Friday, September 26, 2008
Prestige and Class
While surfing channels looking for local news, I stumbled upon the live broadcast of the UAAP Finals. Although I am not a certified “UAAP student” (i had a brief three an a half year stint with an NCAA school in the 90's), this year's finals had drawn unimaginable crowd.
Ateneo versus De La Salle.
Two prestigious schools. Two schools with a standard above the rest of the educative communities around Philippines. Two bitter rivals for the past decades, from the hard court to the business to the political jungle, alumni of both schools have been haggling it out between themselves on who went to the better school. Their distaste for each other have been immortalized from the NCAA where both schools had started and has continued until today. So, the battle for the basketball championship became interesting in a sort of way, fueling up the rivalries for the green and blue-blooded fanatics.
I was never that attentive of the UAAP happenings, except for last night, I think. The fact that I was an NCAA student, and a little bit of bitterness on my part for having not pursued to study at probably both schools(financial constraints) might have contributed to my lack of interest of the games. Even in college, I seldom watch the games, which is ironic since I came from a High School with 5 basketball courts(excluding the gymnasium), having also a football field and a swimming pool. It's not that I am unsupportive of my school but the games during that time really does have that disinteresting taste in them. I hated our high-flying, slam-dunking all-star player, who does not have an idea where the West is. Yes, I bought tickets for the NCAA games before, and then I showed them to my PE Instructor, which would be the equivalent of 1 session's attendance, and then I went to the malls.
Last night was probably an exception. I was glued to the channel at the start of the 4th quarter, when the game where very much close since only 3 points separates the two teams. I do not have any idea about the dramatics during the early part of the game. I was merely a neutral spectator, watching the intensity of the game, the players, and the crowd at Araneta.
So, it was startling to witness how De La Salle “snubbed” the awarding ceremonies after the game. I know, it was a bitter pill the swallow - losing against an arch rival, perhaps questionable officiating as seen from other people's points-of-view, humiliation in front of your worst enemy – these are the things that a proud warrior would never wanted to happen.
I remember the saying I saw in one of the basketball courts I played years ago, printed on the walls, although I could not remember where. It goes like this:
“God does not look at how many points you have scored, rebounds you have snatched, or assists you have given... it's how you played the game...”
Obviously, we can easily achieve PRESTIGE, but we cannot teach CLASS.
Tuesday, September 23, 2008
Bangsamoro nga kaya?
Iniisip ko na masyadong nahuhuli na yata upang maglabas pa ng sariling kuro-kuro tungkol sa isyu ng Bangsamoro Juridical Entity. Pero sa isang usaping tumatalakay, nagbibigay ng kakaibang reaksyon, kaguluhan, at matinding interes para sa kapakanang pambansa, walang masasabing huli o maagang pagbabalangkas. Ang anumang kuro-kuro ay mapapakinabangan, lalo na isang napaka-sensitibong isyu na bumabalot ngayon at maaaring magdulot ng masamang epekto sa kapalaran ng ating bansa.
Nasabi na rin lahat ng mga taong may kinalaman o kahit ng mga nababahalang Pilipino ang kani-kanilang saloobin tungkol sa usaping Bangsamoro, pero habang hindi malinaw ang isyu tungkol dito, patuloy itong sisitahin at uusisain ng madlang bayan, sa ayaw man at sa gusto natin.
Hindi ko rin siguro kailangan pang ipaliwanag kung ano ang BJE at kung ano ang magiging epekto nito. Kung kayo ay wala pang ideya tungkol dito, bilang isang responsableng mamamayan ng Pilipinas, ikaw ay may obligasyon na alamin ang mga detalye nito, lalo na kung ang mga magiging desisyon tungkol dito ay magpapabago sa kasaysayan ng ating bansa.
Tutol ba ako sa BJE?
HINDI ako tutol, pero hindi yun ang katapusan ng saloobin ko.
