Thursday, June 7, 2007

Saan ako Patungo???


Hawak hawak ang dalawang piraso ng Nestle Safari na binili ko sa 7/11, nagsimula kong lakarin ang kahabaan ng McArthur Hiway simula Balibago hanggang Dau. Alas dyes ng gabi. Walang gaanong kahulugan, bagkus ay isa lamang napag diskitahang gawin pagkatapos kumain ng arrozcaldo sa paboritong kong kainan/karinderya sa may kanto ng Mt. View. Mayroon akong hinahanap habang ginagalugad ang kahabaan ng kalsadang nag uugnay halos kalahati ng Luzon, simula sa bantayog ni Andres Bonifacio sa Kalookan, hanggang marahil sa Aparri ang pinaka dulo nito.


Apat na kilometrong lakaran sa isang lugar na hindi ko kinalakihan ngunit pilit na pinakikisamahan upang mabuhay ng mapayapa at matahimik. Ganito na yata ang kapalaran ko. Isang mahabang paglalakbay. Isang walang katapusang paglalakad, tungo sa kinabukasang wala pa ring malinaw na patutunguhan. Sa gabing yaon, siguradong alam ko ang aking pupuntahan, ngunit sa realidad ng buhay, ito’y maihahantulad sa isang madilim na kanto na walang kasiguruhan kung magkakaroon ng liwanag ang nagsisilbi nitong ilaw sa posteng nakatayo sa paligid.


Naalala ko tuloy yung naging paksa noong ako’y nakisali sa isang pagtitipon ng aking mga bagong nakilalang kaibigan…


"Ang pinakamadilim na oras sa magdamag ay yung kapag malapit ng magbukang liwayway", ika niya…


Marahil ito'y isang aral na matutunan na magpapatungkol sa magiging kapalaran ng aking paglalakbay.


Marahil sa madilim na lugar na aking tatahakin, isang maliwanag na patutunguhan ang kahahantungan.


Teka lang, eto na pala ang pila ng traysikel… sasakay na ko pauwi…
























8 comments:

  1. mabuhay ka, makataong plorwaks! mwahhh! :)

    ReplyDelete
  2. hehe por kilometro! hanglupet. pero magaling pa din ang mga sumilao parmers hehehe (as in p talaga).

    hmmm cryptic ah... wish you luck sa dayorney mo, pag kelangan mo tanglaw, nagbebenta ako ng kandila (haha akala mo iilawan kita?)

    tiramisu ang kapalit ng kandila haha. ;))

    ReplyDelete
  3. hahaha ang walang kamatayang tiramisu...
    yung kandila ilalagay sa ibabaw?

    ReplyDelete
  4. anu yen beerday? hehe... ikaw nagsimula ng tiramisu... naglaway lang ako ahhahaha. nagnasa. (eeww).

    ReplyDelete
  5. oo tiramisu nga sinimulan ko...
    pero ikaw nagsimula ng cake...
    ginawa ko lang example ang tiramisu...
    sarap naman kasi talaga eh...
    either tiramisu meltdown or chocolate mousse...

    ReplyDelete
  6. haha honga. pero ikaw nagsabing me dala kang malufet pa dito kaso ang dugas hindi idinaan hahaha. peace. demanding noh. ;) hehe.

    ReplyDelete
  7. hahaha... malakas lang akong mang ingget :))

    ReplyDelete