Sunday, April 20, 2008

Rosario



14 Abril, 2008

 

Hindi ko makita ang rosaryo ko.  Isa sa importanteng bagay na lagi kong bitbit.  Hindi ko eksaktong matandaan kung kelan nag-umpisa akong magbitbit ng rosaryo, pero alam ko na ito’y nakaugalian na ng karamihan sa aking ka-batch sa eskwela nung high school.   Naging palatandaan ang paglalagay ng rosaryo sa bulsa ng pantalon, isang simbolo ng pagpapatunay na kami’y hindi nakakalimutan ng may-Likha, at pagpapa-alala na napakadali lamang syang tawagan.

 

Hindi ko makita ang rosaryo ko.  Kahit hindi ko kabisado ang pagro-rosaryo, halos alam ko ang lahat ng lintanya ng mga dasal dun.  Sa wikang Ingles ha.  Sa apat na taon kong itinigil sa Catholic School, imposible naman sigurong hindi ko matandaan ang mga dasal, pati nga ang misa sa Ingles nakakasunod pa ako.  Makakalimutan man minsan ang pagsambit ng rosaryo, may libreta naman ako sa wallet na kaagapay upang hindi magkamali sa pamamaraan ng pagdarasal.  Pero kadalasan maigsing bersyon ng pagro-rosaryo ang ginagawa, yung deretsong dasal - Apostle’s Creed, Lord’s Prayer, Hail Mary, Glory Be, Fatima Ejaculation, Hail Holy Queen, na walang kasamang anunsiyo ng mga misteryo – basta dasal lang hanggang makatapos.

 

Hindi ko makita ang rosaryo ko.  Ang rosaryong binili ko pa sa Alumni Office sa aming eskwelahan, sa umpisa dahil gusto ko ng isang bagay na magbibigay ng swerte sa akin ngunit sa itinagal ng panahon ay naging bahagi ng buhay ko, lalo na kapag dumarating ang mga pinaka mahirap na problemang ibinabato sa akin ni Hesus.  Siguro pinapa-alalahanan ako ng hindi lang dekorasyon ang rosaryo ko sa bulsa ng maong.  Ito ang magsisilbing pantawag ko sa Kanya, hindi na kelangan ng credits, hindi na kelangan ng baryang panghulog, hindi na kelangan humingi pa ng load kanino man para lang masabihan Siya.

 

Hindi ko makita ang rosaryo ko.  Ang rosaryong pinagpalit ko rin ng rosaryo sa isang kaibigan nung ako’y nasa Mapua pa.  Summer classes noon, kaklase ko si Marlei sa kursong arkitektura at katabi ko sa lamesa habang nagkukulay ng aming proyekto.  Hindi ko matandaan kung papano nya nakita ang rosaryo ko, siguro bumubunot ako ng barya sa bulsa, sumabit at sumama na lang bigla.  Dumudukot yata ako ng barya noon pambili ng pagkain, limang oras ang klase naming maluwag naman ang maestro dahil nga sa haba ng oras at init ng panahon ay napilitan na ring pumayag na bumili kami ng makakain.

 

“Uy, rosaryo yan ah. Meron din ako nyan!”, sambit ni Marlei.

“Lucky charm ko.”, sagot ko naman, sabay sunod na itinanong, “Talaga? Catholic School ka rin siguro nag-hayskul no?”.

“Oo. Sta. Catalina.”,  ang sagot ni Marlei sabay tanong din, “Alam mo yun?”.

“Malapit yan sa may Arellano Legarda, tama ba? Sa Don Bosco Manda ako, alam mo yun?”, ang tanging naisagot ko.

“Oo, alam ko yun, taga Mandaluyong din ako, sa may Nuwebe de Pebrero, malapit sa Welfareville.  Gusto mo palit tayo ng rosaryo?”, biglang sabi niya na siyang ikinagulat ko.

 

Isang maghapong kwentuhan ang nagpatuloy na nauwi sa pagpapalit ng rosaryo.  Ang sa akin ay napunta sa kanya, at ung rosaryo nya ang napunta sakin.  At hindi ordinaryong rosaryo yung nakuha ko.  Sabi nya galing daw Lourdes, France at luminous, sa madaling salita, umiilaw sa dilim kapag ito’y nasinagan at nakapag-ipon ng karampatang liwanag.  Ano lang naman ung sakin, gawa sa plastic pero hindi Tupperware, pero nakipagpalit pa rin si Marlei, hindi ba siya lugi nun? Sa totoo lang kras ko na siya simula nun, pero nananatili pa rin kaming magkaibigan hanggang sa kasalukuyan.  Ang ganda kaya nya, finalist sya sa She’s Got The Looks ng Eat Bulaga(1993 yata yun), at may boypren na gwapo na kabarkadahan din naming magkaka-batch sa “Arki-Torture”.

 

Hindi ko makita ang rosaryo ko.  Ang rosaryong swap kay Marlei na hanggang ngayon ay bitbit-bitbit ko pa rin kung saan man ako sumuong na landas, kung anumang gusot ang nilusutan, kung anumang problemang sa likod ay pinasan.  Ang alam ko naiwan ko lang sya sa bulsa ng pantalon, marahil sa sobrang pagod ay nakalimutan tanggalin, baka nalabhan ni Manang Rose at hindi napansin.  Baka sumama sa sa naitapong tubig at inanod na sa kanal at tinangay ng agos papunta sa anumang maruming sapa o ilog na kalalagyan.