Hindi ako tutol sa pagbabalak ng mga Moro na itaguyod ang pansariling pamamahala. Sa halos limandaang taon na pagpapabaya ng lahat ng nanakop at nanungkulan sa pamahalaang itinaguyod dito sa Pilipinas, walang tunay na nagmalasakit para sa kapakanan ng mga Moro. Kastila, Amerikano, Hapon, at kahit mismong mga Pilipinong namuno ay hindi binigyan ng importansya ang mga kababayan natin sa Mindanao. Ito sa tingin ko ay isang sapat na rason upang bigyang laya ang sarili sa pagkaka-api. Halos katulad din ito sa sitwasyon sa isang pamilyang nagsisimulang magkawatak-watak. Kung ikaw mismo ay ayaw kupkupin ng mga taong dapat na pangangalagaan ka, hindi mo na sigurong kailangan pang ipagsiksikan ang sarili mo sa kanila. Sa ganitong punto ako sumasang-ayon kung sakaling payagan ang mga Moro na magsarili.
Sa punto rin ng kasaysayan ng Pilipinas, sinasabi nila na kailanman ay hindi sila nasupil noong panahon ng pananakop ng Kastila. Naitaguyod nila ang ipinagmamalaki nilang kaharian ng Sultan ng Sulu bago pa man dumating ang mga Kastila. NGUNIT dito ako magkakaroon ng kaunting di pagkaka-ayon. Usisain din natin ang kasaysayan. Bago pa naitaguyod ang kaharian ng Sultan sa Sulu, ang mga LUMAD ang unang naninirahan sa isla ng Mindanao. Kung usapang "Ancestral Domain" lang naman, di hamak na mas may karapatan ang mga lumad kaysa sa mga Moro na umangkin sa kaninu-ninuang lupain. Tandaan natin na ang mga lumad ang naninirahan sa kabuuan ng Mindanao, bago pa man dumating at magkaroon ng kaharian at itaguyod ang Islam dito. At tandaan din natin na napilitang lisanin ang naitaguyod na komunidad at manirahan sa mga bulubundukin ang mga lumad upang maiwasan ang pagkaubos ng kanilang lahi. Ang mga lumad ay hindi mga orihinal na Muslim, kung susundin natin ang kahulugan ng salitang Moro na nangangahulugang Muslim. Ang mga lumad ay hindi mga Moro, ngunit halos parehas din ang kapalaran nila. Pinilit na sakupin ngunit hindi nagtagumpay, at hanggang sa huli ay patuloy na ipinapagsa-walang bahala ng sinumang namumuno sa lipunan, sa ngalan ng kaunlaran. Samakatuwid, hindi dapat isinama sa usapin ng Bangsamoro ang magiging kahihinatnan ng mga lumad. Kung gagamitin ulit ang isyu ng “Indigenous People” sa usapang Bangsamoro, malinaw sa kahulugan ng salitang “Indigenous” na ito ay nagpapatungkol sa mga sinauna, aboriginal, at katutubo. Hindi dito kailanman nabanggit ang mga taong nanggaling sa ibang lugar kahit na ito pa ay nagtaguyod at napanatili ang kanilang kultura sa lugar na napuntahan nila.
Sa usaping kaharian ng Sultan ng Sulu, ito ay isang bahagi na lamang ng nakalipas. Wala nang nakakaalam at nakakadama ng kahariang ito kundi sa mga libro na lamang ng kasaysayan. Ang paggigiit ng kaharian ng Sultan ng Sulu sa kasalukuyan ay maihahalintulad ng patuloy na panghihimasok at pagpupumilit na pag-a-angkin ng Tsina sa bansang Tibet. Ang nakaraan ay lipas na, hindi na kailanman pa maibabalik.
