Tuesday, March 17, 2009
Malapit na naman ang Mahal na Araw
Malapit na naman ang mahal na araw. Malapit na naman ako makakita ng nagpipinitensya. Katangi-tangi ang pagdiriwang ng mahal na araw dito sa Pampanga. Sikat doon sa may San Fernando yung nagpapapako sa krus. Halos gayahin ang mga pangyayari kay Hesus, kulang na lang mamatay din sila at mabuhay pagkatapos ng ikatlong araw.
Abala rin ang buong lalawigan sa pagpapaganda ng kani-kanilang kapilya o lugar na pagdadausan ng pabasa, na isang pagsasalaysay ng buhay ni Kristo. Hindi mawawala ang pabasa, ang pagkukwento ng pasyon sa pamamagitan ng pagkanta. Parang magulo noh? Bakit pabasa ang tawag kung ito ay kinakanta? Hindi ba mas mainam na tawagin itong pakanta? O kaya ay patula?
Balik tayo sa penitensya. Dahil kakaiba ang naging kaugalian ng mga Pilipino tuwing mahal na araw, dito makakakita ka araw-araw sa isang buong linggo simula lunes santo, ng mga nagpi pinitensya na naka taklob ang kanilang mukha, hubad na pang-itaas habang hinahagupit nila ang kanilang katawan kagaya ng pagpapahirap ng mga Romano kay Kristo. Meron ding may pasan na krus, merong mga grupo naman sila, at kadalasan may mga kasamang umaalalay kung sakaling may hindi inaasahang mangyari.
Sa loob ng isang linggo sa isang taon ito ay nakikita sa halos lahat ng kalsada sa Pilipinas. Sa loob ng isang linggo sa isang taon maraming namamanata at nagpipinitensya. At sa loob ng isang linggo sa isang taon nagpapaka-kristiyano ang mga Pilipino. Pero pagkatapos ng isang linggo, balik na naman sa dating gawi. Sugal, alak, babae at kung anu-ano pang bisyo. Kurakot sa posisyon, panloloko sa ibang kapwa, at kung anu-anong kasalanan na inihihingi ng kapatawaran tuwing mahal na araw. Isang linggong debotong Kristiyano laban sa halos isang taon na puno ng kabalbalan na gawain. Hindi ko alam kung sinu-sino sa mga nagpipinitensya ang totohanan, wala rin akong karapatang maghusga. Pero sana lang wag tayong magpakitang tao lamang. Hindi nagpapako sa krus si Hesus para lang magpakumbaba tayo sa Diyos ng isang linggo lang.
Hindi tayo nabuhay para maligtas ni Hesus sa mundo. Naligtas tayo para mamuhay sa piling niya!
Malapit na naman ang mahal na araw... malapit na naman ba ang tangi mo lang pagkakataon para magsisi sa mga kasalanan?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nakakalungkot, yung iba di na nila naoobserve ang true meaning of holy week, di naman natin kailangan maging malungkot, pero sana lang, magkaroon tayo ng reflection time as to how GOD sacrificed HIS own son so for as to have eternal salvation. i dont want to condemn those who have vacations during this time coz maybe this is their only time to relax pero sana bago tayo magpunta sa beach, or any vacation spot, kahit man lang isang araw ng vacation natin, ilaan natin sa KANYA na, naglaan ng buhay NYA para sa atin.
ReplyDeletehindi na kailangang ulitin ang nagawa ni Kristo... nalulungkot din ako sa maling pagsasapraktika ng pananampalataya gaya nito... lalo pa makikita mo sila pagkatapos ng isang linggo na me hawak na namang "bilog" hehe tsk tsk tsk...
ReplyDeleteagreeeeee !
ReplyDeletehindi ako pupunta sa beach dahil wala akong pamasahe papunta sa beach...
ReplyDeletenabubuwisit din ako kasi malapit ang bahay namin sa pabasa, nakakatuwa andami lagi ng tao, kaya lang sa labas mismo ng kapilya may nagtitinda ng BEER... kasama ba sa tradisyon ang maglasing pag mahal na araw?
ngayon lang yata ang taon na--- hindi ako aligaga sa holy week hehe...
ReplyDeletekanya kanyang gawa ng tradisyon nila hehe
ReplyDeleterelaks hehehe
ReplyDeletemagearphones ka!!!!
pero sa chapel namin patawa ang pabasa
nakikitawa ako hehe pero remorseful din pakiwari ko nakakabastos kami haha
kasi pag youth ang nakaassign nuon ginagamitan namin ng mas masayang tono ang pabasa or di kaya mas cool na tono basta hehehe...
meron dito malapit lang samin... engrande ang pabasa nila...
ReplyDeleteparang oktoberfest... yung magkabilang side ng kalsada puno ng nag iinuman...
tapos dun sa dulo ng kalsada yung pabasa... tapos andaming nagpupunta dun... yung iba de-kotse pa... tumira kami dun 6 years ago... punyeta may aswang...
Di pa ako nakakakita ng ganito tlga! Gusto ko makakita ng pinapako sa Krus
ReplyDeletetekaaa anong aswang?
ReplyDeleteas in mumu???? awwoooo?
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
binabaon lang yun pa lang ba nakikita mo?
ReplyDeleteaswang talaga... yung mumu multo di ba?
ReplyDeleteang gulo mo sabi ko HINDI pa ako nakakakita! Bwahahahaha
ReplyDeleteMeron rin nito samin sa Macabebe...
