Friday, December 12, 2008
Basag
Ang basag na salamin ay mananatiling basag habambuhay. Katulad ng mga relasyon, tila yata wala nang pag-asang maayos pa ang hidwaang nangyari, ang mga galit na kinimkim, at ang lungkot na dumadapo sa tuwing nababanggit ang isa't-isa. Oo inaamin ko, mataas ang pride ko, pero may hangganan din naman yon, kung sakaling magkaroon ng kompromiso, kakainin ko ang pride ko, alang-alang sa pagmamahal.
Sa tingin ko nagpakumbaba naman ako kahit konti eh. Sinubukan kong lumusong sa alon ng galit, ng walang kasiguruhan, na magparamdam sa iyo. Kung sakali man lamang, mapansin mo sana na gumawa ako ng kaunting hakbang upang magkaroon ng kaunting pag-asa upang magkausap. Pero wala akong nabalitaang pagsagot, marahil sa isip ko, ay hindi pa iyon ang tamang panahon para magparamdam at magpaalala na maaari nang kalimutan kung anuman ang naging alitan.
Ngunit nitong nakaraan lamang, pumasok sa akin ang realidad. Parang salamin na basag... hindi na maaaring ibalik pa sa dati. Magagamit pa siya ngunit hindi na katulad ng dati. Ang mga asal na nakita ang nagpatunay lamang na wala na talagang pag-asa pang maayos ang pilit na inaayos. Ang pagbalewala ang pagpapatunay na marahil hindi pa tama ang panahon, o lipas na ang panahon para ayusin ang lahat. Pagod na rin ako. Hindi ko na nais pang maging magulo ang nananahimik kong buhay. Marami pa akong mga responsibilidad. Mga responsibilidad na noong una ay mahirap matanggap sa kabila ng mga magkasalungat na desisyon. Mga responsibilidad na kailangang gampanan bunga ng mga pagkakamali. Mga responsibilidad na buong pusong tatanggapin, kung anuman ang magiging kahihinatnan sa hinaharap.
Hindi ako katulad ng iniisip mo. Hindi ako katulad mo.
Kung sakaling magtagpo muli ang ating landas, marahil kaunting sulyap na lang ang maibabahagi ko sa iyo... parang salaming basag... nakikita pero hindi bibigyan ng importansya.
Friday, December 5, 2008
Sana matalo si Money Pakyaw sa linggo...
Sana matalo si Pakyaw sa linggo!!!
Syempre kung Pakyaw fan ka aangal ka. Nakapa-unnationalistic ko siguro sa tingin mo. Napaka walang kwenta ako sa paningin mo. Sa tingin mo kulang ako ng respeto para sa isang katulad niya. Bakit ayaw kong suportahan ang National Pride ng Pilipinas? Bakit gusto kong makita na si Dila Hoya ang manalo?
Gusto ko lang makita ang mga pagmumukha ng lahat ng umaaligid sa kanya. Lalong lalo na si Sabit Singson. Ang kapal naman kasi ng mukha, kung makapapel eh parang assistant ni Freddie Roach. Pwede siya cockroach, kung saan-saan lumilipad, ang sangsang naman ng pagkatao.
Sino na naman kaya ang nasa tabi ni Pakyaw sa ring sa linggo? May kinalaman kaya sa training niya yun bilang isang ganap na boksingero? Ang pagtabi ba kay Money Pakyaw ay garantiya na makikinabang kayo sa swerte na dala ng isa? Suportang kaibigan kuno... Bakit? Ang ibig ba sabihin nun pag wala ka sa tabi ni Pakyaw eh hindi ka na sumusuporta sa kanya bagkus ibig sabihin ay hindi ka na kaibigan?
Eh si Mr. Environment Secretary kaya, nasa ringside din manonood? Isusuot nya kaya ang kanyang maswerteng baro na balot ng makukulay na bulaklak habang ang mga kababayan niyang nakatira sa Bicol Region ay nagkakandamatay dahil sa baha na sanhi ng malawakang climate change na dulot na rin ng mga environmental issues? Kunsabagay, mahirap nga naman pag hindi mo nababantayan ang pusta mo... baka mawala na lang sa isang iglap.
At syempre ang number 1 fan ni Money Pakyaw, the “EVIL BITCH” herself. Ano na naman kayang speech ang nakaready para sa pagkapanalo ni Pakyaw?
ANG TAGUMPAY NI PAKYAW AY TAGUMPAY NG LAHAT!
MABUHAY ANG PILIPINAS!
ANG GALING NG PILIPINO!
(Manuud kayu ng Pinuy Rikords kasama ku si Kristyo!)
Bakit pag nananalo si Pakyaw dun lang lumalabas ang mga makabayang slogan na mga yan? Pag natalo si Pakyaw meron kayang sisigaw ng mabuhay ng Pilipinas sa harap ng buong mundo? Keber ko lang.