 

Hindi ko makita ang rosaryo ko, pero hahanapin ko pa rin sya.  Alam kong andyan lang yan sa tabi-tabi, marahil nakaipit sa mga damit sa mga sisidlan o kasama ng mga importanteng bagay na matagal ko nang itinatago sa mga kahon.  Hindi sya mawawala sa buhay ko, nararamdaman ko andyan lang ang rosaryo ko.  Katulad ni Hesus, hindi ko man nakikita, ngunit alam kong palagi Siyang andyan para sa akin.











































29 comments:

  1. online ka :)) nagtatago... hahaha...
    wala pa ung mga pics nung partee!!

    ReplyDelete
  2. uy.. ngaun nalang ako ulit nakabasa ng blog mo ah
    ilang araw kc nanahimik ehh.. musta?

    galing namn nag rorosary ka pla.. ako nde..
    pero nag dadasal namn ako everynight
    bago matulog =]

    ReplyDelete
  3. hahaha tenchu...
    lintek kasi 4 na araw akong walang koneksyon...
    tinawagan ko na sa ISP ko... hindi rin nila alam...
    kagabi ko lang nakita nginatngat ng daga ung cable ko...
    pinalitan ko na lang mag-isa ung cable :D

    minsan lang... tuwing October kasi Holy Rosary Crusade lagi nun...
    hehehe... tsaka pag may special request...
    tsaka lucky charm ko yan... bitbit ko lagi... :-)

    ReplyDelete
  4. plorwaks, ako din may rosary... since high school lagi ko dala sa bulsa ko or sa bag. pag nakakalimutan ko, parati akong muntik maaksidente.

    i'm not really a devotee, bihira nga akong magsimba eh. pero di ako nakakalimot magdasal and malaki paniniwala ko sa kanya.

    sana mahanap mo na rosary mo....

    ReplyDelete
  5. Sayang yung rosary may sentimental value pa naman! And I guess lucky charm mo talaga! Hanapin mo! kahit na isang parte lang makita mo itago mo parin!

    ReplyDelete
  6. salamat, nakita ko na sya...
    delayed post lang kasi wala akong koneksyon ng internet... :D

    ReplyDelete
  7. last line lang yata nibasa mo [-(

    ReplyDelete
  8. ang bilis mag-reply... defensive!

    ReplyDelete
  9. nice blog....

    bigyan kita bago ?:)

    ReplyDelete
  10. i have here...bigay ko na lng sa u kuya donnie if u want...bagay sa lalaki ung akin kasi blue n crystal like sya=D

    na curious ako dun sa babae at sa bf nyang arkitekchure din:-?

    ReplyDelete
  11. Arki rin... si Alexei ba? alam ko sila rin nagkatuluyan...

    nakita ko na ung rosaryo...
    dun sa Gap kong pantalon na corduroy(yabang!)
    hahaha...

    ReplyDelete
  12. d naman kayabangan ang tawag dyan kung totoo naman,nuxz!:P

    ReplyDelete
  13. hahaha totoo ung Gap na pantalon...
    at hindi ako mahilig mag shopping ng mamahalin...
    karamihan bigay :D

    ReplyDelete
  14. naman! cge bigyan n rin kita...


    Levi's made in China with matching levi's shoes pa ....imi nga lang,hahahah!!!

    ReplyDelete
  15. Levi's o Lives? :))
    naalala ko nun may lumabas na Lives gayang gaya ung Levis na logo...

    ReplyDelete
  16. meron nga dito,alam mo naman mga taga china magagaling mag imi..ang diff lng sa orig is syempre ung quality nung pants;)

    ReplyDelete
  17. yung patahi sa Recto dati maganda rin minsan ang kalidad kahit ung mga corduroy... kaya lang isang beses na holdap kmi dun...

    ReplyDelete
  18. ako din madaming rosaryo.. o_0 sangkaterba. bigyan kita isa. kahit nakita mo na. pero gawin mo muna theme design ko ehehhe.

    ReplyDelete
  19. galing Lourdes at luminous din ba?

    ReplyDelete
  20. galing sa paray le monial (dyan nagpakita ang sacred heart), france. ;)

    meron ding galing sa desanzano, italy kung saan naman nakatira ang foundress ng ursuline sisters ;) ano na kailangan pasiyahin mo ako sa theme design pag hindi ewan ko sayo hehe... ;)

    ReplyDelete
  21. meron malaki sa bahay sa Batangas yung rosaryo na pwedeng isuot ng 5 tao maluwag pa...

    ReplyDelete
  22. “Arki-Torture”.


    nakadikit sa noo ko to. haha sabi nga pala ni manong badong archi ka nga rin daw. coooooooooooool :D

    ReplyDelete
  23. oo pero hindi ako naka tapos ng Arki-Torture... ung mga prof. ang torture eh...
    yung course... pwedeng kayanin kung magse seryoso lang...

    ReplyDelete