ReplyDeleteTama si Plorwaks mahirap rin naman husgahan kung sino ang totoo o pakitang tao lamang... Meron din ganon samin na madaming tao sa kalsada at maraming balikbayan at bakasyunista kaya fiesta rin ang mga lalake sa mga chicks na naglalakad... Mas importante kasi ung mahal na araw sa amin doon kesa pasko kaya mas marami ang mga umuuwi doon para sa mahal na araw ung iba nagsisilbing reunion narin sa pamilya or classmate nila yon kaya minsan di naiiwasa ng mga inuman... ok narin siguro ung ganun kesa nagpaparty @ the beach ka habang may hawak kang alak at kasayaw ang isang chicks.
phelps dami rin chicks sa pabasa... ;))
ReplyDeleteMarami... Mga bakasyonista at balikbayan... ganun ung mga trip ng ibang tropa ko.. pero ako good boy ako parang ikaw at is Badong...
ReplyDeletetama... hayaan na lang natin sila magpa cute sa harap natin...
ReplyDeletehahahahaha... di ba magkaiba ang aswang[vampires?] sa mumu [ghost]? tapos may awwooo [wolf?] pa
ReplyDeletenatawa naman ako dito...
melody walang vampire at wolf dito sa atin...
ReplyDeletehindi ko lang alam kung ano ung aswang sa english hehehe...
good boy good boy... lol...
ReplyDeleteoist donnie masyado kang pormal... ganyan na ba talaga tawag mo sa kin ngayon?!
ReplyDeletetumatanda na ako kaya medyo pormal na hahaha...
ReplyDeleteoo nga... kulubot na yung kamay mo! :p
ReplyDeleteat least kamay lang...
ReplyDeletee nakatakip muka mo e :P
ReplyDeleteasan na si badong... kanina lang andito a... hmmmm....
Si Badong malungkot ngayon... kanins nagtxt sakin nalulungkot sya...
ReplyDeletewala pa rin pang pinagkakakitaan si badong???
ReplyDeletepano magkakaroon e mas ok magchat noh... hehehehe...
ReplyDeletepeace pare! asan ka na! nawala ka nanaman...
hehe eh anu ne nga ang aswang ha duni??? :D
ReplyDeleteMedyo malungkot lng si Badong kaya kailangan natin syang pasayahin....
ReplyDeletewala akong pera! hahahahahaha... decades na!
ReplyDeleteang aswang yung gumagala sa gabing madilim tapos nambibiktima ng mga tao... masyado kasi general ang aswang eh... basta un na un hehe...
ReplyDeleteMeron sa amin Baklang mukhang Aswang nambibiktima ng mga menor de edad...
ReplyDeleteyep! kaya nga sinabi nya on his last breath
ReplyDeleteIt is finished.
reason why we need to live in this truth daily.
ReplyDeleteakala ko itinuturo niya si Dan nun...
ReplyDeleteIt is Dan este done pala...
ibang aswang yan... walang yang supernatural powers... sipsip power lang meron yan...
ReplyDeletei remember nung bata ako sa tarlac bumibista kami basta mahal na araw.. nakakita kami ganito :( natatakot pa ako nun kasi talagang pinapapako nila sa kamay...yay!... parang grabeng sacrifice din ..pero utang na rinnila sa dyos daw un....
ReplyDeletetill now ba meron pa eto ?
nyahehe!
ReplyDeleteevey meron pa nito...
ReplyDeletesa San Fernando nga may special pass pa tapos maraming foreign journalist minsan...
Napanood ko yung isang gumanap na kristo noon.
ReplyDeletenapanood nya sarili nya sa RIPLEYs Believe it or not.
di daw sya sinabihan na ilalagay dun yung interview sa kanya.
sa tingin ko okay lang sa kanya walang bayad.
kaya lang parang nag sinungaling yung nag interview.
Phelps, di ba may ganyan sa lugar nyo bago tayo nag punta sa Puerto Galera last year?
nasa laptop ko pa yung mga pictures dun
Okay na ko mga ilang araw pa okay na okay na ko.
ReplyDeletesan ka nga pala sa HOLYWEEK?a
baka Zambales ako..may Sarap Mag Babad na naman dun sa IBA
sa Lindamar Resort.baka dun kami mag iinuman tapos sayawan
tapos parang wala kaming alam na mahal na araw pala.
ay ayaw pala ni Plorwaks ng ganyan.
sige di na ko sasama.manonood na lang ako ng debate sa TV
tungkol sa relihiyon.
Melody, DI mo ko ni invite nung binyag.
loko loko!
ReplyDeleteang ayaw ko yung nagpapaka-banal pag mahal na araw tapos balik sa dating kagaguhan pagkatapos ng easter sunday...
kung ililibre mo ako sama ako badong... basta walang Sarap Mag Bading ha...
text kita pag tuloy kami dun.Dala ka ng tent tulog na lang tayo sa tabing dagat.fully booked na yung resort eh.
ReplyDeletewala akong tent badong... baka makahiram ako ng sleeping bag...
ReplyDeletesummer naman eh hindi naman siguro uulan...
yun ay kung pwede ako...
bawal daw nakatakip ang mukha eh..
ReplyDeletesa bday na lang. dalin mo inaanak ko... dami ko na utang jan! :p
ako nga kahit bertdey hindi inimbita...
ReplyDeletekaninong birthday? huh :p
ReplyDeletekaninong birthday yung andun si True, Trip, at Nyok(+)
ReplyDelete