Ang isang hindi ko pa nagugustuhan ay kung bakit pilit na nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front. At kung bakit din tinatangkilik ang mungkahi ng MILF para sa paghiwalay ng Bangsamoro sa Pilipinas. Tandaan natin na ang MILF ay itinaguyod lamang upang maghasik ng lagim sa bansang Pilipinas. Ang hangaring pagpapalaya ay isang pagbabalat-kayo lamang ng samahang itinatag ni Hashim Salamat, sa hindi natin malaman na dahilan. Si Hashim ay humiwalay sa grupong Moro National Liberation Front(MNLF) na nagsusulong ng pansariling pagpapalaya sa ngalan ng kapayapaan at matiwasay na pag-uusap. Ang MNLF ang tanging samahan na tanging kinikilala ng OIC(Organization of Islamic Conference) upang makipagkasunduan sa pamahalaan tungkol sa kapakanan ng mga Muslim sa Mindanao, samantalang ang MILF ay nagsisilbing terorista sa mata ng buong mundo hindi lamang ng Pilipino. Ang MILF, kasama ng AL QAEDA at ng ABU SAYYAF, ang patuloy na nagpapatunay na walang ibang hangarin ang mga nasa likuran ng samahang ito kundi ipalaganap ang Islam sa pamamagitan ng karahasan. Heto at may nagsusulong ng mga kapakanan ng mga tumatangkilik ng Islam sa mapayapang paraan tulad ng MNLF ngunit patuloy pa rin nakikisawsaw sa isyu ang ibang samahang halang ang kaluluwa at walang habas na naghahasik ng lagim hindi lang sa mga Kristiyano pati na rin sa kapatid nilang Muslim.
Ano nga ba ang tunay na isinusulong ng MILF? At sino ang tunay na makikinabang? Bangsamoro nga kaya? Ang relihiyong Islam? Ang kaharian ng Saudi? O pati kaya ang Malaysia?
Kung ninanais ng mga Muslim ng otonomiya o ang pansariling pamamahala, hindi ko ito tututulan. Marahil ito ang magiging ugat ng kapayapaan sa buong bansa, at pag-unlad ng mga bayan at mga lugar na pinabayaan ng pamahalaan sa loob ng maraming taon. Maaari ding kabaligtaran ang mangyari.
Kung anu pa man ang magiging kahihinatnan ng isyu ng bangsamoro, mananatili pa ring basag ang relasyon ng mga Kristiyano at Muslim dito sa Pilipinas. Mananaig pa rin ang dikta ng relihiyon para sa kapakanan ng kanya-kanyang grupo. Pagbubuklurin pa rin ng pulitika at kultura ang bansa. Pag-aalipusta pa rin ang pangunahing tingin sa isa't-isa. Parang tubig at langis, mahirap paghaluin.
Hindi ako tutol sa pagsasarili ng mga Moro. Pero dapat malinaw kung tunay na kalayaan ang isusulong nito, kung sino ang tamang magsusulong nito, at ang mga tunay na makikinabang nito.
Saturday, September 6, 2008
Pagbabalik-tanaw...[kasalanan ni Badong]
Bukas, nakaka-dalawang taon na pala ako kung tutuusin. Pagtingin ko kanina sa site ko, September 7 nung 2006 pala ako nakagawa ng account dito. Ang bilis pala talaga ng panahon, akala ko kahapon lang yun. Matagal-tagal na rin pala akong namemerwisyo at nakikipagkulitan. At dahil wala rin lang naman akong magawa dahil hindi maayos na gumagana ang utak ko ngayon, pagbigyan nyo muna akong magbalik-tanaw at alalahanin ang dalawang taong makulay(o magulo) na buhay ko sa Multiply...
ANG MAY PAKANA
Si Badong! Si Badong na may malay! Si TRUEASIATIK na halos apat na taon ko na rin kakilala nung panahon na yun. Siya ang nagpumilit na gumawa kami ng multiply account, at alam nyo kung bakit? Para lang magpalitan ng MP3. Dahil noon kahit wala kang account basta naka for everyone ang music list mo eh pwedeng i-download. Palibhasa eh mga adik sa musika, lalo na yung pang hiphop at RNB na kabisadong-kabisado ni Badong, ayun, at dun na lang naghingian ng mga kanta. Lagi akong nanghihingi ng remix na CD kay Badong, ayaw naman mamigay. May nakuha ako sa kanya, kaso nga lang isang taon nang laos yung kanta nung nakuha ko ang CD.