Hindi ako galit kay Money Pakyaw, proud ako sa mga unang mga laban niya noon. Talaga naman nakakataas ng moral ang mga panalo niya noon kahit saang estero at sidewalk ka pa nakahandusay at namamalimos sa buong buhay mo dito sa Pilipinas. Hindi lang ako natutuwa sa panggagago sa mga Pilipino ng mga umaaligid sa kanya.
INAALAY NI MONEY PAKYAW ANG LABAN NYA PARA SA MGA KABABAYAN NATIN!
Para sa mga mahihirap.
Para ito sa mga kababayan natin walang makain.
Para sa mga kababayan nating pinagkaitan ng hustisya.
Para sa mga kakabayan nating nawalan ng pag-asa sa sistemang bulok.
Para din ito sa mga GANID at SAKIM.
Para sa mga PUMUSTA.
At syempre, para sa mga PARTYMATES nya sa 2010 elections.
Gusto kong matalo si Money Pakyaw sa linggo... anong masama dun???

Thursday, December 4, 2008
Sana matalo si Money Pakyaw sa linggo...
Sana matalo si Pakyaw sa linggo!!!
Syempre kung Pakyaw fan ka aangal ka. Nakapa-unnationalistic ko siguro sa tingin mo. Napaka walang kwenta ako sa paningin mo. Sa tingin mo kulang ako ng respeto para sa isang katulad niya. Bakit ayaw kong suportahan ang National Pride ng Pilipinas? Bakit gusto kong makita na si Dila Hopya ang manalo?
Gusto ko lang makita ang mga pagmumukha ng lahat ng umaaligid sa kanya. Lalong lalo na si Sabit Singson. Ang kapal naman kasi ng mukha, kung makapapel eh parang assistant ni Freddie Roach. Pwede siya cockroach, kung saan-saan lumilipad, ang sangsang naman ng pagkatao.
Sino na naman kaya ang nasa tabi ni Pakyaw sa ring sa linggo? May kinalaman kaya sa training niya yun bilang isang ganap na boksingero? Ang pagtabi ba kay Money Pakyaw ay garantiya na makikinabang kayo sa swerte na dala ng isa? Suportang kaibigan kuno... Bakit? Ang ibig ba sabihin nun pag wala ka sa tabi ni Pakyaw eh hindi ka na sumusuporta sa kanya bagkus ibig sabihin ay hindi ka na kaibigan?
Eh si Mr. Environment Secretary kaya, nasa ringside din manonood? Isusuot nya kaya ang kanyang maswerteng baro na balot ng makukulay na bulaklak habang ang mga kababayan niyang nakatira sa Bicol Region ay nagkakandamatay dahil sa baha na sanhi ng malawakang climate change na dulot na rin ng mga environmental issues? Kunsabagay, mahirap nga naman pag hindi mo nababantayan ang pusta mo... baka mawala na lang sa isang iglap.
At syempre ang number 1 fan ni Money Pakyaw, the “EVIL BITCH” herself. Ano na naman kayang speech ang nakaready para sa pagkapanalo ni Pakyaw?
ANG TAGUMPAY NI PAKYAW AY TAGUMPAY NG LAHAT!
MABUHAY ANG PILIPINAS!
ANG GALING NG PILIPINO!
(Manuud kayu ng Pinuy Rikords kasama ku si Kristyo!)
Bakit pag nananalo si Pakyaw dun lang lumalabas ang mga makabayang slogan na mga yan? Pag natalo si Pakyaw meron kayang sisigaw ng mabuhay ng Pilipinas sa harap ng buong mundo? Keber ko lang.
Hindi ako galit kay Money Pakyaw, proud ako sa mga unang mga laban niya noon. Talaga naman nakakataas ng moral ang mga panalo niya noon kahit saang estero at sidewalk ka pa nakahandusay at namamalimos sa buong buhay mo dito sa Pilipinas. Hindi lang ako natutuwa sa panggagago sa mga Pilipino ng mga umaaligid sa kanya.
INAALAY NI MONEY PAKYAW ANG LABAN NYA PARA SA MGA KABABAYAN NATIN!
Para sa mga mahihirap.
Para ito sa mga kababayan natin walang makain.
Para sa mga kababayan nating pinagkaitan ng hustisya.
Para sa mga kakabayan nating nawalan ng pag-asa sa sistemang bulok.
Para din ito sa mga GANID at SAKIM.
Para sa mga PUMUSTA.
At syempre, para sa mga PARTYMATES nya sa 2010 elections.
Gusto kong matalo si Money Pakyaw sa linggo... anong masama dun???
Subscribe to:
Posts (Atom)