Tuesday, March 17, 2009

Ronaldinho slowly inching his way back into the field


After a disappointing 2007-2008 campaign where his season ended prematurely with injury and the much-publicized disagreement with his team FC Barcelona, Ronaldinho decided to sign up with AC Milan in the hopes of forgetting his bitter fallout with Spanish league giants.


Never has Ronaldinho’s career experienced a downward slope since his first professional stint with Gremio in Brazil, his first international experience in FIFA U-17 World Championship in 1997, and a solid performance in 2002 World Cup where Brazil emerged champions.  It seems that the craze and the rush of adrenaline Ronaldinho has brought to spectators every single game he has played on would catch the whole world forever.  Even more mesmerizing was his tremendous achievement when he started to play in Barcelona in 2003, helping the team secure second place finish in the league during the same year, and capturing the league title for the following two years - 2004 and 2005 - and also winning him the FIFA player of the year in 2004.  He put Barcelona on top of the European football map within 2 years after he signed up with the Catalan team, aside from individual awards and accolades he received.


2006 – Downhill Onwards


After Brazil’s disastrous 2006 World Cup campaign where they were
eliminated by France, things all went downhill for Ronaldinho.  He was partly blamed, not only by his fellow Brazilians but also by soccer enthusiasts, for the team’s failure to capture the World Cup trophy with Brazil’s formidable line-up - watched by envious coaches who have dreamed of a fearsome team similar with that of the Selecão.  He was dropped from the 2007 line-up, was suspended one time on an FC Barcelona game, and had disagreement with them following his 2008 Olympic Games commitment for Brazil and the Champions League for Barcelona. 


A muscle tear on his right leg ended abruptly his 2007-08 season for Barcelona.  He was reported having fought verbally with his coach Frank
Rijkaard and things went to worst when FC Barcelona President Joan Laporta hinted indirectly that Ronaldinho needed to leave the club and seek greener pastures elsewhere.  Speculations of his indiscipline, training negligence, and partying ways have also contributed to the factors leading to his career’s sudden crash.   


Enter An Italian renaissance


As soon as Ronaldinho was leaked as up for grabs, there were a few notable clubs who where interestedly after him.  Inter Milan and even Manchester City of former Thai PM Thaksin Shinawatra has openly signifying their intention to get him.  Even Chelsea and Real Madrid had secretly hoped that they would catch this talented football superstar; hoping things would turn around for the better for their club, even if Ronaldinho is still in his off-form.  Ronaldinho decided to sign with AC Milan even if Manchester offered more money, ending months of speculations on his move and his preferred team jersey.  Apparently, he was seeing red and black all the time. 


With Brazilian teammates Kaka, Alexander Pato, Dida, and Emerson, and the arrival of superstar David Beckham on loan from LA Galaxy, AC Milan, for now, might have what it takes to win the league title and a stint at the Champions’ league where they missed out last year.  Although Ronaldinho is still way off from his deadly form, the whole team is very much optimistic to see his old self, not merely humiliating his opponent guard with his dribbling skills but also contributing on the success of the team, just like what happened to mediocre Barcelona before his arrival.


While some Barcelona fans are mourning for Ronaldinho’s departure, keep in mind that in the world of football, particularly in big leagues wherein they throw lots of money, 3 years of excellence can never be an assurance even if there is a small dip in performance.  It doesn’t matter at how many goals you’ve scored a single game, because when everything is messed up, you will always be the scapegoat, just as what happened to Ronaldinho, Ronaldo, and Beckham.  Even if Ronaldinho helped push Barcelona to a higher level, he was nearly forgotten and dropped instantly when his skills dropped considerably.  And as one door closes, another window of opportunity opens, and usually for someone whose talent and determination still inspires to be successfully on top, Ronaldinho will have his way back into football glory. 

Friday, March 13, 2009

Sermon sa sarili


Punyeta naman eh.


Andaming paraan para magpahangin naisip mo pang mag-basketbol.  Alam ko may bumabagabag sa isip mo ngayon pero maraming paraan para ma-refresh ang utak bukod sa sugal, alak, at agogo dancer sa tanghali.  At dahil wala kang magawa, at hindi ka rin naman pwedeng lumayo sa harap ng PC mo eh sinubukan mong ma-exercise ang butu-buto mo sa pamamagitan ng paglalaro ng basketbol.


