Friday, December 12, 2008
Basag
Ang basag na salamin ay mananatiling basag habambuhay. Katulad ng mga relasyon, tila yata wala nang pag-asang maayos pa ang hidwaang nangyari, ang mga galit na kinimkim, at ang lungkot na dumadapo sa tuwing nababanggit ang isa't-isa. Oo inaamin ko, mataas ang pride ko, pero may hangganan din naman yon, kung sakaling magkaroon ng kompromiso, kakainin ko ang pride ko, alang-alang sa pagmamahal.
Sa tingin ko nagpakumbaba naman ako kahit konti eh. Sinubukan kong lumusong sa alon ng galit, ng walang kasiguruhan, na magparamdam sa iyo. Kung sakali man lamang, mapansin mo sana na gumawa ako ng kaunting hakbang upang magkaroon ng kaunting pag-asa upang magkausap. Pero wala akong nabalitaang pagsagot, marahil sa isip ko, ay hindi pa iyon ang tamang panahon para magparamdam at magpaalala na maaari nang kalimutan kung anuman ang naging alitan.
Ngunit nitong nakaraan lamang, pumasok sa akin ang realidad. Parang salamin na basag... hindi na maaaring ibalik pa sa dati. Magagamit pa siya ngunit hindi na katulad ng dati. Ang mga asal na nakita ang nagpatunay lamang na wala na talagang pag-asa pang maayos ang pilit na inaayos. Ang pagbalewala ang pagpapatunay na marahil hindi pa tama ang panahon, o lipas na ang panahon para ayusin ang lahat. Pagod na rin ako. Hindi ko na nais pang maging magulo ang nananahimik kong buhay. Marami pa akong mga responsibilidad. Mga responsibilidad na noong una ay mahirap matanggap sa kabila ng mga magkasalungat na desisyon. Mga responsibilidad na kailangang gampanan bunga ng mga pagkakamali. Mga responsibilidad na buong pusong tatanggapin, kung anuman ang magiging kahihinatnan sa hinaharap.
Hindi ako katulad ng iniisip mo. Hindi ako katulad mo.
Kung sakaling magtagpo muli ang ating landas, marahil kaunting sulyap na lang ang maibabahagi ko sa iyo... parang salaming basag... nakikita pero hindi bibigyan ng importansya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
gandang umaga kuya du!
ReplyDeleteang lungkot naman ng umaga...
hope your okay... alam ko ang ganyang pakiramdam..
mahirap na talagang mabuo ang isang nabasag na salamin kahit anong dikit ang gawin mo may lamat na talaga..
ay... maganda ang umaga ko... ako pa...
ReplyDeleteparang ang drama mo ngayon Johnson..? Hindi ka naman ganyan dati ah..?
ReplyDeletehahaha... bed weather kasi eh... ang sarap pa sana matulog...
ReplyDeletekaya lang marami pang gagawin... hektik ang iskeydyul por tudey...
oo nga ikaw pa ;D
ReplyDeletesama ka maya?
may pendant mamaya?
ReplyDelete*hugs*
ReplyDeleteganyan talaga ang buhay..wag ipilit ang ayaw..may dahilan ang lahat,yan ang pakaka-tandaan,ok?
alam mo ba ang sinasabi ko? alam mo ba ang sinasabi mo? bwahahaha...
ReplyDeletetaenang pendant na yan... di ka pa rin nagsawa?
ReplyDeleteisa ang pendant sa nagpapasaya ng buhay ko eh =))
ReplyDeletealam na alam:P
ReplyDeletenagtetelepathy n utak ko,hahahahah!!!
hahahaha ganun ba sige kung sa ikaliligaya mo ;D
ReplyDeleteay serious mode ito! :)
ReplyDeleteseryoso naman...
ReplyDeletepero maaari bang palitan ang binabanggit na basag na salamin... pwede naman ata diba...
ows sige nga i-PM mo kung sino...
