Palaging tanong na hindi ko masyadong nabibigyan ng karampat na sagot ngunit patuloy na ibinabato ng sinuman sa aking mga nakilala at nakasalimuha sa mundo ng internet…
Sa pagkakataon ngayon, naging interesante (o baka naman wala lang talaga akong magawa) at pinili kong umpisahan at ikwento ang buong salaysay:
Taong dos mil dos(2002)... buwan ng Mayo… bandang alas tres ng hapon… pang-gabi talaga ako pero nasa dayshift ng kasalukuyang trabaho dahil nagse setup ng mga PC sa bagong nilipatang opisina slash mukhang-bahay slash tambayan. Masasabing trabaho dahil kumikita, kahit na ang nature of work ay maituturing na confidential - “if I tell you, then I have to kill you” kind of stuff - pero hindi sya tungkol sa terorismo no. Tungkol lang sa medyo sensitibong mga bagay na sa ngayon ay hindi pa sigurong kayang tanggapin ng mga konserbatibong Filipino.
sige balik na sa kwento…
Dahil mahilig kami sa chat noon, ito lang ang tanging solusyon upang magpalipas ng oras sa panggabing trabaho. Meron kaming tambayang chatroom sa gabi, na puro kabulastugan at kalokohan ang inaatupag.
Pero sa pagkakataong yun, nasa dayshift ako, yung mga karaniwang kong kasalimuha ay mga tulog!!! At dahil hindi ko mapigilan ang pangangati na mag type at mag post, in other words, mag chat… ayun! naglibot ako at nakita ko ang napaka interesadong pangalan ng chatroom…
NAGCHACHAT HABANG NASA OPIS! (kasama talaga ung exclamation point, para bang andun ung emphasis of defiance about prevailing company policies regarding chatting)
Uy, mukhang pwede ako dito… sige nga at makapagmasid…
Andun yata si TRUEASIATIC(hindi ko pa sya kilala nun), nang o okray ng ibang chatters o nagpapa quiz(parang WW2BAM). Tapos halos puno ang chatroom… maraming nag uusap, may nagtatanong tungkol sa personal, sa lovelife, sa trabaho, sa sex, sa fone number… lahat lahat na. Andun din yata si TRIP(ang alam ko pag andun si TRUE andun din si TRIP)… second the motion ni TRUE sa pang o okray yan…
Sa tingin ko nakahanap na rin ako chatroom na pwede kong maging tambayan na hindi masyadong guguluhin ng mga booter, ng mga flooders, mga bots at mga manyak na mahilig sa webcam shows. Kaya lang mukhang kelangan kong magpalit ng ID kasi masyado yatang conceited yung BEN_APLEK na ID ko. BEN_DIESEL kaya? Ay, meron na sabi ng Yahoo Profiles… naunahan ako…
Papano nga ba napunta sa plorwaks?
Naalala ko ung biru-biruan tungkol sa mga job offer. High paying jobs at per hour ang rate… pero mahirap ang trabaho: taga tulak ng barko sa pier, taga repair ng radiator ng Volkswagen beetle, taga vulcanize ng gulong ng tren at ang biglang nag click sa utak ko:
taga plorwaks ng runway…
Malapit ako sa
Pwede na… Unique ang dating… madaling matandaan kaysa sa deviation ng pangalan mong maraming kapareha at magkakatalo lang kayo sa mga additional characters o number na idinugtong… mala ladiesman217… na marahil ay ibig sabihin na 217 na kayong naka-isip ng ganung ID…
Hanggang sa lumipas ang panahon na tuluyan nang naikabit sa akin ang terminong yun at nagtapos sa pinaikling bersyon: PLORWAKS… hindi ko na rin iniba… ginamit ko na rin sya sa pangkalahatan… sa multiply, imeem, hi5, tagged, crunchyroll, pati na rin sa jobsdb, atbp. Dati sa friendster din kaso sabi ng mga batchmates ko wala raw silang kilalang plorwaks sa batch namin kaya todo explain ako at ibinalik ko sa first name ko para lang mapabilang sa grupo…
Sa itinagal ng panahon, ang Donnie ay naging synonymous sa plorwaks at ganun din ang plorwaks kay Donnie… parang Dr. Jekyll and Mr. Hyde… parang si Lord Byron na tropa ko nung high school: He is quiet at home, he’s noisy at school - ang description sa kanya sa yearbook namen…
Lahat naman tayo siguro may dual personality, yung isa ay yung kung ano tayo ngayon at yung isa ay yung kung ano ang gusto natin o yung mga bagay na itinatago natin sa iba at hindi natin magawa sa harap ng karamihan. Pwedeng alter-ego o kung anu man ang gusto nyong tawagin, minsan nagbibigay-daan para mailabas ang mga saloobin natin at upang tayo ay maging isang perpektong taong pinapangarap natin para sa sarili.