BAKIT PLORWAKS?
Hehehe... eto na naman tayo. Ewan ko ba kasi, yun na ang tawag nila sa akin simula't sapul pa sa Opismeyts. Kesa naman gumawa ako ng ibang pangalan na account(gusto ko sana ladiesman217, kaso ang layo ng itsura ko kay Shia LaBeouf), eh di dun na lang sa alam kong madali nilang makikilala at matatandaan. Tutal ginawa na rin naman first name ni Badong sakin yun eh.
ANG SIMULA
Nung una, mas marami pa ang MP3 kesa sa blogs, videos, pictures, reviews, links, at wala pang guest book. Nagbubukas lang talaga dahil sa MP3. Naging kaugalian na sa multiply mag download kapag hindi umubra ang unang paraan, ang file transfer sa Yahoo Messenger. Hala, sige, upload. Download. Upload ulit. Download. Instant, may MP3 ka kaagad, isang mensahe lang sa messenger, at pwede mo pang iwanan sa account mo na kahit mag log-out ka eh mada-download din naman ng nanghihingi. Palagay ko yan din ang pangunahing dahilan kung bakit pinagbawalan na ang pagda-download ngayon ng music sa multiply. Kasalanan din kaya ni Badong?
Unti-unti, nagkalaman ang multiply. Nakakabagot din naman yung puro MP3 lang. Nag-umpisa sa kaunting blog, review, links, upload ng pictures, at tumambay sa multiply ni Badong na puro sexcapades ang nakalagay sa blog. Lintek, binitin lang ako sa istorya ni Tita Malou, natapos ba yun? Tsaka yung babae sa dorm, kumusta na kaya siya? Nagre-review pa kaya siya?
ANG KINALAUNAN
Kwela ang dating karamihan ng mga post ko. Puro kalokohan daw sabi ni Badong. Ayaw niya kasi mag-share ng mga document files nya ng mga sexcapades, ipo-post ko sana eh. So, kelangan mag-improvise. Mula sa mga nakakalap na balita, mga larawan, at kung ano pang nauuso, pinilit ginawan ng kwento upang malibang(o magoyo) ang mga mahilig mamasyal. Nakakatuwa na naging turning point yata ng multiply site ko eh doon sa DELETE issue ni Badong. Si Badong talaga ang may pakana nun, ginawan lang namin ng kaukulang pagpuna. Nakakabwisit nga naman eh, buti sana kung kami may kasalanan, dinamay lang kami, tapos kami pa ang lumabas na masama. Inang ko! ENGLISH yun! Pers taym ko yatang mag-sulat ng ganun. Kadalasan ang ingles lang sa mga nisusulat ko eh Hi! Hello! How are you tsaka Sincerely Yours. Nosebleed din ako ng halos kalahating araw dun. Salamat sa may-akda ng diksyonaryong ginamit ko, medyo nabawasan ang hirap sa pagsalin ng mga ikinuwento sa wikang ingles. Hindi pa naman ako sanay. Don't English me, I Panic! Sa madaling salita, marami ang nakisimpatiya kay Badong dahil sa sulat ko na dapat sana ipapadala namin kay Tiya Dely, kaya lang kapuso si Badong at gusto niya sa Magpakailanman, Hindi Magbabago.
ANG HINAHARAP
Hindi po ito usapang boobs. Porke may nakita kayong hinaharap eh wag nyong isipin na usapang suso at utong ito. Ano nga ba ang mangyayari pa sa susunod? Hindi natin alam, dahil ang pagbabago kusang dumarating yan. Dalawang taon pa ulit, ano na kaya ang laman nito? Ano na kaya ang mga pinaggagawa ko? Bababa kaya si Gloria? Teka ba't may nasingit na nuno sa punso dito sa usapan?
