Wednesday, November 26, 2008
Marunong din naman magdasal ang demonyo...
Nakakatuwang isipin na ang buong mundo ay nakakatikim ng recession ngunit pilit pa rin ng pilit ang gobyerno ni Arroyo na kahit kailan ay hindi maghihirap ang Pilipinas. Oo nga naman. Sa isang banda, ano pa bang paghihirap pa ang mararamdaman ng milyong milyong mamamayang Filipino? Wala na nga silang makain eh. Hindi na nga tayo maghihirap pa... kasi mamamatay na tayo sa sobrang gutom!
Hindi nga naman tayo maaapektuhan. Magaling ang economic team ni Gloria. Nag-aral siya ng economics. Nag-aral din ng economics ang sekretarya ngayon ng NEDA. Ano nga ba ang economics at bakit kampante ang gobyerno sa pagsusulong nito?
Ang Economics ay isang pag-aaral sa produksyon, distribusyon, at ang pagbili ng pagkain, gamit, at serbisyo. Ngunit naisip ba nila na walang saysay ang ekonomiya kung ang mamamayan ay walang pambili? Kung ang mamamayan ay walang pagpipilian ng mga bilihin? At anong produksyon ang ipinagmamalaki nila? Karamihan ng mga produktong ibinebenta ay inangkat sa ibang bansa at ang mga sakahan at bukirin natin ay patuloy na ginagawang subdivision at mga malls. Pati mga magsasaka ay nagawa pa nilang lokohin at pangakuan ng libreng abono para sa masaganang ani, na yun pala ay masaganang ani sa eleksyon. Patuloy na niloloko ang mamamayan sa mga pekeng datos ng pag-unlad ng ekonomiya.
RAMDAM NATIN ANG KAUNLARAN! Tila yata applicable lang yan kung ikaw ay miyembro ng gabinete ni Gloria. Habang ang karamihan ng Filipino ay naghihirap, nagpapasasa ang gobyerno sa kabi-kabilang foreign investments at infrastracture projects na lahat ng initial downpayment ay naibulsa na.
Malakas ang loob ni Ginang Arroyo na hindi pansinin ang nag-ngangalit na sigaw ng pagkondena ng nakararami sa mga katiwalian at kalokohan na ginagawa ng kanyang gobyerno simula't sapul pa noong 2001.
Mahirap talagang makonsensya ang ganid at sakim. Wala itong pakiramdam. Sarili lang niya ang kanyang iniisip. Ano pang aasahan mo mga ganyang klase ng tao? Sagad hanggang buto ang pagkamanhid ng mga taong ganyan na kahit siguro sa ikahuling hininga ng mga ito eh kasakiman pa rin ang maiisip.
Nakuha pa nitong gawing biro pati ang pagdarasal.
Nakakatakot isipin na nagagawa ng gobyernong Arroyo na ang kawalang-galang na pagkutya sa banal na pakikipag-usap sa poong Maylikha sa harap ng mga Filipino. Wala na yatang natitirang katinuan at kabaitan ang mga taong ito at pati ang sagradong gawain ay nakukuha pa nilang babuyin ayon sa kanilang pansariling interes.
Kunsabagay, alam naman natin na marunong din magdasal ang demonyo...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ayos sa blog kuya duni.. tama ka dun.. sa sobrang kakapalan ng mukha ng presidente ng pilipinas malayo talaga na makakuha tayo lahat ng ginhawa sa buhay.. hndi cla marunong maawa sa mga mamamayang pilipino na kahid isang tuka sa isang araw.. swerte na lang kung may pangkain pa cla para sa kinabukasan.. eh panu na lang para sa susunod na mga darating na araw?? eh di wala na nga..kahit magtrabaho ka ng sobra sobra sa oras o doblehin mu man ang trabaho mu mamamatay ka pa rin sa gutom kung paiiralin nya ang kanilang pansariling interes...