Ayan tuloy naaksidente ka!  Sukat ba naman mag-feeling Dennis Rodman ka.  Alam ko naman na may talento kang konti sa basketbol bukod sa pang-aasar sa kalaban tuwing may intrams, pero wag naman yung todo bigay ka, tulad ng nangyari kanina.  Anong resulta?  Tumalon ka at bumagsak ka na una ang pwet at siko.  Walang problema sa pwet mo, cute pa rin kahit maitim.  Kaso yung siko mo namamaga.  Hindi mo masyadong maigalaw noh?  Ayan kasi, sinabi ko naman sayo na nag-iisa lang ang Jordan sa mundo, wag mong gayahin ang lundag niya.


Hatinggabi na hindi ka pa rin makatulog sa kirot?  Kasalanan mo yan.  Sa tingin ko hindi ka na makakapaglaro, malamang habambuhay.  Damaged goods ka na.  Nung elementary ka namaga yung mata mo dahil tinamaan ng bola ng baseball.  Tanga ka kasi hindi mo nasalo ng maayos, praktis pa lang yun.  Nung hayskul ka at nadapa ka sa soccer game niyo sa eskwelahan at tumama ang tuhod mo na hindi na naayos at laging kumikirot tuwing taglamig, dun pa lang wala ka nang karir sa sports.  Nung nag darts ka nung college napilayan ka rin sa kamay.  Hindi ka pwede sa swimming lagi kang pinupulikat.  Hindi ka rin uubra sa track and field may hika ka dati eh.  Ewan ko ba kung bakit takaw aksidente ka sa laro.


Bukas magpahilot ka.  Ipaayos mo yan bago ka maging komang.  Nang hindi ka rin ngingiwi-ngiwi sa kirot habang nasa lamay ka.


Tumigil ka na rin... Hindi para sayo ang basketbol...

Saturday, March 7, 2009

Of networking sites and preferences


You have a Multiply account right?  And obviously Friendster, and Facebook, a Blogspot, probably a MySpace account, throw in a Hi5 and other countless networking sites out there in the internet.  We have all been “victimized” by our vanity in the positive hope of communicating with lost friends and somehow re-invigorate and feel the sense of belonging.


But isn’t having too many accounts enough?  We don’t really need to register to all those redundant sites with nothing more to offer except – uploading pictures.  Pictures on the bathroom, pictures before going to sleep, picture after waking up before washing your face, pictures and lots and lots of pictures.  If you are a golfer, would you register for membership at all golf clubs?  I’m sure you get my point.  Can I even manage updating each and every one of those sites?  I do not think so.


So with all the hype about bonding thru social networking, I decided to concentrate on where else, but here in Multiply.  Each has their own uniqueness, and a couple sites that looks alike some others, yet Multiply is very distinctive with its design layout.  It is a sort of a mini personal website with its customizable themes, if you know the right HTML or CSS tweaks that you like.  Entries are segregated by its type of data, whether you are writing some of your ramblings or posting your bikini tops.  It does look organized, and for a litter bug like me, it is pleasing.


I have registered to a lot of sites, but you won’t probably see my dedication in updating them unlike here. 


Besides, this is what my parish priest has been saying all along…


“go ahead and Multiply…”

Wednesday, January 21, 2009

2008 - isang taong tula


enero ng may mamatay sa pista ng Nazareno
pebrero ng tanggalin si speaker De Venecia sa kongreso
sabi ni burjer king: "sec, may 200 ka dito"
hello garci tapes at ringtones ipinagbawal na po

marso ng palihim ibinigay ang spratlys sa China
na-acquit ang mga kaso laban kay Imelda
Cory Aquino may sakit na malubha
sa executive priviledge lusot si sec. Neri ng NEDA

abril ng magkaroon "DAW" ng krisis sa bigas
na-convict ang siyam na Magdalo na nag-aklas
ang presidente ng Palau sa bomb threat nakaligtas
mga taguan ng bomba ng JI sa Laguna natuklas