Basta, ang mahalaga, may pumapasyal dito sa multiply ko. May nagko-comment kahit na korni ang naka-post. May natatawa paminsan-minsan. May naiiyak paminsan-minsan dahil masakit daw sa mata ang background color. May nagogoyo rin paminsan-minsan. May natutulungan din na humihingi ng tulong o payo. Payo hindi payong. Lalo na yung mga kaibigan ko. Pwede na rin yung mga nag-delete kay Badong na dinamay ako. LOL.
Basta ang mahalaga, masaya kayo... yun yun eh... kaya may Multiply!
BRB, baka ngayon may magawa na akong theme...
Friday, September 5, 2008
Laugh Trip muna habang nasa Mabalacat ako...
Bobo: pare hulaan mo ugali ko, nagsisimula ng letter A
Pare: approachable?
Bobo: mali
Pare: amiable
Bobo: mali pa rin
Pare: o sige, sirit na nga
Bobo: Anest
Policeman arresting a prostitute
Prosti: I am not selling sex
Police: Then what are you doing?
Prosti: I'm a saleswoman selling condoms with free demo.
Bush: What are the pollutants in your country?
Jingoy: We have lots of pollutants.. ..we have sisig, kilawin, chicharon, mani
Erap: Anak, may nakalimutan ka, Boy Bawang (cornik).
Tindero: Hoy, bili ka gatas ng baka. P10 piso lang isang baso
Manong: Ang mahal naman, may tig piso lang ba nyan?
Tindero: Meron po, pero kayo na po ang dumede sa baka.
Pasyente: Dok, bakit po ganito ang operasyon sa ulo ko?
Halos kita na utak ko
Doctor: Ok lang yan, yan ang tinatawag na open minded.
A naked girl takes a taxi
Naked Girl: 'Bakit ka nakatitig sa katawan ko, ngayon ka lang ba nakakita ng hubad?'
Driver: 'Hindi po miss, iniisip ko lang kung saan nakatago pamasahe mo'
BEAUTY CONTEST
Emcee: What's the big problem facing the country today?
Contestant: Drugs
Emcee: Very good, why do you say that?
Contestant: Ang mahal kasi eh!
Amo: Bakit ka umiiyak?
Katulong: Sabi po ni dok tatanggalan po ako ng butlig
Amo: Butlig lang iiyak ka na...
Katulong: Kasi ok lang kung right lig or left lig lang
po…pero bakit naman butligs pa.....
Doc: For your health take only a cup of rice, lean meat
and a saucer of kangkong. Fruits for dessert and lots of juice....
Fat guy: Doc, shall I take them before or after meals?
Kodigo
Nahuling may kodigo ang estudyante.. .
Guro: Ano 'to?
Estudyante: Prayer ko po, ma'am!
Guro: At bakit answers ang nakasulat?
Estudyante: Naku! Sinagot na ang prayers ko!
SIOPAO
Kulas: Miss, isa ngang siopao... 'yung babae.
Waitress: Babaeng siopao?
Kulas: Oo. 'Yung may papel na sapin. Kumbaga, napkin.
Waitress: Ahh, ganun po ba? Lalaki po ang nandito.
Kulas: Lalaki?
Waitress: Kasi po, may itlog sa loob.
A Chemistry teacher asked a sexy student, 'What are NITRATES?
The student replied shyly, 'Ma'am, sa motel po. NITRATES are higher than day rates!'
Usapan ng dalawang mayabang...
Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.
WHO'S GUILTY?
Wife dreaming in the middle of the night suddenly shouts,
'Quick, my husband is back!'
Man gets up, jumps out the window and realizes,
'Damn! I AM the husband!'
Josh: Kumusta ang assignment?
Ricardo: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.
Josh: Naku, ako rin! Paano 'yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!
Dok: May taning na ang buhay mo.
Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru'n?
Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!
Lito: Pare, ano ba ang kaibahan ng H2O sa CO2?