ReplyDeletemas liligaya ako pag nahawakan ko na :))
ReplyDeletehaha yung blog lang ang seryus ang comments pwedeng hinde :D
ReplyDeletepapano kung espesyal ang salamin?
ReplyDeleteitabi mo yng basag kung may sentimental value... pero kung kailangan ng maliwanag na salamin humanap ng bago...
ReplyDeleteay di pwede touch ;p
ReplyDeletekilljoy... hmmmmp [-(
ReplyDeletehahahahah!! cge bah:P
ReplyDeleteako pweding makita:D
ReplyDeletebawal din ang touch:P
wag ka na magtampo toh naman ;D
ReplyDeleteoo sissy tingin lang ;p
ReplyDeletesa hawak ang ligaya [-X
ReplyDeleteMagandang umaga sa isang makatang ginoo :)
ReplyDeletemaganda ka rin sa umaga este magandang umaga rin...
ReplyDeleteaww naman... we share the same sentiments kuya duni... :( anyway, have a nice day! ^_^
ReplyDeletekakalungkot...
ReplyDeletepero natatawa ako sa mga comments...
sana malaki din ang pendant ko..
nyahahaha...!
asa ka pa cess ;p
ReplyDeletekamay ang naghuhubog at nagpapalaki minsan ng pendant hahaha...
ReplyDeletekuya pahiram ng ilang lines mo ah... magandang status message eh. ^_^ ty..
ReplyDeletehaha... no problem...
ReplyDelete=D ang drama mo bolang ka talaga!!! hahaha
ReplyDeletebolang ka rin...
ReplyDeletetsang pag-uwi mo bilhan mo naman ako ng pasalubong...
yung ashtray na tite mura lang daw yun dyan :-P
nagtatagalog ka ba o kapampangan???
ReplyDeletekung tagalog...wala d2 nun noh =D
nagyoyosi ka na ba????????
hinde... para sa mga bisita yan :-P
ReplyDeletehahahaha....kc imposible na para sau yan nuh... =P
ReplyDeletesows nahihiya ka lang bumili ayaw mo pang aminin...
ReplyDeleteoo kc ndi alam sasabihin sa tindera yung...alam mo na ndi ko alam chinese name nun... =D
ReplyDeletelan tiao yata sa chinese... :-P
ReplyDeletemalaki pa rin pag asa ko.. hanggat nanjan si calayan at si belo..!
ReplyDeletehahaha...!
lamog na pendant ko duni.. wala pa rin epekto...
ReplyDeletehahaha...!
baka mali ang hawak :))
ReplyDeletehahaha.. langya...
ReplyDeletepwede ba magpaturo?
hahaha...!
pasample ka kaya kay kuya du cess ;D
ReplyDeleteNakakatawa magbasa ng comments dito...hehe...ang kulet...8)
ReplyDeleteahm.. watch ko na lang kaya kayo..
ReplyDeletehahaha...!
bastos nyo ha... hindi ako nagpapaboso [-X
ReplyDeleteako ang tanungin mo kung alam ko? sa aking pananaw walang katulad at walang kapalit ang salamin na yan gaano man kapino ang pagkabasag. maaaring hindi na magamit, pero pwedeng ingatan at ituring na "collector's item" ... :P or gawing work of art hehehe. konting effort pa... saka pasensya...saka pang unawa sa mas mataas ng konti ang pride.
ReplyDeleteTHIS TOO SHALL PASS kuya......
ReplyDeleteeverything will be OK :D
wala ka bang rules na..
ReplyDelete"you watch, you pay"
magbabayad naman ako eh..
hahaha...!
ahahaha... PAY... sure... PAY is the magic word... :))
ReplyDeletepag walang halaga... pwedeng itapon na lang =))
ReplyDeletebaka yung iba mapakinabangan pa nila...
pero kung sa akin, hindi na...
ay OK ako... OK na OK :D
ReplyDelete