Wednesday, January 21, 2009
2008 - isang taong tula
enero ng may mamatay sa pista ng Nazareno
pebrero ng tanggalin si speaker De Venecia sa kongreso
sabi ni burjer king: "sec, may 200 ka dito"
hello garci tapes at ringtones ipinagbawal na po
marso ng palihim ibinigay ang spratlys sa China
na-acquit ang mga kaso laban kay Imelda
Cory Aquino may sakit na malubha
sa executive priviledge lusot si sec. Neri ng NEDA
abril ng magkaroon "DAW" ng krisis sa bigas
na-convict ang siyam na Magdalo na nag-aklas
ang presidente ng Palau sa bomb threat nakaligtas
mga taguan ng bomba ng JI sa Laguna natuklas
Ms. Earth Philippines nanalo si Karla Paula Henry
sumikat naman si Jenina and her Pamily
walong RCBC employees patay sa bank robbery
GSIS muntik mag take-over sa Manila Electric Company
si Ka Bel nahulog sa bubong ng bahay nung mayo
namatay rin si Mang Pandoy ng maralitang Pilipino
nakidnap si Ces Drilon sa Sulu nung hunyo
kasama ang cameraman at si Prof. Dinampo
dumaan si typhoon Frank malapit sa Mindoro
at pinataob ang MV Princess of the Stars ng Sulpicio
si Daboy pumanaw nung a-syete ng hunyo
si VAT Man Recto in-appoint sa NEDA nung hulyo
sa Tsina ginanap ang makasaysayang Olympics
world record performance nakamit ni Michael Phelps
sports official ng Pilipinas sumali rin sa paligsahan
nagturuan, nagsisihan, kani-kaniyang dahilan
si GMA sa U.S. walang kurap na tumakas
habang ang bansa'y sa bagyo lumilikas
si Pacman pinabagsak si Marquez at si Diaz
impeachment complaint sa kongreso inutas
BJE isinulong ng mga talipandas
MILF ni Salamat nanggulo ng walang habas
isla ng Mindanao natuliro sa pag-aaklas
mga lumad at kabataan nawalan ng magandang bukas
huling SONA na raw sana ni Arroyo
kung hindi matutuloy ang palihim na proseso
cha-cha na pilit sinusulong sa kongreso
mahabaging Diyos ko, sana naman wag po!
2008 daw ay year of the rat
sabi sa hula maghihirap daw ang lahat
nagkatotoo nga dito sa ating bansa
karamihan ng Pilipino, mahirap pa sa daga
sa susunod na taon, ano kaya ang naghihintay
matuto na kaya ang Pilipino na magnilay
labanan ang gobyernong pilit naghuhugas-kamay
sa mga kasalanang Pilipino'y unti-unting pinapatay
Subscribe to:
Posts (Atom)