nyahahaha okei ;) akala ko may fetish ka talaga sa plorwaks hahaha...
ReplyDeleteanong akala mo sakin adik sa plorwaks :((
ReplyDeletehahaha uy wag umiyak hehehe. biro lang ;))
ReplyDeleteIkaw ang klase ng PLORWAKS na DYE. At dahil concentrated, nanunuot pag inapply, nagbibigay ng pangmatagalang kulay at buhay sa sahig. Ganon ka rin pare! May lasting effect!
ReplyDeleteWatugug Donnie! Naaliw ako dito kaya na-inspire akong gumawa ng version ko. Abangan na lang sa Multiply ko.
Mishu Plorwaks ng buhay namin!
~Alyas ExAlembong/ExMaldita
hahaha... sige... labasan na ng istorya...
ReplyDelete:) now i know..
ReplyDeleteitatanOng k rin sana eh! nyahahaha!
marami na ring nagtanong eh...
ReplyDeletengayon ko lang naisipan i-kwento...
para yung mga susunod na magtatanong may idea na :D
un pla un.. buti nlang binasa ko..
ReplyDeletegusto ko rin itanung un ehh..
nkaka aliw namn tlga ung PLORWAKS na name
tenkyu... tenkyu >:D<
ReplyDeleteastig nga ang plorwaks na name.. kakaiba di ba? now i know kung bakit plorwaks ang username mo dito..
ReplyDeletehindi lang po dito... halos lahat na yata ginamitan ko na ng plorwaks :D
ReplyDeleteah talaga.. sa bahay niyo tawag na rin sayo plorwaks?
ReplyDeletekakatuwa naman ang kwento mo, now we know why plorwaks ;p
ReplyDeletekasi si true medyo may idea na kami why "trueasiatic" ;p
Sa Chatroom kasi pag kaka iba ang Yahoo ID mo
ReplyDeletemas madali ka mare recognize like yung isa kong officemate na
nag invite sa kin mag chat sa NAGCHACHAT HABANG NASA OFIS!(kasama talaga ung exclamation point, para bang andun ung emphasis of defiance about prevailing company policies regarding chatting) his Yahoo ID is
"bawal_umihi_sa_pader" tapos meron din sa room ang name is dalawa_titi_ko
and action_star_na_naka_jacket.
Donnie, di mo binanggit yung lightning crashes mo na SN ha...ang korni nun eh... :)) :))
dami rin nagtatanong sa kin bat "thetrueasiatic" Yahoo Id ko and bakit lagi naka cover face ko.di ko sinasagot ..tinatamad ako eh
ayus nga e..
ReplyDeletekakaiba ung plorwaks..
badong kwen2han mko bkit trueasiatic ung syo..
JOANVILLAREAL
ReplyDeletesa bahay hindi nila alam ung plorwaks... hahaha...
BADONG a.k.a. TRUE
ung lightning_crashes2004 ay e-mail address hahaha korni ba...
yun ang naka add sayo ngayon diba? leche kasing mga booter na-deactivate ung orig kong ID na taga_plorwaks_ng_runway, pati ung ibang taga_plorwaks na ID, profile na lang ung ID ko ngaun para hindi na ma boot. Uso pa ba ang boot ngaun?
ung officemate ko taga_bunot_ng_runway partner kami dati nun...
Donnie, Korni nayung taga_bunot_ng_runway... korni na pag nanggaya.
ReplyDeleteJean, Sige kwento ko syo later sa YM.Teka alam mo ba yung "Mastaplann"?
bkit mo tinatanong kung alam ko ung 'mastaplann'?