Joseph: Diyos ko naman! Di mo ba alam 'yun?!
Ang H2O ay water! At ang CO2...cold water.
Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.
Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang
sabihin kung may basketbol sa langit.
Naunang namatay si Dado...
Isang gabi, may narinig na boses si Rodel na parang kay Dado.
'Ikaw ba 'yan, Dado?' usisa ni Rodel.
'Oo naman!' tugon ni Dado.
'Parang hindi totoo!' bulalas ni Rodel.
'O, ano, meron bang basketbol sa langit?'
Sagot ni Dado, 'May maganda at masama akong balita sa 'yo.
Ang maganda, may basketbol doon. Ang masama...
kasali ka sa makakalaban namin bukas!' (ngek!)
Usapan ng dalawang bata...
Junjun: Magaling ang tatay ko! Alam mo, 'yang Pacific Ocean ,
siya ang humukay nun!
Pedrito: Wala 'yan sa tatay ko! Alam mo, yung Dead Sea ?
Junjun: Oo...
Pedrito: Siya ang pumatay nun!
Stewardess: Do you want a drink, sir?
Sir: What are my choices?
Stewardess: Yes or No.
Misis: Hindi ko na kaya 'to! Araw-araw nalang tayong nag-aaway
Mabuti pa, umalis na ako sa bahay na 'to!
Mister: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon!
Mabuti pa siguro, sumama na ako sa 'yo!
Misis: Delayed ako nang one month pero huwag mo munang ipagsabi. Nahihiya ako...
Mister: Okey.
Kinabukasan, dumating ang taga-Meralco. ..
Taga-Meralco: Misis, delayed po kayo ng one month.
Misis: Ha? Bakit mo alam?
Taga-Meralco: Nasa record po.
Misis: Sasabihin ko ito sa Mister ko.
Mister: (Galit at nagpunta sa Meralco.)
Bakit naka-record diyan na delayed ang misis ko?
Taga-Meralco: Kung gusto ninyong mawala sa record, magbayad kayo!
Mister: Eh kung ayokong magbayad?
Taga-Meralco: Puputulan kayo!
Mister: Eh anong gagamitin ni misis?
Taga-Meralco: Pwede naman siyang gumamit ng kandila.
Advantage at disadvantage ng may-asawa...
ADVANTAGE: 'Pag kailangan mo, nandiyan agad.
DISADVANTAGE: 'Pag ayaw mo na, andiyan pa rin!
What is the difference between a girlfriend, a call girl and a wife?
Sagot: Post paid, pre paid, unlimited.
Sa isang classroom...
Titser: Class, what is ETHICS?
Pilo: Etiks are smaller than ducks.
Titser: Okey, that duck will lay an egg in your card.
Juan: Pare, noong mayaman pa kami, nagkakamay
kaming kumain. Ngayong mahirap na kami, nakakutsara na.
Pedro: Baligtad yata?
Juan: Mahirap kamayin ang lugaw, pare!
Umuwi si mister nang 4:00 AM at nakita niya ang kanyang misis na may katalik na lalaki sa kama ...
Misis: (sumigaw) SAAN KA GALING?!
Mister: Sino 'yang katabi mo?
Misis: GRABE KA! HUWAG MONG IBAHIN ANG USAPAN!
Rodrigo: Bakit bad trip ka?
Harry: Nagtampo sa 'kin ang utol ko.
Rodrigo: Bakit naman?
Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya.
Rodrigo: 'Yun lang? Anong masama ru'n?
Harry: Ang masama ru'n... twins kami! Twins
Tuesday, September 2, 2008
Ang lakad...