Ms. Earth Philippines nanalo si Karla Paula Henry
sumikat naman si Jenina and her Pamily
walong RCBC employees patay sa bank robbery
GSIS muntik mag take-over sa Manila Electric Company

si Ka Bel nahulog sa bubong ng bahay nung mayo
namatay rin si Mang Pandoy ng maralitang Pilipino
nakidnap si Ces Drilon sa Sulu nung hunyo
kasama ang cameraman at si Prof. Dinampo

dumaan si typhoon Frank malapit sa Mindoro
at pinataob ang MV Princess of the Stars ng Sulpicio
si Daboy pumanaw nung a-syete ng hunyo
si VAT Man Recto in-appoint sa NEDA nung hulyo

sa Tsina ginanap ang makasaysayang Olympics
world record performance nakamit ni Michael Phelps
sports official ng Pilipinas sumali rin sa paligsahan
nagturuan, nagsisihan, kani-kaniyang dahilan

si GMA sa U.S. walang kurap na tumakas
habang ang bansa'y sa bagyo lumilikas
si Pacman pinabagsak si Marquez at si Diaz
impeachment complaint sa kongreso inutas

BJE isinulong ng mga talipandas
MILF ni Salamat nanggulo ng walang habas
isla ng Mindanao natuliro sa pag-aaklas
mga lumad at kabataan nawalan ng magandang bukas

huling SONA na raw sana ni Arroyo
kung hindi matutuloy ang palihim na proseso
cha-cha na pilit sinusulong sa kongreso
mahabaging Diyos ko, sana naman wag po!

2008 daw ay year of the rat
sabi sa hula maghihirap daw ang lahat
nagkatotoo nga dito sa ating bansa
karamihan ng Pilipino, mahirap pa sa daga

sa susunod na taon, ano kaya ang naghihintay
matuto na kaya ang Pilipino na magnilay
labanan ang gobyernong pilit naghuhugas-kamay
sa mga kasalanang Pilipino'y unti-unting pinapatay

Friday, December 12, 2008

Basag


Ang basag na salamin ay mananatiling basag habambuhay. Katulad ng mga relasyon, tila yata wala nang pag-asang maayos pa ang hidwaang nangyari, ang mga galit na kinimkim, at ang lungkot na dumadapo sa tuwing nababanggit ang isa't-isa. Oo inaamin ko, mataas ang pride ko, pero may hangganan din naman yon, kung sakaling magkaroon ng kompromiso, kakainin ko ang pride ko, alang-alang sa pagmamahal.


Sa tingin ko nagpakumbaba naman ako kahit konti eh. Sinubukan kong lumusong sa alon ng galit, ng walang kasiguruhan, na magparamdam sa iyo. Kung sakali man lamang, mapansin mo sana na gumawa ako ng kaunting hakbang upang magkaroon ng kaunting pag-asa upang magkausap. Pero wala akong nabalitaang pagsagot, marahil sa isip ko, ay hindi pa iyon ang tamang panahon para magparamdam at magpaalala na maaari nang kalimutan kung anuman ang naging alitan.


Ngunit nitong nakaraan lamang, pumasok sa akin ang realidad. Parang salamin na basag... hindi na maaaring ibalik pa sa dati. Magagamit pa siya ngunit hindi na katulad ng dati. Ang mga asal na nakita ang nagpatunay lamang na wala na talagang pag-asa pang maayos ang pilit na inaayos. Ang pagbalewala ang pagpapatunay na marahil hindi pa tama ang panahon, o lipas na ang panahon para ayusin ang lahat. Pagod na rin ako. Hindi ko na nais pang maging magulo ang nananahimik kong buhay. Marami pa akong mga responsibilidad. Mga responsibilidad na noong una ay mahirap matanggap sa kabila ng mga magkasalungat na desisyon. Mga responsibilidad na kailangang gampanan bunga ng mga pagkakamali. Mga responsibilidad na buong pusong tatanggapin, kung anuman ang magiging kahihinatnan sa hinaharap.


Hindi ako katulad ng iniisip mo.  Hindi ako katulad mo.