ReplyDeletehndi ren.. ipinagdarasal nya na sana matuloy ung chacha...
ReplyDeleteay oo.. pinanalangin nga nila yung cha-cha eh, tapos sabay banat na "joke" lang daw.. joke ba yun, once you pray meaning may hinihingi ka dba.
ReplyDeletepag nagkaron ng cha-cha at si gloria hndi bumaba sa 2010 taena patayan na'to parekoy.
ReplyDeletevery well said :) totoo ka dun sa part na pano nga naman natin mararamdaman ang kahirapan kung puro na lang kahirapan ang nagigisnan natin sa ating sariling bayan :(
ReplyDeletekung sabagay tama ka diyan.. ngunit bakit nga ba naghihirap ang mamamayang Filipino? bakit maraming nagugutom? at bakit maraming naghihirap? dahil nga ba sa Ekonomiya? dahil nga ba kay Gloria? dahil nga ba sa gobyerno? hmmm.. hindi siguro. nangyayari yan dahil sa POPULASYON! at paano nga ba natin mapipigilan ang pagdami ng tao lalo na sa Pilipinas? yan ang dapat bigyan ng pansin!
ReplyDeleteisang factor din po yan, pero kung hindi sa mga katiwalian ng gobyerno, hindi ganyan kalala ang kahirapan.
ReplyDeletesandali lang... pwedeng maging factor ang POPULASYON... pero hindi ito ang MAIN factor... tignan ninyo ang Tsina... kahit na 2 bilyon ang intsik sa mundo hindi naman nila sinisi ang POPULASYON kung may naramdaman silang kahirapan? gobyerno pa rin babagsak ang sisi. wag na tayong magbulagbulagan at ituro sa iba. hindi ang pagpigil ng pagdami ng tao ang solusyon sa kahirapan. ang tamang pamamahala ng KAHIT SINONG nakaupo sa PODER ang dapat pagtuunan ng pansin. ibig mong sabihin tama ang kumuha ng kickback kung lahat ng tao hindi naghihirap???
ReplyDeletebaka natutulog ka pa kabayan....
easy ka lang... puso mo... ang pogi mo pa naman... kras na kita!
ReplyDeletePinakamagandang "scapegoat" ang Populasyon para ibaling ang atensyon sa Over Production ng isang Kapitalistang Ekonomiya na sa kinalaunan ay natatapon at nasasayang lang naman...
ReplyDeleteKung sana ang produksyon ay ayon lamang sa kailangan ay siguradong SAPAT ang yaman ng lupa para pakainin ang lahat ng mamamayan ng isang bansa...
Sabi nga ni Plorwaks dito sa atin imbis na tulungan ang agrikultura upang makatugon sa "lumalaking" populasyon natin ay nakukuha pang lokohin at pagkakitaan ng mga mandarambong na politiko at negosyante...
Link ko ito plorwaks...
mga sakim at ganid kasi ang mga nasa gobyerno. imbes na unahin nila ang kapakanan ng mamamayan, ung sariling bulsa nila ang una nila pinapataba...
ReplyDeleteBakit maraming pilipino ang naghihirap? Dahil hindi naman sila nagsisikap para umunlad. Bakit laging isinisisi sa gobyerno ang paghihirap e hindi naman obligasyon ng presidente ang pakainin ang lahat ng mga tao sa Pilipinas. Bawat Pilipino, may sariling obligasyon sa sarili niya, sa pamilya at sa bayan...
ReplyDeleteBakit maraming walang trabaho? Dahil hindi sila nagaral..
Bakit hindi sila nakapag aral? Dahil wala silang pera..
Bakit wala silang pera? Dahil tamad sila..
Pumunta ka sa squatters area, pagmasdan mo ang ginagawa nila sa buong maghapon: sugal, drugs, paggawa ng bata..
Hindi solusyon ang pagpapalit ng presidente, ang solusyon: ang pagtutulong tulong ng bawat Pilipino para mapawi ang kahirapan.