ReplyDeletemay kinalaman ang Mastaplann sa Trueasiatic
ReplyDeletemastaplann dba mga singer/rapper un?
ReplyDeletetama ba?!?!?!
yup sina noel macanaya(DJ MOD), ung kapatid ni vivian velez, etc.
ReplyDeleteano kinalaman nun sa trueasiatic..
ReplyDeletehehe..
kaw nlng kya mgkwen2 nyahahahaha
nice onee.haha anlupet.now i know :D
ReplyDeletehindi ko alam ung eksaktong detalye...
ReplyDeletebasta ang alam ko lang may kinalaman ung trueasiatic sa mastaplann bring that booty over here over here!
cool--eeet mo ahhh, nice one.....pareho kayo ni true..kulet din ng avatar mo, pamysterious effect :)
ReplyDeleteganda ng site mo :D.. Don n lang mas may angas ang dating!! pwde ba un?....
ReplyDeletealing site?
ReplyDeletemarami nang Don eh... tsaka baka isipin nila mayaman ako :-P
e2 multiply.... mayaman ka naman talga db? :D
ReplyDeletehmm.. napaka-sipag na pangalan.. =)
ReplyDeletesalamat Macromedia yan...
ReplyDeletehindi kasi ako bihasa sa Photoshop...
mayaman sa friendship :D
ganun din avatar ko dati... takip mukha...
ReplyDeletepero dahil summer... para maiba naman...
Humble! :)
ReplyDeleteo cge na nga....
tinanong ko pa si badong bakit plorwaks ang screen name mo..yan pala ang alamat ng plorwaks ;P
ReplyDeletehahaha talagang si badong pa eh...
ReplyDeleteat least hindi mo na itatanong sakin nasagot ko na... :-P
may tama ka! anong brand ka ba ng plorwaks..may nakita akong red tsaka white eh..dunno watz the difference..plz elaborate..hehe :P kakatuwa talga tong si plorwaks ;)
ReplyDeleteah eto pala ang alamat mo kuya :D nga pala late ko na nabasa na nasa Ortigas ka, promise ilibre kita :D
ReplyDeleteeto ang brand...
ReplyDeleteMr.Johnson is plorwaks..sosyal ;)
ReplyDeletetumatagal eh... =))
ReplyDeletemeron pa rin ba toh?
ReplyDelete"NAGCHACHAT HABANG NASA OFIS!"
pde bang sumali? ok lang? khit saling pusa lang ako..hehe
san ba toh? ym? mirc? o sa mga ibang chenelyn!
sad to say... wala na sya...
ReplyDeletewala na kasi yung CREATE ROOM feature ng Yahoo eh...
usually kung cno pinaka maagang mag login sya ang gagawa ng room...
tapos papasok na lang ung mga aabot...
lagi yan from 7AM to 10PM usually lumalabas ang room... PDT(Pilipinas Daw na Timezone)
anu b yan sayang.=(
ReplyDeleteso d2 nalang kau nag tatambay sa multiply ngaun?
tama ka... d2 na lang...
ReplyDeletekung anong utos ni TRUE dun kami nagko comment, nagre reply or nagpo post...
Akala ko Johnson ang first name mo.... hahahaha. :)
ReplyDeleteayun taga plorwaks nga ng runway ang sabi sa meh--- sa chat rin
ReplyDelete^___^
akala ko rin... Pronto pala! :))
ReplyDeletehahaha... sbe nga ni true lage nya nakwekwento na sa chatrooms daw kayo nagkakilala :)
ReplyDeletehalu plorwaks! nasa batangas ka?
ReplyDeleteaba! master nyo pala si tru! :-)
ReplyDeletehi tru!!! musta na?!?
nice plorwaks!! mishyu! heheh...
ReplyDeletepaminsan minsan...
ReplyDeletenasa Pampanga ako ngayon eh
dumadalaw lang dun :-)
Oist! Mag-aanniv na ulit ang NAGCHACHAT HABANG NASA OPIS. Wala bang planong kitakits? ***Sipol sipol...
ReplyDeletehonga maganda yan...
ReplyDeleteewan ko sino ba nagpa plano...
tignan mo ung isang post ko Malds... nagkagulo... bilis!