alas singko ng hapon... biglaang lakad, bitbit ang paboritong bag, lumuwas ng Maynila... wala lang... gusto ko lang eh... bumaba ng Cubao, nagliwaliw... pagkatapos naghintay ng masasakyan na byaheng Batangas
alas dies ng gabi... nakarating naman sa Tanauan... balot ng katahimikan ang bayan... mga ilaw na lang ang gabay... papunta sa sakayan ng last trip... upang humabol pa ng isa pang sakay pauwi ng bahay
alas onse ng gabi.. may natira pang hapunan na itinabi... paksiw na tilapia kasama ng kape
dinaan na lang muna sa tulog ang pagod...
ang ganda ng umaga kasama ng agahan... sabay tambay sa terasa sa harap ng halamanan...
andami na rin punla ng tiyo Rudy... naalala ko dati tuloy noong nagdidilig ako ng halaman paggising ko tuwing alas sais ng umaga...
papunta ako sa mga pinsan ko... mangungumusta... at tatambay sa tabi ng lawa... ang ganda tignan ng Tagaytay mula sa kalsada...
baka gusto nyong umarkila ng bangka... mega-promote habang naghihintay ng jeep paluwas...
hindi yan ang sasakyan ko... byaheng Cubao dapat... dapat ung mga paninda na lang pala kinunan ko... wala akong nakitang shing-a-ling eh...
dumaan sa Mandaluyong... nagpabinyag si pinsan eh... sarado yung isang kalsada para sa bidyoke... eh sarado naman talaga kasi ginagawa pa eh... pag natapos tong kalsada na to walking distance na lang ang Rockwell sa amin... tumbok nito yung bagong tulay na pina-plano galing Mandaluyong papuntang Rockwell...
great combination... naubos naman yan... marami pang napag usapan... nasita pa ng kapitbahay... pero walang hangover...
hanggang sa susunod ulit...
