Binabati ko si Willy Wang sa pagkapanalo niya ng gintong medalya sa Beijing.
Pero teka muna, bago tayo magpunyagi sa tagumpay ng ating kakabayan, may gusto lang akong iparating sa ating “MAHAL” na gobyerno:
PUNYETA kayo! Wag nyong pinaglololoko ang mga Filipino!
Hindi kami BOBO para hindi maintindihan ang ibig sabihin ng salitang “OLYMPIC Event” at “TOURNAMENT”. Si Willy ay nanalo sa Wushu Tournament na ginanap sa Beijing din mismo, na nagkataong isinabay doon din sa pinag-ganapan ng katatapos lamang na Olympics. Hindi rin kami BOBO para maniwalang Olympic Event ang Wushu dahil hindi ito naka lista sa talaan ng Medal Tally sa Olympics. Nagpapaniwala kayo sa Tsina na mahigit limandaang taon na tayong pinaglololoko. Hindi naman kami TANGA upang maniwala na ginamit na lugar ng pagdadausan ng torneo ang Beijing para magmukhang saklaw ito ng Olympics.
Kung Olympics lang naman ang usapan, eh, sa tingin nyo kaya makukuha natin ang gintong medalya sa Wushu, na isang laro na nagmula sa Tsina mismo? Kung Olympic event yan, sa tingin nyo kaya may pag-asa tayo sa mga intsik sa Wushu? WALA maski isa. Siguradong gagawan ng paraan ng Tsina na makuha nila ang gintong medalya dyan, sa anumang paraan, upang ipandagdag sa medal tally nila sa Olympics upang ipakita sa buong mundo ang kanilang kakaibang galing sa larangan ng palakasan.
Hindi sa binabalewala natin ang tagumpay na nakamit ni Willy Wang, pero sana wag na po tayong sumakay sa pagkapanalo niya kasi wala naman tayong naitulong. SARILING SIKAP ng tao kung bakit siya nanalo sa paligsahan. Wag na po tayong sumakay sa kasikatan ng tao, kung noong bago siya sumali sa paligsahan eh ni katiting na pansin hindi ninyo magawang ibigay. Pagkatapos ngayong nanalo siya nagkukumahog kayong magmalaki na para bang kayo ang pangunahing dahilan ng tagumpay ni Willy. Wag na kayong magpapapogi, kung pwede lang! Kahit magpa plastic surgery pa kayo kay Dra. Belo, hindi na matatakpan ang kapapalkan ninyo, kahit sa larangan ng Sports. Kaya pala translation ng SPORTS sa Tagalog ay PALAKASAN - palakasan ng impluwensiya at pakapalan ng mukha pala ang ibig sabihin nito.
Kung pwede lang, patahimikin na ninyo ang sambayanang Filipino! Pati ba naman sa SPORTS ginagawan ninyo ng kasinungalingan at katarantaduhan? Maawa naman kayo sa sarili ninyo, kahit huwag na samin. Hindi naman kami ang babalikan ng karapatang parusa pagdating ng paghuhukom. Kung gusto ninyo, si Manny Pacquiao na lang ang uto-utuin ninyo. Siya na lang ang gamitin ninyo kung sa tingin ninyo ay maibabalik sa inyo ang tiwala ng sambayanang Filipino. Wag na kayong mandamay ng inosente...
Binabati ko ulit si Willy Wang sa kanyang tagumpay! Sana lang hindi siya mauto ng pamahalaan natin katulad ng milyong milyong Filipino na nauto nila simula pa nung 2001.
kasama sa Olympics yun, yung nga lng tulad ng Bowling na nanalo ng gold si Bong Coo noong 1992 Olympics, ay isa lng etong exhibition sport na hindi kasama sa medal tally...malas kng saan exhibition sport pa tayo nanalo...pero Olympics pa ren yun at hindi ibang tournament..at least na iplay ang national anthem ng Pinas nung nanalo si Billy Wang (anak ni Mr. Wang daw)
ReplyDeletepinagtatalunan pa ren ng IOC kng isasama ang wushu bilang official sport sa Olympics (meaning kasama na sa medal tally) kasi sabi ng iba para lng syang ballroom dancing...pero sana maisama sya dahil maraming Pinoy ang ng e-excell jan ...
