Palaging tanong na hindi ko masyadong nabibigyan ng karampat na sagot ngunit patuloy na ibinabato ng sinuman sa aking mga nakilala at nakasalimuha sa mundo ng internet…
Sa pagkakataon ngayon, naging interesante (o baka naman wala lang talaga akong magawa) at pinili kong umpisahan at ikwento ang buong salaysay:
Taong dos mil dos(2002)... buwan ng Mayo… bandang alas tres ng hapon… pang-gabi talaga ako pero nasa dayshift ng kasalukuyang trabaho dahil nagse setup ng mga PC sa bagong nilipatang opisina slash mukhang-bahay slash tambayan. Masasabing trabaho dahil kumikita, kahit na ang nature of work ay maituturing na confidential - “if I tell you, then I have to kill you” kind of stuff - pero hindi sya tungkol sa terorismo no. Tungkol lang sa medyo sensitibong mga bagay na sa ngayon ay hindi pa sigurong kayang tanggapin ng mga konserbatibong Filipino.
sige balik na sa kwento…
Dahil mahilig kami sa chat noon, ito lang ang tanging solusyon upang magpalipas ng oras sa panggabing trabaho. Meron kaming tambayang chatroom sa gabi, na puro kabulastugan at kalokohan ang inaatupag.
Pero sa pagkakataong yun, nasa dayshift ako, yung mga karaniwang kong kasalimuha ay mga tulog!!! At dahil hindi ko mapigilan ang pangangati na mag type at mag post, in other words, mag chat… ayun! naglibot ako at nakita ko ang napaka interesadong pangalan ng chatroom…
NAGCHACHAT HABANG NASA OPIS! (kasama talaga ung exclamation point, para bang andun ung emphasis of defiance about prevailing company policies regarding chatting)
Uy, mukhang pwede ako dito… sige nga at makapagmasid…
Andun yata si TRUEASIATIC(hindi ko pa sya kilala nun), nang o okray ng ibang chatters o nagpapa quiz(parang WW2BAM). Tapos halos puno ang chatroom… maraming nag uusap, may nagtatanong tungkol sa personal, sa lovelife, sa trabaho, sa sex, sa fone number… lahat lahat na. Andun din yata si TRIP(ang alam ko pag andun si TRUE andun din si TRIP)… second the motion ni TRUE sa pang o okray yan…
Sa tingin ko nakahanap na rin ako chatroom na pwede kong maging tambayan na hindi masyadong guguluhin ng mga booter, ng mga flooders, mga bots at mga manyak na mahilig sa webcam shows. Kaya lang mukhang kelangan kong magpalit ng ID kasi masyado yatang conceited yung BEN_APLEK na ID ko. BEN_DIESEL kaya? Ay, meron na sabi ng Yahoo Profiles… naunahan ako…
Papano nga ba napunta sa plorwaks?
Naalala ko ung biru-biruan tungkol sa mga job offer. High paying jobs at per hour ang rate… pero mahirap ang trabaho: taga tulak ng barko sa pier, taga repair ng radiator ng Volkswagen beetle, taga vulcanize ng gulong ng tren at ang biglang nag click sa utak ko:
taga plorwaks ng runway…
Malapit ako sa
Pwede na… Unique ang dating… madaling matandaan kaysa sa deviation ng pangalan mong maraming kapareha at magkakatalo lang kayo sa mga additional characters o number na idinugtong… mala ladiesman217… na marahil ay ibig sabihin na 217 na kayong naka-isip ng ganung ID…
Hanggang sa lumipas ang panahon na tuluyan nang naikabit sa akin ang terminong yun at nagtapos sa pinaikling bersyon: PLORWAKS… hindi ko na rin iniba… ginamit ko na rin sya sa pangkalahatan… sa multiply, imeem, hi5, tagged, crunchyroll, pati na rin sa jobsdb, atbp. Dati sa friendster din kaso sabi ng mga batchmates ko wala raw silang kilalang plorwaks sa batch namin kaya todo explain ako at ibinalik ko sa first name ko para lang mapabilang sa grupo…
Sa itinagal ng panahon, ang Donnie ay naging synonymous sa plorwaks at ganun din ang plorwaks kay Donnie… parang Dr. Jekyll and Mr. Hyde… parang si Lord Byron na tropa ko nung high school: He is quiet at home, he’s noisy at school - ang description sa kanya sa yearbook namen…
Lahat naman tayo siguro may dual personality, yung isa ay yung kung ano tayo ngayon at yung isa ay yung kung ano ang gusto natin o yung mga bagay na itinatago natin sa iba at hindi natin magawa sa harap ng karamihan. Pwedeng alter-ego o kung anu man ang gusto nyong tawagin, minsan nagbibigay-daan para mailabas ang mga saloobin natin at upang tayo ay maging isang perpektong taong pinapangarap natin para sa sarili.