Tingnan nyo na lang si Henry Sy, hindi naging hadlang ang kahirapan para umasenso siya sa buhay. Kapag may tiyaga, may nilaga.
Kung meron kang oras sa reklamo, dapat may oras ka din para sa solusyon. Sabi nga "Don't fix the blame, instead, fix the problem..."
Yan po ay sa pananaw ko lang naman. Alam ko na hindi nyo magugustuhan ang sinabi ko dahil galit kayo kay Gloria pero isusulat ko na din... Mabuhay ang Pilipinas!
http://markanthonymonzon.multiply.com/journal/item/122/122
Mahirap naman atang sabihin iyan sa mga magsasaka sa kanayunan... silang mga walang naiipong pera pero daig pa ang kalabaw sa pagsasaka ng lupa para may makain lang tayo...
ReplyDeleteAng mahirap kasi sa ating mga taga-Manila ang alam lang nating MAHIRAP ay yuong mga nasa squaters...
At hindi naman ata lahat ng nasa squatters TAMAD... stereotyping iyan... dahil marami ring mga nakatira sa mga palasyo sa mga exclusive subdivision ang hindi nga tapos ng pag-aaral at walang trabaho at tambay sa mga mamahaling bar sa gabi...
Mas madali pa rin talagang sisihin ang mahihirap kahit ang issue ay nakawan sa kaban ng bayan...
Welcome nga pala sa discussion...
wag mong ihalintulad si henry sy sa milyon-milyong pilipinong walang makain... bago tumakas ng Tsina eh may KAPITAL si henry sy kaya siya yumaman. sige pumunta tayo sa squatters area? bakit ba nagkaroon ng squatter? sino ba ang nagpaasa sa kanila na maalwan ang buhay sa Maynila? diba ang GOBYERNO? sino ba ang nagsabi sa kanila na ibenta nila ang lupa nila, wag silang magtanim, at makipagsapalaran sa lungsod? ANG GOBYERNO! sino ba ang nagsabi sa kanila na walang pag-asa sa probinsiya? ANG GOBYERNO!
ReplyDeletesino ngayon ang dapat sisihin? ANG TAO? eh sino ba ang namamahala na dapat nag aasikaso ng mamamayan KAHIT SAANG PARTE NG PILIPINAS? bakit laging katwiran ng mga tao na nasa lungsod ang pag-asa?
dahil sinabi ng GOBYERNO...
dont fix the blame, instead, fix the problem...
hindi pa ba malinaw ngayon na GOBYERNO ang PROBLEMA???
na pati ang isyu ng pananampalataya ginawa nilang katawa-tawa???
tsaka ang isyu dito ay hindi ang kahirapan kundi ang harapang pambabastos kahit sa simpleng dasal lang... wag po nating ibahin ang usapan...
ReplyDeletehmmm... palagay ko poh, nasa mentalidad din kasi ng lahat ng tao... madami din kasing factors eh. pero unang-una, i think yung mentalidad nung mga tao na nasa gobyerno...pangalawa, yung mentalidad ng tao patungkol sa gobyerno... dati, oo, political scientist si Gloria, isa siyang economics teacher. Pero mula ng naging presidente siya, nalimutan niya lahat ng principles of economics. Nilamon siya ng sistema. Ganoon kasi ang kalakaran sa government,kone-koneksyon. Pag hindi ka sumunod, hindi maiiwasang meron kang makakabangga. Kung mawawala lang sana yung mga bagay na tulad ng ganun...siyempre, hindi pa rin ayos... Kasi minsan, yung mga tao din(including me)... wala silang disiplina... Kanya-kanya sila ng gusto, pag ayaw nila, or hindi sila pabor, understood na na hindi sila makikiisa. Maraming panukalang pinatutupad na hindi naiiimplement ng maayos, kasi marami din hindi sumusunod, or ayaw sumunod. (halimbawa na simpleng pagtawid na lang, magje-jay walking pa) at medyo may pabor din ako sa 'ILANG' sinabi ni mr. markanthonymonzon... siguro hindi naman generalization... Meron lang talagang 'iba' na ganun. Siguro mas marami lang ata yung 'iba' na yun kesa sa 'may mga ginagawa'(tulad ng mga magsasaka at ibang workers naten) kaya nadadamay yung mga matitino na.
