Friday, March 13, 2009

Sermon sa sarili


Punyeta naman eh.


Andaming paraan para magpahangin naisip mo pang mag-basketbol.  Alam ko may bumabagabag sa isip mo ngayon pero maraming paraan para ma-refresh ang utak bukod sa sugal, alak, at agogo dancer sa tanghali.  At dahil wala kang magawa, at hindi ka rin naman pwedeng lumayo sa harap ng PC mo eh sinubukan mong ma-exercise ang butu-buto mo sa pamamagitan ng paglalaro ng basketbol.


Ayan tuloy naaksidente ka!  Sukat ba naman mag-feeling Dennis Rodman ka.  Alam ko naman na may talento kang konti sa basketbol bukod sa pang-aasar sa kalaban tuwing may intrams, pero wag naman yung todo bigay ka, tulad ng nangyari kanina.  Anong resulta?  Tumalon ka at bumagsak ka na una ang pwet at siko.  Walang problema sa pwet mo, cute pa rin kahit maitim.  Kaso yung siko mo namamaga.  Hindi mo masyadong maigalaw noh?  Ayan kasi, sinabi ko naman sayo na nag-iisa lang ang Jordan sa mundo, wag mong gayahin ang lundag niya.


Hatinggabi na hindi ka pa rin makatulog sa kirot?  Kasalanan mo yan.  Sa tingin ko hindi ka na makakapaglaro, malamang habambuhay.  Damaged goods ka na.  Nung elementary ka namaga yung mata mo dahil tinamaan ng bola ng baseball.  Tanga ka kasi hindi mo nasalo ng maayos, praktis pa lang yun.  Nung hayskul ka at nadapa ka sa soccer game niyo sa eskwelahan at tumama ang tuhod mo na hindi na naayos at laging kumikirot tuwing taglamig, dun pa lang wala ka nang karir sa sports.  Nung nag darts ka nung college napilayan ka rin sa kamay.  Hindi ka pwede sa swimming lagi kang pinupulikat.  Hindi ka rin uubra sa track and field may hika ka dati eh.  Ewan ko ba kung bakit takaw aksidente ka sa laro.


Bukas magpahilot ka.  Ipaayos mo yan bago ka maging komang.  Nang hindi ka rin ngingiwi-ngiwi sa kirot habang nasa lamay ka.


Tumigil ka na rin... Hindi para sayo ang basketbol...

51 comments:

  1. duni... kelangan mo ba ng sampal? hehehe

    ReplyDelete
  2. natawa ko dun ah. haha. pasensya na, lol. sana madaan sa hilot bukas. :)

    ReplyDelete
  3. loko pa-xray mo muna bago hilot, eh kung hindi yan simpleng dislocation? waahahah magaya ka sa nanay ko, nadulas, ipinangsangkalan ang wrist (teka ano tagalog nito) tapos namaga akala pilay, pinahilot, ayun hindi nawala maga, nang samahan ko at ipaxray, ayun bali pala at durog na buto, nak nang eh pinahilot eh di lumala, ayun nasemento. pero wala na uli ang semento. mga isang taon na ding nangyari hehe.

    haha natawa ako dun sa
    "tumigil ka na rin... hindi para sayo ang basketball..."

    ReplyDelete
  4. hehehe kuya, parang may nababasa ako kakaiba sa blog. figurative ba ito?

    ReplyDelete
  5. ay wawa naman sya*sabay tawa*

    konting massage lang yan..akina!
    hahahahah!!!

    ReplyDelete
  6. tumigil ka na rin mag computer.mamaya lumabo mata mo at di ka na makapag computer.

    kahit kelan di ako nahilig sa basketball.
    basketball sa banyo..nahiligan ko. :p

    joke lang yan..

    ReplyDelete
  7. magpatawas ka.dito sa min si MANG KIKIS
    lalagay nya yung kandila sa mainit na tubig
    tapos maghahanap ng kung anong shape ang mabuo
    tapos gagawa ng kwento ..at yun ang dahilan ng pilay mo
    then bigyan mo na lang ng 50 pesos.totoo yun.
    yung HILOT di yan totoo.

    ReplyDelete
  8. totoo palang napilay ka, minsan kc napakamatalinghaga mo e.

    ReplyDelete
  9. kelangan ko ng palo.. spank me!!! :))

    ReplyDelete
  10. nakadaan na ako... naipit na ugat lang daw... babalik pa ako in 1 wik

    ReplyDelete
  11. palad ang tagalog ng wrist... ano nman sa english ng "gulong ng palad"?
    wala akong pang x ray hahaha tsaka malayo magpa xray dito sa bukid...
    yung hilot sa kabilang kanto lang...

    ReplyDelete
  12. salamat! hopefully makapag basketbol ulit ako sa mahal na araw... hahaha

    ReplyDelete
  13. loko, andito trabaho ko sa internet (kumikita ako sa show bwahaha)...
    alam ko ung basketbol mo ung shoot muna bago dribol...

    text mo ko mamaya sasabay ako sa inyo...