Habang ang karamihan ay nahumaling sa muling pagsasama-sama ng Eraserheads sa Taguig nung sabado, nag-gayak din ako ng lakad. Hindi upang manood sa konsyerto ng pinakasikat na banda sa buong Pilipinas, kundi upang pumunta sa paborito kong lugar na pinagtataguan. Sa tuwing magba-byahe ako papuntang Batangas, kakaiba lagi ang pakiramdam. Naiiwan ko ang mga problemang lagi na lang pumapalibot. Punyeta... halos buong buhay eh puro problema na lang yata ang sasalubong sa atin. Sa pagpasyal ko ulit sa amin sa Talisay, nag-iiba ang aura ng mukha ko, habang palapit ng palapit ang sinakyan kong pampasaherong dyip sa aming bahay. Ginabi na rin ako, may importante pa kasing nilakad nung sabado ng hapon.
Madilim ang kalsadang tutumbok sa pintuan ng bahay pagbaba ko sa harap ng eskwelahan. Kung sa Maynila ito, malamang matatakot ka sigurong dumaan dun. Iisipin mong may holdaper na nag-aabang at minamatyagan ka sa isang sulok. Pero sa Maynila yun, dito malamang may makasalubong ako na isa sa kapitbahay, kamag-anak, o kakilala ng pamilya na sabik na mangumusta. Ang sarap ng buhay pag ganun ang sumasalubong sayo at hindi patalim o kaya baril.
Wala pa rin naman pagbabago sa bahay, ang tiyo lang ang naabutan na nanonood ng telebisyon. Nagpasabi naman akong darating ako, medyo ginabi na nga lang. Nakaplano na talaga ang pagpasyal ko nung nakaraang linggo pa, kaya lang maraming inasikaso at medyo masama ang pakiramdam kaya hindi ko na rin itinuloy. Kinumusta ko ang tiyo na nung isang buwan lang ay nakagat ng aso ng kapatid ko na iniwan nila dun sa bahay nung bumalik siya sa Doha at ang pamilya niya ang bumalik sa Mandaluyong at doon ulit tumira. Maayos naman ang kalagayan niya, hindi naman napasama ang pagkagat sa kanya. Medyo nangayayat nga lang yung aso. Ang alam ko may anting-anting ang tiyo ko eh, baka niligtas siya nun, hehe.
Kinabukasan, ang aga kong nagising, alas singko, pero hindi mabigat ang pakiramdam. Doon lang ako nakakaranas ng maayos na gising kahit puyat. Nagkape sa terasa, nag-agahan, at pagkatapos naghalungkat ng mga gamit. Kaunting punas at linis, at ayos ng mga gamit. Ang aga pa, wala na akong gagawin. Makatambay nga muna sa mga pinsan ko sa may lawa.
Sinalubong agad ng pinsan at nagkumustahan pagdating ko sa tabi ng lawa. Mahina raw ang kita ngayon, walang gaanong turistang pumapasyal. Pero maswerte nung araw na yun may tatlo silang bisita na ihahatid sa pulo. Isang linggo na ang dumaan nakaka isang kustomer pa lang daw sila. Wala daw gaanong namamasyal ngayon sa bulkan, epekto yata ng giyera sa Mindanao. At umabot ang kwentuhan simula alas dyes hanggang alas tres. Dun na rin ako nagtanghalian, naubos ko pa rin ang inihanda kahit na mabibighani ka sa tanawin habang kumakain.
Sayang at matatapos ang araw na luluwas din ako. Kung pwede lang dun na mamalagi. Kung pwede lang dun na maghanap-buhay. Kung pwede lang dun na manirahan malayo sa mga problema at mga taong nakapalibot sa tinitirahan namin ngayon. Kung pwede lang. Kaso hinde pwede eh. Paggising ko bukas, puro TUPPERWARE na naman kaharap ko. Paggising ko tatambad na naman ang mga pasaway. Paglabas ko ng bahay, puro siraulong traysikel drayber at jeepney drayber na pinagkaitan ng Diyos na ngumiti. Puro reklamo sa lahat ng makasalubong mo. Puro usok na pumapatay sayo.
Di bale, kahit isang araw lang nakatikim din naman ako peace of mind. Yung iba nga dyan sampung taon nang namatay, eh hindi pa nakakatikim.
Subscribe to:
Posts (Atom)