ReplyDelete(baka may magalit...opinyon ko lang naman poh...)
Pero yun nga, gaya ng sabi ni mr. plorwaks na issue dito, hindi nga naman makatarungan yun... pati something sacred tulad ng pagdarasal, binabalahura lang... ginagawang joke... Dapat umakto ng tama si Gloria, di ba? Presidente siya! hindi naman siya isa sa mga comedian sa punchline laughline, o kung saan mang comedy spot. Kaya dapat maging pormal naman siya...
SDBORJA may point ka kahit sa isyu ng disiplina...
ReplyDeletewalang disiplina ang Pilipino... dahil walang disiplina ang Gobyerno...
ginagaya natin kung ano ang ginagawa ng gobyerno...
katulad ng paggaya natin kung ano ang ginagawa ng magulang natin...
so, babalik na naman tayo kung nasaan ang problema... nasa GOBYERNO :D
may FREE WILL naman siguro tayo mr. plorwaks... nasa atin din kung gagayahin naten yung gawain ng gobyerno... dahil nasa kultura din naman naten ang pagiging religious. Gaya ako poh, alam koh naman na mali na gawing biro ang pagdarasal, at dahil dun, di koh gagayahin na gawing joke ang bagay na ito. At alam koh, di muh rin naman gagawin yun... So siguro, nasa tao din kung gagawin nila ang isang bagay o hindi.
ReplyDeleteSaka mr. plorwaks, pasensya na pero medyo disagree lang ako ng konti dun sa paglink na ginagaya naten ang ating magulang...so ganun din ang kaso sa gobyerno...(para po kasing stereotype na rin yun) kasi 'may ilang mga bagay' na ginagawa ang aking magulang pero hindi ko ginagawa dahil sa paniniwala kong mali ito... At ayokong gawin yun sa mga anak ko if ever dumating yung time na mag-kapamilya na nga ako. Kasi nagkaroon ako ng kaisipan na alam ko kung ano ang tama sa mali. (dyan pumapasok ang edukasyon)
may karapatan mamili ang mga tao kung ang pipiliin niyang landas ay kung susundin niya kung ano ang tama o kung ano yung mali para sa kanya...
(pero hindi ba't hindi naman lahat ng alam nating tama ay siyang tama at kung anong alam nating mali ay mali talaga? may mga mali din tayong ginagawa pero tama ang kinalalabasan... at may ginagawa rin tayong tama sa pagkakaalam naten pero pag nakita na ang result, mali pala yon... may mga bagay na kahit gaano man kaperpekto natin planuhin, may times na hindi rin masusunod...ganon siguro nangyayari kadalasan...kaya hindi rin natin masasabi...)
So babalik ako sa problema na hindi koh alam kung saan na... pero nasisiguro koh, hindi lang GOBYERNO yon... medyo sa MAMAMAYAN din...
ang pag link ko sa paggaya ng anak sa magulang ay hindi ibig sabihin na stereotyping... pero may kaunting factor ang paggaya natin sa mga magulang dahil sila ang kadalasan nag-o-orient sa atin sa realidad... tama ka na papasok dyan ang edukasyon, maswerte ka lang dahil marunong kang magdesisyon ng tama at para sa sarili mo, ngunit papano yung iba?