Kung sakaling magtagpo muli ang ating landas, marahil kaunting sulyap na lang ang maibabahagi ko sa iyo... parang salaming basag... nakikita pero hindi bibigyan ng importansya.


Friday, December 5, 2008

Sana matalo si Money Pakyaw sa linggo...


Sana matalo si Pakyaw sa linggo!!!


Syempre kung Pakyaw fan ka aangal ka.  Nakapa-unnationalistic ko siguro sa tingin mo.  Napaka walang kwenta ako sa paningin mo.  Sa tingin mo kulang ako ng respeto para sa isang katulad niya.  Bakit ayaw kong suportahan ang National Pride ng Pilipinas?  Bakit gusto kong makita na si Dila Hoya ang manalo?


Gusto ko lang makita ang mga pagmumukha ng lahat ng umaaligid sa kanya.  Lalong lalo na si Sabit Singson.  Ang kapal naman kasi ng mukha, kung makapapel eh parang assistant ni Freddie Roach.  Pwede siya cockroach, kung saan-saan lumilipad, ang sangsang naman ng pagkatao.


Sino na naman kaya ang nasa tabi ni Pakyaw sa ring sa linggo?  May kinalaman kaya sa training niya yun bilang isang ganap na boksingero?  Ang pagtabi ba kay Money Pakyaw ay garantiya na makikinabang kayo sa swerte na dala ng isa?  Suportang kaibigan kuno... Bakit?  Ang ibig ba sabihin nun pag wala ka sa tabi ni Pakyaw eh hindi ka na sumusuporta sa kanya bagkus ibig sabihin ay hindi ka na kaibigan?



Eh si Mr. Environment Secretary kaya, nasa ringside din manonood?  Isusuot nya kaya ang kanyang maswerteng baro na balot ng makukulay na bulaklak habang ang mga kababayan niyang nakatira sa Bicol Region ay nagkakandamatay dahil sa baha na sanhi ng malawakang climate change na dulot na rin ng mga environmental issues?  Kunsabagay, mahirap nga naman pag hindi mo nababantayan ang pusta mo... baka mawala na lang sa isang iglap.


At syempre ang number 1 fan ni Money Pakyaw, the “EVIL BITCH” herself.  Ano na naman kayang  speech ang nakaready para sa pagkapanalo ni Pakyaw?


ANG TAGUMPAY NI PAKYAW AY TAGUMPAY NG LAHAT!
MABUHAY ANG PILIPINAS!
ANG GALING NG PILIPINO!


(Manuud kayu ng Pinuy Rikords kasama ku si Kristyo!)



Bakit pag nananalo si Pakyaw dun lang lumalabas ang mga makabayang slogan na mga yan?  Pag natalo si Pakyaw meron kayang sisigaw ng mabuhay ng Pilipinas sa harap ng buong mundo?  Keber ko lang.


Hindi ako galit kay Money Pakyaw, proud ako sa mga unang mga laban niya noon.  Talaga naman nakakataas ng moral ang mga panalo niya noon kahit saang estero at sidewalk ka pa nakahandusay at namamalimos sa buong buhay mo dito sa Pilipinas.  Hindi lang ako natutuwa sa panggagago sa mga Pilipino ng mga umaaligid sa kanya.


INAALAY NI MONEY PAKYAW ANG LABAN NYA PARA SA MGA KABABAYAN NATIN!


Para sa mga mahihirap.
Para ito sa mga kababayan natin walang makain.
Para sa mga kababayan nating pinagkaitan ng hustisya.
Para sa mga kakabayan nating nawalan ng pag-asa sa sistemang bulok.


Para din ito sa mga GANID at SAKIM.
Para sa mga PUMUSTA.
At syempre, para sa mga PARTYMATES nya sa 2010 elections.


Gusto kong matalo si Money Pakyaw sa linggo... anong masama dun???

Thursday, December 4, 2008

Sana matalo si Money Pakyaw sa linggo...


Sana matalo si Pakyaw sa linggo!!!


Syempre kung Pakyaw fan ka aangal ka.  Nakapa-unnationalistic ko siguro sa tingin mo.  Napaka walang kwenta ako sa paningin mo.  Sa tingin mo kulang ako ng respeto para sa isang katulad niya.  Bakit ayaw kong suportahan ang National Pride ng Pilipinas?  Bakit gusto kong makita na si Dila Hopya ang manalo?


