Saturday, October 11, 2008
Pagkilos
Kabayan, kelan ka pa kikilos?
Binabagyo ka na ng katiwalian ng gobierno. Sandamakmak na kaso ng scam, magmula sa world’s most expensive highway, sa procurement ng military weapons, pati fertilizer pinatulan na rin, at ngaion pati broadband technology pinasok na rin nila. Hanggang kailan ka mananahimik sa kina-uupuan mo?
Tila yata may selective amnesia ka. Hindi mo na ba naaalala ang pandaraya ng 2004? Kukunsintihin mo na lang ba ang sabuatan nila ni Garci? Dahil ba action star lang ang mahigpit na kalaban nya sa eleksyon? Nagsawalang-kibo ka na lang dahil pakiramdam mo walang alam yung isa mapatakbo ng bansa? Nanahimik ka lang, kasi mas ok ang credentials nia kesa sa acting awards nung isa?
Naalala mo pa kaya ang decada 80? Inilabas mo ang lahat ng emosyon mo nung 1983. Ang sipag mong kinalampag ang bacod ng Malacañan nung 1986. Pinuno mo ang kahabaan ng Mendiola nung 1987. Hinarang mo pa nga ang mga tangke sa EDSA. Kaso… parang nauwi lang sa wala. Yung mga pinaglalaban mo noon, bakit tinatalikuran mo ngaion? Katiwalian, pandaraya, pangungurakot, at karapatang pantao. Hindi ba yan pa rin naman ang isyu ngaion? Napalitan lang ng starting line-up, pero sila sila pa rin ang magkakasama sa iisang team.
Pinipilit mo lagi na walang mangyayari sa pag-aaklas ngaion. Bakit sa tingin mo ba may magandang nangyari sa pag-aaklas nio noon? Ipinahamak nyo lang ang susunod na henerasyon. Nakamit nio nga ang pagbabago ng liderato, pero hanggang dun lang ang naitulong nio. Pinalitan nio nga ang mga namamahala, pero ang sistema pinabayaan niniong lumala. Sabi nio naging malaya tayo, pero ang mga demoniong nagpapahirap at lumalapastangan sa bayan natin, malaya rin.
Oo nga nagpapahayag ka ng pagtutol sa mga kabulukang nakikita mo, pero may ginawa ka ba bukod dun? Mas importante pa yata sa yo ang magliwaliw kasama ng iyong mga kaibigan sa Tiendesitas, Libis, Fort, Makati at Morato. Mas gusto mo pang nananahimik, dahil iniisip mo may mga sariling agenda ang mga nasa likod ng pagkilos. Maghihintay ka na lang ba ulit ng mga tangke sa EDSA bago ka umasta? Ningas-cogon ka lang ba?
Kabayan, karamihan sa atin pahirap na ng pahirap ang buhay, puera na lang siguro kung ang apelyido mo eh Ayala, Lopez, Madrigal, Abalos, Arroyo, Sy, Tan, atbp. Ang ibang kapitbahay mo nagpapa-alipin sa ibang bansa may makain lang ang familia. Ang iba dun umuuwi wala nang hininga. Bawat isa sa atin ay may utang ng mahigit na singcuenta mil sa IMF at World Bank, kasama dian ang magiging apo ng apo mo. Pasalamat ka at may isang Lozada na minsan nag-sacrificio para sa katotohanan, kung hindi eh kaya mo bang bayaran kung sakaling umabot pa sa ciento mil ang sisingilin sa yo na inutang ng gobierno mo pero ikaw ang sasalo?
Kabayan, tama na ang pagmumuni-muni lang, itigil na ang pananahimik lang, tama na ang sadiang pagwawalang-bahala. Kikilos ka lang ba pag ochenta pesos na ang halaga ng bigas? Pag beinte pesos na ang pamasahe sa jeep? Sinasayang mo ang panahon. Simulan mo na ang pagbabago, simulan na ang pagkilos... simulan mo na ang revolucion!
Para naman magkatotoo ang inaasam cong slogan para sa bayan:
“Esta nación será grande otra vez…”

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment