun. Salamat sa may-akda ng diksyonaryong ginamit ko, medyo nabawasan ang hirap sa pagsalin ng mga ikinuwento sa wikang ingles. Hindi pa naman ako sanay. Don't English me, I Panic! Sa madaling salita, marami ang nakisimpatiya kay Badong dahil sa sulat ko na dapat sana ipapadala namin kay Tiya Dely, kaya lang kapuso si Badong at gusto niya sa Magpakailanman, Hindi Magbabago.

ANG HINAHARAP

Hindi po ito usapang boobs. Porke may nakita kayong hinaharap eh wag nyong isipin na usapang suso at utong ito. Ano nga ba ang mangyayari pa sa susunod? Hindi natin alam, dahil ang pagbabago kusang dumarating yan. Dalawang taon pa ulit, ano na kaya ang laman nito? Ano na kaya ang mga pinaggagawa ko? Bababa kaya si Gloria? Teka ba't may nasingit na nuno sa punso dito sa usapan?

Basta, ang mahalaga, may pumapasyal dito sa multiply ko. May nagko-comment kahit na korni ang naka-post. May natatawa paminsan-minsan. May naiiyak paminsan-minsan dahil masakit daw sa mata ang background color. May nagogoyo rin paminsan-minsan. May natutulungan din na humihingi ng tulong o payo. Payo hindi payong. Lalo na yung mga kaibigan ko. Pwede na rin yung mga nag-delete kay Badong na dinamay ako. LOL.

Basta ang mahalaga, masaya kayo... yun yun eh... kaya may Multiply!

BRB, baka ngayon may magawa na akong theme...


53 comments:

  1. dapat ipagdiwang mo yan ika dalawang taong anibersaryo mo dito sa multiply.

    ReplyDelete
  2. lol!!! natatandaan ko rin yan... si badong tlg!!

    at least duni... madami ka na ring sensible (ehem ehem) blogs na nagawa within those yrs!! =) People like you make multiply a better place....
    More yrs to come!! =)

    ReplyDelete
  3. at marami akong na meet at nakilala na mababait!
    diba janis?

    ReplyDelete
  4. happy anniversary sa inyo kuya du!!!!!!! hehehe

    si badong talaga ang may pakana ng lahat, kaya rin ako nandito sa multiply dahil kay badong, kahit na inaaway at pinaiyak nya ko labs ko yan wahahahahaa

    ako rin nabitin kay tita malou lolz

    ReplyDelete
  5. hahahaha jowkness lang yun janis hehehe...

    but jokes are half meant true ;-p

    ReplyDelete
  6. hahahaha... kaya nga... hehehehe

    oist duni icelebrate natin ang anniv nyo hehehe... asan na ang wine na may halong kapeng barako ;D

    ReplyDelete
  7. Binigyan rin ako ng CD ni BADONG.. HipHop/Rnb kaya lng may halong EDU MANZANO... sana bigyan ako ng bago kasi nabalitaan ko namili sya ng mga CD & DVD sa Quiapo last week yata un...

    ReplyDelete
  8. haha.. yeah, i remember i got to you during that delete issue thing... nadamay din ata ako kasi na-delete din. but i don't mind at all. :P

    ReplyDelete
  9. yung wine... iniwan ko dun sa may kanto ng Barangka Drive...
    yung kapeng barako iniwan ko dun kung saan uminom...
    meron ka diba?

    ReplyDelete
  10. meron nga sa 11 icelebrate natin hahahaha....

    ReplyDelete
  11. nadamay ka rin? may casualty din palang bystander hehe

    ReplyDelete
  12. shocks... i feel responsible to this...

    bwahahahha!!!

    ReplyDelete
  13. ako OK lang madamay, kasi may pic kami ni janis eh...
    kawawa si swerver nagbasa lang :D

    ReplyDelete
  14. teka dalawa pa pala wine dito... check ko muna...

    ReplyDelete
  15. bakit ako wala naman akong pic namin nila janis ah....
    si badong lang heheheh

    ReplyDelete
  16. may white wine ako di ko alm kung masarap haluan ng kapeng barako hahahah

    ReplyDelete
  17. subukan mo lang... nasubukan mo na yung red wine di ba? :-P

    ReplyDelete
  18. hehehe!! at tlgng ako pala eh noh... lol
    kasi naman.... tsssk tssskkk....

    si pat naman matagal ko nang friend yan... isa sa mga unang multiply buds ko...

    ReplyDelete
  19. joke lang ung gneth...
    hindi naman tlg ako ang dahilan...
    nagfeefeeling lang ako...