Gusto ko lang makita ang mga pagmumukha ng lahat ng umaaligid sa kanya.  Lalong lalo na si Sabit Singson.  Ang kapal naman kasi ng mukha, kung makapapel eh parang assistant ni Freddie Roach.  Pwede siya cockroach, kung saan-saan lumilipad, ang sangsang naman ng pagkatao.


Sino na naman kaya ang nasa tabi ni Pakyaw sa ring sa linggo?  May kinalaman kaya sa training niya yun bilang isang ganap na boksingero?  Ang pagtabi ba kay Money Pakyaw ay garantiya na makikinabang kayo sa swerte na dala ng isa?  Suportang kaibigan kuno... Bakit?  Ang ibig ba sabihin nun pag wala ka sa tabi ni Pakyaw eh hindi ka na sumusuporta sa kanya bagkus ibig sabihin ay hindi ka na kaibigan?



Eh si Mr. Environment Secretary kaya, nasa ringside din manonood?  Isusuot nya kaya ang kanyang maswerteng baro na balot ng makukulay na bulaklak habang ang mga kababayan niyang nakatira sa Bicol Region ay nagkakandamatay dahil sa baha na sanhi ng malawakang climate change na dulot na rin ng mga environmental issues?  Kunsabagay, mahirap nga naman pag hindi mo nababantayan ang pusta mo... baka mawala na lang sa isang iglap.


At syempre ang number 1 fan ni Money Pakyaw, the “EVIL BITCH” herself.  Ano na naman kayang  speech ang nakaready para sa pagkapanalo ni Pakyaw?


ANG TAGUMPAY NI PAKYAW AY TAGUMPAY NG LAHAT!
MABUHAY ANG PILIPINAS!
ANG GALING NG PILIPINO!


(Manuud kayu ng Pinuy Rikords kasama ku si Kristyo!)



Bakit pag nananalo si Pakyaw dun lang lumalabas ang mga makabayang slogan na mga yan?  Pag natalo si Pakyaw meron kayang sisigaw ng mabuhay ng Pilipinas sa harap ng buong mundo?  Keber ko lang.


Hindi ako galit kay Money Pakyaw, proud ako sa mga unang mga laban niya noon.  Talaga naman nakakataas ng moral ang mga panalo niya noon kahit saang estero at sidewalk ka pa nakahandusay at namamalimos sa buong buhay mo dito sa Pilipinas.  Hindi lang ako natutuwa sa panggagago sa mga Pilipino ng mga umaaligid sa kanya.


INAALAY NI MONEY PAKYAW ANG LABAN NYA PARA SA MGA KABABAYAN NATIN!


Para sa mga mahihirap.
Para ito sa mga kababayan natin walang makain.
Para sa mga kababayan nating pinagkaitan ng hustisya.
Para sa mga kakabayan nating nawalan ng pag-asa sa sistemang bulok.


Para din ito sa mga GANID at SAKIM.
Para sa mga PUMUSTA.
At syempre, para sa mga PARTYMATES nya sa 2010 elections.


Gusto kong matalo si Money Pakyaw sa linggo... anong masama dun???

Saturday, November 29, 2008

The tale of the paranoid - 2 Bishops' call for People Power are legal...


1987 CONSTITUTION PROVIDES FOR PEOPLE POWER:


The constitution dictates that the highest law of the land grants to our people and their organizations the right to "people power".


Section 16, Art. 13 says: "The right of the people and their
organizations to effective and reasonable participation at all levels
of social, political and economic decision making shall not be
abridged. The State shall, by law, facilitate the establishment of
adequate consultation mechanism."


The call of Bishops Diosdado Yniguez of Caloocan City and Antonio
Tobias of Novaliches, Quezon City are legal based on the 1987 constitution.  Apparently Secretary Raul Gonzales is having his regular fits of paranoia regarding the political situations within the country and the statements of the two bishops.  It is really hard for people who are lost in the head to comprehend that the critics of this current administration is actually doing something with legal basis since the Secretary is probably straight minded to the fact that anyone who does not agree with GMA is obviously the enemy.


