Sa mga hindi nakaka-alam, ang San Roque Dam ang pinakamalaking dam sa buong Pilipinas at Timog-Silangang Asya, ikalawa sa buong Asya at pang ikalabing-dalawa sa buong mundo, ito ay ayon sa mga factual na impormasyon.
Inaprubahan ang pagpapagawa ng dam noong panahon ng termino ni Pangulong Fidel V. Ramos at itinuring itong isa sa pinakamahal na proyekto noon. Ang magiging pakinabang daw nito bukod sa patuloy na supply ng kuryente ay ang pagre-regulate ng tubig sa irrigation system papunta sa mga malawak na sakahan sa Pangasinan at ang pagpigil ng tubig baha na rumaragasa sa ilog ng Agno tuwing panahon ng malalakas na bagyo at ulan.
Mula sa panukalang Build-Operate-Transfer scheme na kadalasang proposal sa mga infrastructure projects dito sa Pilipinas upang mabawasan ang gastos ng pamahalaan, inumpisahan ang paggawa ng dam noong 1998, at natapos noong 2003.
Bumaba kaya ng singil sa kuryente ng Napocor dahil merong karagdagang imprastraktura na magpapabuti ng kalagayan ng sector ng elektrisidad ng bansa?
Hindi, dahil hanggang ngayon ang Pilipinas pa rin ang isa sa may pinakamataas na singil sa serbisyo ng kuryente, mas mataas pa nga tayo sa ibang mauunlad na bansa kung tutusin.
Umunlad ba ang mga pamamaraan ng mga magsasaka ukol sa pagkakaroon ng maganda at masaganang ani sa kanilang mga bukid?
Hindi, dahil hanggang ngayon ang pangunahin pa rin nating solusyon sa kakulangan ng supply ng pagkain ay ang pag-import ng mga gulay at bigas sa mga karagtig bansa habang ang mga lupang sakahan ay ibinibenta at iginagawad sa mga ganid na kapitalista na ginagawa itong Mall o kaya sa mga pulitikong kunyari nag SIPAG at nagTIYAGA at ginagawa naman itong SUBSTANDARD LOW COST SUBDIVISION.
Napigilan ba ang pagbaha sa Pangasinan?
Kayo na siguro ang makakahusga nitong mga nakaraang mga araw kung ano talaga ang naging epekto ng isang makabagong proyekto sa ngalan ng pekeng kaunlaran. Sino ba talaga ang umunlad? Ang mamamayan o ang mga nakaupo sa kanilang de-aircon na opisina na walang alam o marahil walang pakialam sa tamang pagpapatakbo ng isang sensitibo at higanteng makinaryang makakapagdulot ng malaking kita at pera o trahedya?
Para sa mga nasa likod ng pamunuan ng San Roque Dam sa Pangasinan, ito lang ang tanging masasabi ko sa inyo:
DAM YOU!
pagbabago sa sistema!
ReplyDeletekakasawa na nuh?
DAM them
mga walang pakiramDAM...
ReplyDeletedamn that dam
ReplyDeletedam them kasi hahahaha =))
hayy ang mga lintik na dam na yan!
ReplyDeletein fearness natawa ako dun sa pic!! hehehe
at ang tanong din
ReplyDeletekninong lupain ba ang hinahatiran nito ng irigasyon?
pra b sa ordinaryong mgsasaka o pra pla talaga
sa panginoong may lupa
double whammy
bow!!!
ReplyDeleteOo nga naman...
ReplyDeleteoo nga, DAM! hehe
ReplyDeletethis one i agree----
ReplyDeleteang mga naka upo, na walang pakialam at personal na interest lamang ang mahalaga sa kanila
papasok ang capitalista- at i co-corrupt nila ang sistema-
yung mamumuhunan- ang papel nyan mamuhunan lamang
but if you lure them to corruptions then the monster will rise
kung ang mga nakaupo- ay matino-
papasok ang capitalista- nandun pa rin ang papel nyan
ang mamuhunan- ngunit dhail matino ang mga nakaupo
(example)- hindi uubra ang payola- at personal na interest
magkakarun ng mahusay na regulations at mapupunta
sa tama ang pera at proyekto-
sino ang susi sa paghihirap ng bayan?
hindi ang pera at capital ng mga pumapasok na
may interest na mapalago ang pera nila
kundi ang mga nakaupong politikos at mga
elitistang nakikisawsaw sa bulok na sistema
ng pamahalaan- sila ang makikinabang -
sa napaka simpleng halimbawa-
isang taga timbuktu ang nagbalak mamuhunan
magtayo tayo ng sari sari store sa Sampaloc
University belt- maganda ang feasibility studies
kc University belt at ang producto natin ay tiyak
kikita-
pagkatapos ng transaction babalik na tayo
sa timbuktu sa ating locations-dahil
naihabilin na natin sa CEO-
or sa pinagkakatiwalaang manager sa Sampaloc
(gobyerno) ang ating sari sari store etc...
pag lumago- magkakarun ng mas maraming produkto
promotions- sales- giveaways- percentage sa charity
tamang taxes- project sa mahihirap at working class
bonds, stake holders open to public etc---
what happened?
yun pala- ang manager sa Sampaloc
na pinagkatiwalaan ay nagloko shall i detail corruptions?
mahaba yun- nxt time nlang-
bottomline- kailangan ang matinong gobyerno-
para lahat ng proyekto at pera mapapunta sa
tamang paraan-
^__^
exerpt:===========
"mga ganid na kapitalista "
Agreed- ang mga kapitalista ang concern nila syempre
ay ang kanilang pera at kung paano kumamal pa ng pera
come on let's be honest sinong ayaw ng bultu bultong
pera?-
wala namang sama kung tumubo ka ng bilyon bilyon
what's wrong with that? ang masama-
ay yung mga pulitikos at elitista na nagpapaikot
ng bulok na sistema- gahaman sa pag hawak
ng perang hindi naman kanila talaga-
uubra ba yang mga kapitalistang yan kung matino ang
gobyerno? kung may malasakit ang gobyerno?
kung maala ala nila na dapat ang mga mamamayan
ay magkarun ng parte sa kaunlaran?
Let me take this opposrtunity to impart readers about MONEY-
ReplyDeletehindi ko naman ipipilit ang aking opinion sa iba-
but since tayo naman ay nasa demokrasya- i can post this way
since this topic involves a dam, the money involved
to build this dam, which should have been
helpful ang beneficial to people-- MONEY-MONEY
Desire for money, or greed for money if you prefer to use stronger language (reminiscent of a scene from the movie Wall Street), is a good thing when people play by the rules, and when their desire for money and status results in better ways of doing business and in inventions that help people and that make the world a better place.
Desire for money and status is only bad when people do bad things in order to obtain what they desire. And even then, it’s not “greed” that’s really bad, but the person who’s doing the bad things who’s bad.
The goal of a just government should not be to punish people for being successful in obtaining money, but to create rules to ensure that competition for money results in good for society
sisisihin ko pa rin ang gobyerno dito-
that's the DAM truth!
ReplyDelete