ReplyDeletesana isama na ren 9 ball at 8 ball para pwede manalo sina Bata Reyes hehe....tsaka sabong na ren...at pusoy dos...kara krus...jueteng...para may laban mga noypi...or paramihan ng kurakot...
hahaha marky...
ReplyDeletepero bakit tournament ang nakalagay kahit na exhibition sport? hindi naman nila nilagay na bowling tournament yung sa Soeul Olympics noon diba?
o mali lang ang English Grammar nila kaya nilagay ang salitang tournament?
kasama bang nag parade si Billy nung opening? hindi ko nakita kasi walang WOWOW channel samin ngayon...
o kaya gawin na lang Exhibition Sports lahat...
ReplyDeletepara may pag-asa tayong magka GOLD!
tutal mga exhibitionist pala tayo =))
onga kng alin yng di kasama sa bilangan dun pa nakaka gold,,,di ko ren napansin parade ng Pinoy athletes, mas madami pa kasi official "kuno" na kasama kumpara sa athletes (15 athletes)...
ReplyDeleteyung namatay na asawa ata ni Saguisag dati ang head ng Wushu Federation, so okay na offering yan para sa kanya...
wahehehe...lagi akong nanonood,ni isang pinoy wala akong nakita,kumusta naman,maging si manny d ko nakitang naglaro..naglaro nga ba or nagpapogi lng si manny dun sa parade;)) HINDI KASAMA SA OLYMPIC ANG WUSHU! tapos n ung usapan dyan.dahil kung kasama ang WUSHU sa olympic game...talo n ang pinoy..dahil mas magaling ang tsina(lalo na sa panloloko,)
ReplyDeleteat kahit ata ang IOC e naloko n rin ng tsina..lahat n lng ok sa IOC,kahit mali..kumusta ung 14 years old sa gymnastic,binalewala ng IOC un!
wait nawala n ko sa issue...e sino b si benny wang? mukha naman intsik ang apelyido,baka naman nag migrate lng yan sa pinas..tapos pinasali sa tournament n yan,hahahahha!!!
ReplyDeleteang alam ko talaga... WUSHU TOURNAMENT... hindi WUSHU EVENT...
ReplyDeletepinasakay lang sa Olympics...
si Billy Wang anak yata ni Mister Wang...
hindi ako nanunuod ng olympics..
ReplyDeleteyun lang!! :)
enough is enough!
ReplyDeletetama na ang panlolokong ginagawa ng gobyerno.
Hindi kami kasing bobo ninyo! at matalino na taon ngayun..
pinagtatawanan na lang ginagawa ninyong mga nakaupo sa pwesto.
so anu ba tlg? kasama sya or not?
ReplyDeleteeto masasabi ko sa gobyerno natin: WUSHU! tigilan nyo nga kami!
ReplyDeletew8. makakakuha kaya siya ng reward from the government considering na nanalo siya at nakakuha ng gold?
ReplyDeletedemonstration sport or tournament, it is not an Olympic event...
ReplyDeletehindi sila mailalagay sa medal tally...
kung ipipilit nilang Olympic event yun... dapat bigyan nila ng 15 million reward di ba?
sabi sa TV kanina napanood ko sa balita... TOURNAMENT...
ReplyDeleteso hindi OLYMPIC EVENT... hindi rin DEMONSTRATION SPORT...
at Chinese accent pala itong si WiIlly Wang... parang immigrant
mabuhay si willy wang,
ReplyDeletebakit nga ganoon sa demo sport na nakadalawa na tayo ng gold medal.
sa totoo wala pa...ano ba yan?! tsk tsk tsk
sa tawag pa lang, DEMONSTRATION SPORT...
ReplyDeleteibig sabihin, hindi seryoso ang mga kalaban natin...
kumbaga sa DREAM TEAM, eh exhibition game lang kung ituring...
pwedeng magpatalo yung mga super duper galing na atleta kasi wala naman masyado merit kahit na may medalyang ibibigay para pampalubag-loob...
Demo-sport lng ang wushu... may mali kasi sa media kaya nalilito ang mga tao.. akala nila kasama ito sa olympics... ang demo sport ay kumbaga testing lng para pag-isipan o makita ng IOC kung dapat nga bang isali ang wushu sa olympics.. parang gandyan din sa BILYAR na sa hanggang ngayon ay hindi parin kbailang sa olympics..kaya nga dina nag-aksaya ng panahon ang TSINA sa event na yan kasi nga hindi nman maitatala sa medal tally...
ReplyDelete