    ReplyDelete
  20. kalahati lang si janis...
    tapos damay damay na lahat ng close kay janis hahaha...

    ReplyDelete
  21. kaya mahirap magdidikit sa mga sikat, nadedelete loz

    ReplyDelete
  22. nyahaha!! kalahati :))
    depende rin sa mood nila yan.. baka inggit sila sa inyo...

    kasi madami pa rin akong kaclose na contact pa din sila...

    ReplyDelete
  23. haayyy lahat mahal si badong! alala ko din.. siya ang unang una ng invite sa akin dito sa multiply!! tapos siya ngpakilala sa akin sa inyong lahat!! and for u duni, u always remind me of F1 racing hehehehe!!

    salamat badong!!

    ReplyDelete
  24. burger na kung ganun!
    sabayan ng gatas ni inay ni sakay=P

    nakilala kita dahil kay baklang Janis..na-curious dahil sa mga boylet at delete issue,hahahahaha!!! infairness di ko naintindihan inglis mo=( ( sana may tagalog version or pangalatok =D )

    at si badong..oh yea..nakwento kung baka pwedi kang karirin,putik! may asawa n pala ang hayuff,hahahahaha!!! or ayaw pakarir ka ni badong( ako talaga duda n sa inyo ni badong e:-?)

    anyway,hiway,pa kiss at pa hug muna sa mahal kung baby ko:-* mwauh! mwauh! mwauh!

    ReplyDelete
  25. maligayang anebersayo sa iyo kapatid!
    sana maging kasing kinang ng pangalan mong plorwaks ang iyong site,at sana lumago pa ang mga kaibigan mo dine.at sana eh,wala ng magde-delete sa imo,dong! mahal ka namin,sana mahalin mo rin sila=P

    brb..eat dinner=D

    ReplyDelete
  26. happy anniversary!!!
    di ko na matandaan.. pero ang alam ko ako ng-add sa'yo!!
    and thanks to you and pia. nung time na may problem ako..
    grabe, kayo ang rescue! :)

    ReplyDelete
  27. duni yung 1st account ko Oct 2006...

    na-Ban at ni-cancel ng multiply dahil madami akong mp3 at dahil rin sa copyright issue, simula non tinamad na ko mag multiply at bumalik nalang ako ulit Oct 12, 2007 na.

    ReplyDelete
  28. ang sweet naman. hehehe!

    mabuhay ang mga kapuso.... pakikonek na lang....

    SOLID MULTIFLY!!!

    ReplyDelete
  29. oo nga kuya duni.. sakit sa mata ng background mu :) *wink*

    ReplyDelete
  30. ganyan din ako nagstart kuya donnie and dahil din kay badong! mabuhay si badong!!!! at mabuhay ka din kuya donnie kc may sense mga blogs mo! di pasosyal, di din paKSP!

    ReplyDelete
  31. may race last Sunday(Spa, Franchorchamps, Belgium)... may race this Sunday(Monza, Italy) at may race sa last Sunday ng September(Singapore) first ever night race... abangan mo tuwing 7PM halos lagi pinapalabas... ESPNStar

    ReplyDelete
  32. sa susunod wag naman sa Gonuts Donuts hindi masarap donut nila mas gusto ko pa sa Mister Donut... :-P

    ReplyDelete
  33. eh kasi nakakasawa yung black, white, grey, blue, green, yellow...
    gusto ko yung kakaiba...

    ReplyDelete
  34. papano ba magpa sosyal?
    SHOPPING oras oras???

    ReplyDelete
  35. DAPAT ipagdiwang nga...punta ka sa Gateway mag cheeze burger tayo.

    pero isa sa nagpasama ng loob natin dito si Aprille Mae.
    after natin bigyan ng time ang mga blogs nya
    dinelete na lang tayo basta basta ng walang kamalay malay
    di bale di natin sya kawalan.

    yung ibang bago dito di nila alam nag mu multiply lang tayo noon
    because of mp3s ...ngayon dahil sa galit na eh.

    ang nakaka asar lang sa multiply ngayon ang dami ng business account :((
    tapos maa angas pa sila pa sila pag sinita mo.

    tsaka yung sa mga gusto good cmment lang kahit di naman foul ang message
    nagagalit. dapat ang comment is comment whether good or bad.


    kay Ragde bilib ako dyan..against or favor ang comment ko sa kanya okay lang.

    ReplyDelete
  36. hahaha hayup ka talaga Badong...
    nagbanggit ka na naman ng MONTH!!! bwahahaha...

    tama ka... dati ang multiply para sa MP3 lang...
    ngayon pag galit tayo, nagmu-multiply tayo :))

    ReplyDelete