ReplyDeleteat tama ka rin na medyo nasa MAMAMAYAN din ang kasalanan... dahil sa patuloy nilang PAGKUNSINTI sa mga maling gawain ng GOBYERNO...
oo nga eh... ang "PAGKUNSINTI" sa GOBYERNO.... dyan talaga super duper agree ako... dapat kasi magkaisa tayo sa pagpapalis sa gawain mali... pero kasi yung kaisipan na "para wala na lang gulo, sumunod na lang tayo", anong ending? (alam mo na yan...)
ReplyDeletekung walang magpapaloko, walang maloloko...
Pero sa kaso ng iba, "HINDI" nila alam na naloloko na pala sila. Bakit? e wala silang ideya e! Kasi, hindi nila alam ang karapatan nila!
"We only have rights, the government has the powers" (rights na lang pinanghahawakan naten kaya sana kahit dun manlang, alam naten ang rights naten... di ba? Kaya minsan, nagco-come up ako sa idea na kaya hindi masyadong sinusulong ng gobyerno ang edukasyon dahil pag nagkaroon ng kaalaman ang tao, hindi na nila sila maloloko)
Dapat talaga alam ng tao kung ano ang RIGHTS nila...
(*Share ko lang ha* Kaya nga natuwa ako sa nakita koh...Kung nag-e-lrt ka sa recto/santolan, nagkaroon na dun ng ilang posters ng mga article-articles tungkol sa mga rights ng tao...
*dapat dati pa ganun pinapakalat, hindi yung kababuyan ng pornograpiya at kung anu-ano pang non-sense*
Ewan koh lang kung binabasa ng mga nagdadaan yung posters na sinasabi ko na yun... pero nasa kanila na yun kung gusto nila malaman rights nila...kaya nga nasa pakialam din nila nakasalalay...)
Hmmm...
may alam akong isang karapatan:
ReplyDelete"Rebellion is justified if the government loses the interest of the people..."
- UN Declaration of Human Rights
parang from the start pa lang, wla na silang interest sa people, does that mean araw-araw na lang rebellion? anu ba masasagot ng rebellion lagi...? at ano nga ba ang ibig sabihin ng rebellion? yun ba yung parang tipong pag hindi napagbigyan, mag-lalayas na lang? ano ba ending nung mga naglalayas? di ba it's either good, or mapariwara? (pagsasatulad koh lang poh...)
ReplyDeleteat kung may interest man sila sa people, puro pam-personal...
(Toinxx...)
marami pong klase ng rebelyon... baka ang iniisip ninyo ay walang humpay na patayan nasa inyo yan... rebelyon din naman ang harapang pagkondena sa mga katiwalian at patuloy na pagkalampag sa upang magkaroon ng TAMANG pagbabago sa sistema ng gobyerno dahil ito ay sumasalungat sa harangin ng kasalukuyang nakaupo...
ReplyDeleteAng problema ay ang talamak na NAKAWAN sa GOBYERNO... paano ito gagamutin?
ReplyDeleteIbang problema ang KATAMARAN ng tao... ibang problema ang kawalan ng DISIPLINA... maging masipag man tayo at maging disiplinado sa pagtawid ay hindi mahihinto ang PAGNANAKAW sa gobyerno... opinyon ko lang...
di ako naniniwala pag mayaman na di na magnanakaw.
ReplyDeletekasi si GLORIA marami ng PERA nakaw pa rin ng nakawl.
isa sa wishlist ko this christmas di para sa sarili ko
para sa lahat ng Pilipino.sana matuluyan na si Mike Arroyo
o kaya ma assasinate si GMA.sorry yan ang gusto ko eh.
masama akong tao.pero mas masama silang tao.
hahaha... Badong...
ReplyDeletenice... straight to the point =))
musta yung lakad natin???
nakakatuwa naman... :D
ReplyDeleteang alin?
ReplyDeleteoo nga... ang alin... para naman matuwa rin kami... hihihi
ReplyDeletesana nga mamatay na cla para wala ng problema
ReplyDeletewahahahahahaha!!! pogi aku ah.. *wink*
ReplyDeletepotek... nabading ako... balik ka na nga sa Multiplier Effect Album ko... hehehe...
