Wednesday, July 30, 2008

Minsan may isang makulit...


Putangina ang kulit naman...


May text brigade na pala ang Smartbro ngayon, sila yung mangungulit sa paniningil.


Bigla akong may na receive na text message galing sa legal office daw ng Smartbro.  Eh ano ngayon kung sa legal office kayo?


Bakit kayo mangungulit ng bayad ng serbisyo nyong pulpol?  Bakit hindi kayo makapaghintay kung kelan gustong magbayad ng tao?  Eh di daanin nyo sa legal! Eh ano ngayon?  Wala ba kaming karapatan bilang  consumer na mag insist ng gusto naming serbisyo?  At wala ba kaming karapatan na ibitin ang bayad dahil hindi kami kuntento sa serbisyo nyo.  Eh pakelam nyo kung hindi pa ako nagbabayad?  May karapatan akong mag prioritize ng babayaran ko ayon sa napapakinabangan ko.


I am invoking RA 7394, which states that I am protected against deceptive, unfair and unconscionable sales acts and practices... tulad nito:


Ang sabi ng Smartbro 384 kbps… tapos sa kontrata up to 384 kbps… ibig sabihin hindi aabot ng s84 kbps ang koneksyon mo.  Eh sakin maswerte na ang 340+ kbps.


Tapos ang technical support nyong walang alam sabihin kundi ire-refer kami sa technical para maayos ang problema nyo sa koneksyon.


Tapos walang installation charges na extra… pero kung gusto mong  magpapadagdag ng tubo sa receiver para mas mataas at mas malakas ang reception, magbabayad ka ng 450 pesos sa extrang tubong nagkakahalagang 100 sa hardware.  At ganun daw talaga ang charge ninyo.  Wag kayong mag-alala, nasa akin ang resibo at pinirmahan na statement ng lineman nyo, bukod sa text message, wag lang nakawin ulit ang SIM ko.


Maghintay kayo magbabayad din naman ako pero hindi kaagad!


At wag na wag nyo akong tatakutin tungkol sa penalty pag hindi ako nakabayad.





Matagal na akong takot.  Hahaha…..

24 comments:

  1. waaaaaaahhh.. mas makulit ka pa eh ;D

    ReplyDelete
  2. Hehehehe... Kasabihan nga "only in the Philippines".

    ReplyDelete
  3. eh bakit hindi ba pwedeng i delay ang bayad? tutal pangit ang serbisyo diba? ikaw ba gaganahan kang magbayad ng kuryente kung laging brownout sa inyo??? hahahaha...

    ReplyDelete
  4. hahahaha

    Duni alam ko na yan ... asar ako sa customer service nila minsan eh..

    tapos ung mga pumupunta na technical nila karamihan mga OJT's

    :P

    ReplyDelete
  5. may Legal office daw sila... yun ang mangungulit sa pagbabayad mo...
    palagay ko tatakutin ka pag hindi ka nagbayad agad...

    ReplyDelete
  6. dito sa atin takutan lang talaga... justice system dito patapangan... tingnan mo si Gonzalez mahilig manakot sa mga kalaban ni Gloria... ganyan rin yan... hayaan mo silang maghintay... hahahaha

    ReplyDelete
  7. pinag-iisipan ko nga kung babayaran ko pa eh...
    hindi ko naman nagamit...
    hindi rin ako makagamit ng VOIP... at least 512 kbps ang required...

    ReplyDelete
  8. hehehehe ung bf ng sister ko 3 buwan na d ngbayada.. wala namng legal na punta sa kanila!!

    ReplyDelete
  9. wla nman nakukulong sa utang na ganyan credit card nga wla e sus! yaan mo na yan hahaha

    ReplyDelete
  10. well hahaha ewan kolng kung nadadaan sa ganun!

    pero connection nga nila d ok minsan eh d ontime kumbga.. meron nun halos 2 months ako d nakaka connect :P

    ba hmingi ako ng refund bakit ba?!

    ReplyDelete
  11. hehehe... wala akong balak magbayad ng pwersado... magbabayad ako kung kelan ko gusto... :))

    ReplyDelete
  12. tapos walang alam sabihin ang customer support nila kundi na-endorse na yung kaso nyo sa technical ;))

    ReplyDelete
  13. hahaha sinabi mo pa!

    haayy yan mo n un...

    sila din ang dpat sumkit ulo ah sa pangungulit sa u!! :P sa paniningil!!

    ReplyDelete
  14. hahaha...!
    hindi ka na nila kayang matinagin sa pananakot.. kasi nga matagal ka ng takot..!
    :P

    ReplyDelete
  15. :)) mabuhay tayong late magbayad!!!!

    ReplyDelete
  16. lagot!
    kung yung amin nga..sabi naka demanda daw kami..wahahahahah!!!
    bat hanggang ngayun walang hearing 2001 p un.(telephone)

    sabi nga ni faderaka,"aba kung idedemanda e magdemanda..e sa wala ngang maibayad..ano sila?"
    :D

    ReplyDelete
  17. nakakainis na nga lahat ng services eh, mapa globe man, smart or sun. hindi mo na nga alam kung anong gagamitin mo eh. ang galing nila maningil, ayusin muna nila yung service nila no.. ^_^

    ReplyDelete
  18. hahaha kulit
    sunugin na yan kapitalistang smart bro

    ReplyDelete
  19. yon naman pala eh...matagal ng takot...hehehe

    ReplyDelete
  20. honga eh... sukat ba naman tinatakot ako... ahahaha...

    ReplyDelete
  21. yeah damn smart bro....
    after kaming nagbayad ng sobra 2k for relocation
    lalabas sa latest na bill na mag 1k daw kaming babayaran pa
    bwisit talaga...
    bahala silang mabulok ung 1k na yan...
    ndi namin babayaran yan

    ReplyDelete
  22. kinukulit pa rin ako ng legal hanggang ngayon hahaha...
    eh di magkulitan kami =))

    ReplyDelete