    ReplyDelete
  14. kuya ed sabi sakin ang igamot ko daw importd na tuba tuba hahaha...

    ReplyDelete
  15. haha bhenie... sinubukan ko lang kung papano ko sesermonan ang sarili ko...
    sarcastic pala ako magsermon ngayon ko lang na-realize...

    ReplyDelete
  16. uu ako pa!
    hindi eh,bukas n bukas..lilipat ng bahay ang kagandahan ko..baka gusto mo kung samahang mag impake:P ng mabinat ang ugat n yan:))

    ReplyDelete
  17. mas sanay ako sa masaheng closed door... meron nga d2 dati sa angeles papaliguan ka pa bwahahaha... hindi ako pwedeng magbanat ng ugat ngayon... pwera lang yung ibang ugat... wag mo na lang kakalimutan sa impake mo ung pasalubong ko ha...

    ReplyDelete
  18. ill spank u kuya du ;D

    kuya du, pagaling ka... pachek up mo yan...

    ReplyDelete
  19. alam mo ba pain therapy ko...
    nanonood ako ng THE PASSION OF THE CHRIST...
    kaya kong tiisin ang sakit harharhar...

    ReplyDelete
  20. may sakit k n sa ugat?
    mahirap yan...bata k pa..lalala yan pag tumanda ka na:P

    ReplyDelete
  21. Hahahaha.
    Wag ka na sa sports, tutok ka nalang daw kase sa pagshoshow sa internet atleast dyan walang mapipilayan sa iyo. :p haha.

    ReplyDelete
  22. bolang :-P munta ka potang bengi?

    ReplyDelete
  23. ayun, ayos parin naman pala. haha. :D pagaling ka.

    ReplyDelete
  24. oo nga, kaya lang masakit... bawat galaw. tpos hindi ko mai-derecho at mai-bend ung braso ko, pati twisting... buti na lang sa kaliwa... nakakapag-salitype pa ako sa kanan hehehe...

    ReplyDelete
  25. Nag message ako sa facebook mo pakibasa nalang dun :p

    ReplyDelete
  26. hindi na ba kelangan ng x-ray? baka may tama yung buto. naku! hehe

    ReplyDelete
  27. sori alalay lang ako ngayon sa internet baldado ung isang kamay eh...
    isa isa lang mahina ang kalaban...

    ReplyDelete
  28. mukhang hindi na... wala naman pasa eh... tsaka nakukuha sa tiis...

    ReplyDelete
  29. nakow! injured.. wag na magbasketball.. magkasya na lang sa panonood :D
    pagaling ka, kuya!

    ReplyDelete
  30. Hehe oo nga naman. konting tiis lang yan, balik court ulet. haha

    ReplyDelete
  31. oo pero hindi na dun sa court kung saan ako napilayan...
    isinumpa daw yun eh...

    ReplyDelete
  32. ay hindi ko kaya yan... tsaka si Bal David ang idol ko...
    pampasira ng ending at pampaiyak kay taulava hahaha...

    ReplyDelete
  33. hahahaha kelangan ng praktis..idol ko din yan si bal david..nung teamup pa sila ni marlou aquino (jaworski era )..grabe nga yan si bal..

    ReplyDelete
  34. i don't know u, pero ur blog is very funny. (= dpat pinacheck-up mo nlang sa doctor. mahirap kc kpg hilot lang. pero it's up to u.

    ReplyDelete
  35. hehehe bakit? dami na ba naaksidente dun?

    ReplyDelete
  36. grabe talaga yan lalo na pag talk n text ang kalaban :))

    ReplyDelete
  37. salamat... kakakuha ko lang ng resulta... normal naman daw...
    pwede pa ulet mag basketbol...

    ReplyDelete
  38. may namatay na raw dun... kaya ayoko na maglaro dun...
    magtatayo na lang ako ng court na kasinglaki ng tennis ball para safe...

    ReplyDelete
  39. haha okay. ayos yun, may thrill. :D

    ReplyDelete
  40. alin ang may thrill?
    yung may namatay o yung basketbol na bola ng tennis ball?

    ReplyDelete
  41. yung maglaro sa tunay na court. haha ok ka na ba?

    ReplyDelete
  42. sabi sa resulta:

    no evidence of fracture nor dislocation, joint spaces are intact, no other findings...

    in short, ayos ang buto-buto... kaso namamaga pa rin tapos hindi ko pa fully maigalaw... pero pwede naman siya gamitin pang type hehehe...

    ReplyDelete
  43. o edi ayos na din yan. haha. :)) konting hilot lang kelangan..

    ReplyDelete
  44. oo nga, kaya lang hindi pa ako ulit bumabalik sa hilot...
    siniguro ko munang walang problema sa buto kaya hinintay ko muna resulta ng xray...

    ReplyDelete