ReplyDeletehehehehe =) pass muna ku kuya sakay.. alam mu na *wink*
ReplyDeleteyes Miss Suyin.. naunawaan ko po... pero I like your hairstyle... maganda... gusto ko na gayahin... hehehe
ReplyDeleteAsaan na si Shiel.. ano yung nakakatuwa?
thanks po... basta alam ku pogi aku... ahehehehehehehe *wink* manliligaw na ku ng girls...
ReplyDeleteMabagal ang pagkamulat ng marami sa ating kababayan dahil ang sistema ng edukasyon ay kolonyal at ang mass media ay hawak ng mga naghahari na nagtataguyod ng mga pamantayan at kulturang lumilinlang sa sambayanan. Kailangang patuloy ang pagkilos natin upang labanan ang ang lahat ng salik na kumukontrol sa ating kamalayan at nang sa ganoon ay masuri natin ang tunay na kalagayan ng lipunan at makakilos ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Ang rebolusyon ay maisusulong lamang kung handa na ang sambayanan. Ang kahandaan naman ng sambayanan ay nakabatay sa ginagawa nating mga hakbang upang maimulat natin at madala sa direksyon na malaon na nating inaasam ---- ang ganap na kalayaan mula sa imperyalismo at sa papet nitong gobyerno. Ang pagpapatalsik kay GMA ay maliit na hakbang pa lamang sa mas mahaba at matagalang pakikibaka.
ReplyDeletehmmm...
ReplyDeletemukhang masarap kang kasama sa kapihan...
maraming sakit ang lipunan na ating ginagalawan pero may isa pa akong bagay na napansin.. marami pa din ang walang paki alam.
ReplyDeleteyun ang masaklap... tapos pag nanalo si Manny Pakyaw sa Dec 7...
ReplyDeleteunang-una pa yang sisigaw ng MABUHAY ANG PILIPINAS!
wala na talaga silang kunsensya.
ReplyDeletePeople like her... without any good conscience...
ReplyDeleteShe has nothing to lose... in fact she never won anyway... in 2001 and 2004...
hmmmm nakatutuwang isipin na marami pa ring naghahanap ng pagbabago sa sistema ng ating gobyerno....... sa kabilang banda ang pagbabago daw ay dapat magsimula sa atin, ang sabi nga ni JFK "Ask not what your country can do for you; ask what you can do for your country" .... marahil napapanahon ang tamang pagbabago!
ReplyDeleteuna kong napansin ang pic.. ayos pagkakagawa.. aydol :D
ReplyDeletehaha... hindi ako gumawa nyan... edited ko lang...
ReplyDeleteRelated pic.
ReplyDeletehahaha Janis...
ReplyDeletemabubuko tuloy ang original lover boy ni ano hahaha...
wala sa kalingkingan sina Nani Perez, Mike Defensor, at Arthur Yap... :))
hndi nga?? true ren yan?
ReplyDeleteeto may ibabatbat pang konti eh...
ReplyDeletekahit paano, matikas... lol...
wag naman sanang barilin.
si Nani Perez??? tinatayuan pa ba yun? ng balahibo?
ReplyDeletebigote pwede.
ReplyDeleteay oo nga... asset nya yung bigote...
ReplyDeletekaya nung 1998 elections andami nyang pondo...
hahaha!! mr suave rin yan eh =)
ReplyDeleteduni, paano ba magdasal ang demonyo, ahehehe
ReplyDeletetibay mo talaga! thetrueasiatic k tlga kuya! heheheh... apir!
ReplyDeletekuya duni, wala akong ibang sasabihin. alam mo na yun.
hahaha ok lang yun...
ReplyDeleteusapan lang natin yun... wag mong ipagkakalat...
wala pang feedback... baka ja peyks... :))
op kors! pramis! :D
ReplyDelete