And in the face of this, peaceful groups assembling has been harassed, detained, and forcibly arrested without basis, including young people, just because the government is consistent with Secretary Gonzales' state of delusion that they still have the majority of support from the entire Filipino people.


Call it what you want but preemption of the Filipino's right to openly demonstrate their sentiments is a violation of the basic human right to organize which is constitutionally allowable, whether crazy or not.


Si Raul Oh!


Wednesday, November 26, 2008

Marunong din naman magdasal ang demonyo...



Nakakatuwang isipin na ang buong mundo ay nakakatikim ng recession ngunit pilit pa rin ng pilit ang gobyerno ni Arroyo na kahit kailan ay hindi maghihirap ang Pilipinas. Oo nga naman. Sa isang banda, ano pa bang paghihirap pa ang mararamdaman ng milyong milyong mamamayang Filipino? Wala na nga silang makain eh. Hindi na nga tayo maghihirap pa...
kasi mamamatay na tayo sa sobrang gutom!


Hindi nga naman tayo maaapektuhan. Magaling ang economic team ni Gloria. Nag-aral siya ng economics. Nag-aral din ng economics ang sekretarya ngayon ng NEDA.  Ano nga ba ang economics at bakit kampante ang gobyerno sa pagsusulong nito?



Ang Economics ay isang pag-aaral sa produksyon, distribusyon, at ang pagbili ng pagkain, gamit, at serbisyo. Ngunit naisip ba nila na walang saysay ang ekonomiya kung ang mamamayan ay walang pambili? Kung ang mamamayan ay walang pagpipilian ng mga bilihin? At anong produk
syon ang ipinagmamalaki nila? Karamihan ng mga produktong ibinebenta ay inangkat sa ibang bansa at ang mga sakahan at bukirin natin ay patuloy na ginagawang subdivision at mga malls. Pati mga magsasaka ay nagawa pa nilang lokohin at pangakuan ng libreng abono para sa masaganang ani, na yun pala ay masaganang ani sa eleksyon. Patuloy na niloloko ang mamamayan sa mga pekeng datos ng pag-unlad ng ekonomiya.


RAMDAM NATIN ANG KAUNLARAN! Tila yata applicable lang yan kung ikaw ay miyembro ng gabinete ni Gloria. Habang ang karami
han ng Filipino ay naghihirap, nagpapasasa ang gobyerno sa kabi-kabilang foreign investments at infrastracture projects na lahat ng initial downpayment ay naibulsa na.


Malakas ang loob ni Ginang Arroyo na hindi pansinin ang nag-ngangalit na sigaw ng pagkondena ng nakararami sa mga katiwalia
n at kalokohan na ginagawa ng kanyang gobyerno simula't sapul pa noong 2001.


Mahirap talagang makonsensya ang ganid at sakim. Wala itong pakiramdam. Sarili lang niya ang kanyang iniisip. Ano pang aasahan mo mga ganyang klase ng tao? Sagad hanggang buto ang pagkamanhid ng mga taong ganyan na kahit siguro sa ikahuling hininga ng mga ito eh kasakiman pa rin ang maiisip.


Nakuha pa nitong gawing biro pati ang pagdarasal.


Nakakatakot isipin na nagagawa ng gobyernong Arroyo na ang kawalang-galang na pagkutya sa banal na pakikipag-usap sa p
oong Maylikha sa harap ng mga Filipino. Wala na yatang natitirang katinuan at kabaitan ang mga taong ito at pati ang sagradong gawain ay nakukuha pa nilang babuyin ayon sa kanilang pansariling interes.


Kunsabagay, alam naman natin na marunong din magdasal ang demonyo...



Thursday, November 20, 2008

May bago kaming laruan, WEEEE...


All work and no play makes one a dumb boy
All play and no work makes one a dumb toy

May bago kami(este si kuya lang pala) na laruan galing sa kanyang ninang...

Image Hosted by ImageShack.us



Kaya masosolo ko na pers lab ko...
Yehey Need For Speed to the max!!!
Sana may mabili pa akong Formula 1...


Image Hosted by ImageShack.us