Thursday, May 7, 2009
Wag nyong pakialaman si Martin Nievera
Pwede ba, wag nyong pakialaman si Martin Nievera. Kung mas magaling kayong kumanta sa kanya eh di kayo ang kumanta sa Lupang Hinirang sa laban ni Pakyaw.
Ang pagkanta ay isang pagkakakitaan. Sino ba sa kanila ang hindi binayaran para lang kantahin ang National Anthem? Kung gusto niyo, magprisinta na lang kayo na kumanta sa bawat laban ni Manny.
Wala kayong pakialam na i-criticize ang tao. Kung ganun siya kumanta ay karapatan na niya yun.
UNA, kanyang boses ang ginamit niya sa pagkanta. Hindi boses ng iba, hindi rin lipsynch.
PANGALAWA, hindi naman yata siya ipinanganak dito sa Pilipinas kaya wala kayong pakialam kung kalahati lang ang pinapakita niyang pagmamahal at paggalang sa bayan.
PANGATLO, English is his first language. HINDI SIYA MARUNONG MAGTAGALOG NOON! Hindi siya nasanay kantahin ang National Anthem dahil hindi siya tumatayo tuwing umaga sa eskwelahan para kantahin ang Lupang Hinirang ng tama sa tono! Hindi niya alam ang paglalagay ng kanang kamay sa kaliwang dibdib dahil hindi naman itinuro yun doon sa eskwelahan kung saan siya nag-aral.
Kaya pabayaan nyo na yung tao kung yun ang gusto niya. Pera-pera lang yan. Kung may pera ka, Malaya kang gawing ang anumang gusto mo kahit hindi maganda at naaayon. Wala kayong pakialam sa gusto niyang gawin sa buhay niya.
Subscribe to:
Posts (Atom)