Wednesday, September 15, 2010

Ang Taniman


lupang inagaw
balang nagpalahaw
dumanak ang dugo
napuno ng gulo
ang taniman ng tubo

ang mga sunog na balat
kulang pang pahirap
ang mga patang katawan
kulang pang puhunan
para may pagkain sa hapunan

ang tanging inaasam
magkaroon ng sariling tatamnan
may kakanin at ulam
hindi tanimang nakamkam
hindi bala, hindi karahasan

walang kapayapaan
walang katahimikan
patuloy ang kaguluhan
sa maralitang inagawan
ng lupang ayaw ding bitawan