Tuesday, April 7, 2009
Binabati ko kayo sa kamatayan ni Hesus...
Habang nagkaroon ako ng pagkakataon na gumala at magmasid sa kalsada, nakita ko ang mga bagong tarpolin na nakasabit sa mga kable ng kuryente at poste. Akala ko congratulatory banner para sa mga bagong graduates, hanggang sa mapansin kong may anyo ng krus at kalbaryo sa background. Para pala sa pag-gunita ng Semana Santa, galing kay magiting na konsehal.
Pag-uwi ko naman narinig ang nagpapalahaw na ingay ng malakas na ispiker galing sa kapilya na naghahanda para sa pabasa. Habang inaayos at nililinis ang kapilya, nakalagay sa isang lokal na istasyon ng radyo, at sunud-sunod ang mga naririnig kong mga pagbati galing sa mga lokal na opisyales dito sa lugar na tinitirhan ko sa kasalukuyan.
Nag-isip ako tuloy. Papano mo babatiin ang isang tao para lamang gunitain ang sakripisyo ng anak ng Diyos upang tayo'y maligtas sa mga kasalanan natin?
Binabati ko kayo sa pagkamatay ni Hesus...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hindi ba sa easter sunday lang naggi-greet?
ReplyDelete
ReplyDeletepati daw sa pagkamatay may bati na rin....
meron nga P100 bayad dito para ma-experience ang Panata at Penitensiya ni Tsip Tsao...
at ginamit na ng Diyos sa kalakaran ng eleksyon.
ReplyDeletepatawarin sana nawa sila:)
ang alam ko rin easter sunday kaso wala pang easter sunday...
ReplyDeleteewan ko ba sa mga pulitiko dito... lahat na lang inangkin in da neym op pablik serbis...
ReplyDeletepag may nanalo, may banner agad sa kalsada...
mga topnotchers, mga honor students, mga board passers...
pati si aljur abrenica hindi pinatawad...
parang akala mo sila ang may kagagawan kung bakit nakamit ng tao ung award niya...
hinihintay ko na lang yung maglagay sila ng tarpolin sa gitna ng kalsada:
ReplyDeleteCONDOLENCE to the Arroyo Family!!!
Ahaha! pati ang pagkapanalo niya?!
ReplyDeleteAhaha. Pati ang pagkapanalo niya?!
ReplyDeletenaku... kaya ko nga nalaman na taga rito si aljur eh...
ReplyDeletekita ko agad ang banner nya noon...
haha AMEN ;-)
ReplyDeletekanina nanginginig nginig pa ang tula ni Axel Pinpin
sana narinig ng maldita kaso wala akong full copy! hehe.
pu+@n9!n@ mga pulitiko na yan pati mahal na araw hindi pinalampas. anu yun para malaman ng tao na maka-diyos sila??? sa Angeles ba yan Plorwaks???
ReplyDeletehave a safe holy easter!!!
ReplyDeletetsk tsk...
ReplyDeletemalapit sa angeles hehehe...
ReplyDeletenasa pampanga ka ng holy week?
makinig ka sa local radio andami nila greetings
andami ngayon magaganda sa pampanga naglabasan... lols
kpag nakakita ako ng tarpaulin aalisin ko.. mmya uwi palang ako uuwi... sana may makatabi akong chicks sa bus.. hehe..
ReplyDeletenakalimutan ko PHELPS iba ang nakasulat sa tarpolin sa Angeles:
ReplyDelete"HAPPY HOUR FROM 10PM to 2AM"
"NO COVER CHARGE"
"CHEAP BEERS, SEXY LADIES"
bwahahaha...
ReplyDeleteHa??????
tsk tsk tsk...malapit na naman kc election kaya ganyan, wait ka na lang next year, baka magsponsor pa sila talaga ng pabasa.
ReplyDeletemiss ko na ang pabasa.